"Courage is a word that gives you the strength to do what's right, you should not use it as an excuse to murder someone."
- Ran Mouri
-----
Chapter 17:
Who's Who?· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANESa bawat taong dumaraan ay wala akong magawa kung hindi ay magpasimpleng tumatambay lang sa may tapat ng apartment at walang ibang intensiyon.
Hindi nagtagal ay unti-unti na ngang nagdilim ang langit. Ramdam ko ang dagdag sa pag-init ng panahon — senyales na maya-maya lamang ay bubuhos na ang malakas na ulan.
"Raine, nasaan ka na ba?" bulong ko na lamang sa sarili kong patawa-tawa na lang sa mga tao sa paligid.
"Sorry. Nagkaaberya lang saglit." Mula sa binigay niyang earpiece ay narinig ko ang boses ni Raine sa kanan kong tainga. Rinig ko ang kakaiba niyang tono na para bang medyo hinahabol ang kaniyang hininga.
"Saan ka naman kasi nagsususuot?"
"Basta, nagkaaberya lang," sagot nito. "Nakapasok ka na ba? Hindi pa nakakaalis sa panonood ng telenobela ang taong nandito. Naririnig ko pa ang telebisyon na nakabukas."
"Hindi pa. Hinihintay kita," sambit ko na lamang na sa totoo lang ay naiinis na nang dahil sa hindi ko naman talaga gustong gumala sa mga oras na iyon.
"Kanina ka pa nandiyan," wika niya na may halong pagkainis sa kaniyang boses. "Pumasok ka na nga. Kumatok ka lang."
"Sige na nga!" I sighed. Left with no choice, I walked towards the door.
Tutulugan ko talaga siya mamaya, I swear!
Inilapit ko ang aking sarili sa harapan ng apartment na kanina ko pa binabantayan. Isang pagkatok ang binigay ko sa pintuan subalit wala akong natanggap na sagot.
"Tawagin mo kung may tao," sambit pa niya sa akin. "At saka ulitin mo lang kung ano ang sinasabi ko para maayos lang ang lahat."
"Tao po." Isang pagkatok muli ang nanggaling sa akin na sa wakas ay sinagot na rin ng isang tinig na nagmula sa loob.
"Hello? Sino 'yan?" Pagbukas ng kulay luntiang pinto ay nasa harapan ko ang isang babaeng maaaring kasing-edad lang namin ni Raine.
Her slanted eyes were accentuated by her fitted red T-shirt and her flared black slacks. Additionally, the black beret she had worn earlier was now set aside.
"Raine de Verra," wika ni Raine sa earpiece ko.
Sigurado ba siya sa pinagsasasabi niya?
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" pag-ulit nito.
Sasagot na sana ako nang bigla na lamang pinukaw ng isang pagpatak ng tubig mula sa langit ang aking atensiyon sabayan pa ng tunog na parang nagtitipon na sa langit ang mga babagsak na ulan.
"Uh, R-Raine de Verra," sagot ko na lamang. "Pwede bang... Pwede bang pumasok?"
"Pasok ka. Uulan na, e," wika niya sa kaniyang mahinhing boses.
Before the rain started to fall, I finally made it inside the flat, which differed somewhat from mine — in both arrangement and the colour of the walls.
"Maupo ka muna," wika niya na sinenyasan ako papunta sa parisukat niyang sofa sa may kaliwang parte ng sala. Sinunod ko naman siya at saka ito umupo sa pahabang sofa na nasa gilid lang ng naupuan ko.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...