"It takes a great deal of bravery to stand up to our enemies, but just as much to stand up to our friends."
- Albus Dumbledore, Harry Potter and the Sorcerer's Stone, Chapter 17
-----
Chapter 2:
The Familiar Stranger· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE“Isa na namang Nuñez.”
“H-Huh?” tanong ko na lamang. Nagbalik ang kakaibang pakiramdam na akala ko'y nawala na.
“Isa ka sa mga Nuñez na nandito, tama ba? Kakilala ng may-ari,” dagdag niya. “Pamangkin o kamag-anak?”
“Pamangkin. P-Paano mo nalaman? Sinabi ba sa iyo ni Tita?” tanong ko na napaharap dito.
“Ito na ang order mo, anak.” Nabaling ang kaniyang misteryosong tingin sa aking likuran kung saan ko narinig ang mga yabag at ang boses ni Tita.
“Ah, thank you, Tita!” Napalitan ang kaninang seryosong ekspresyon niya ng maligayang pagtanggap habang inaabot sa kaniya ni Tita ang hawak-hawak na kape. “Bagay po sa inyo ang bagong apron na iyan.”
Biglang pumasok sa isip ko ang mga dagdag na katanungan. Hindi ko napansin kung naka-apron ba si Tita kanina o hindi. At isa pa, isa rin ba siya sa mga nanunuluyan sa mga apartment dito?
Pagkakuha niya ay umupo na ito sa upuang uupuan ko sana kanina lamang.
“Napansin mo pala,” wika ni Tita rito na nakangiti. “Teka lang, hijo, ah. Kukunin ko na rin ang order mo.”
Pag-alis ni Tita pabalik sa counter ay muli na namang nagsalita ang babaeng nasa harapan ko. Hindi pa niya iniinom ang inorder na kapeng cappuccino. Sa halip ay kinuha nito ang isang maliit na notebook na may kasamang isang ballpen at saka nagsulat.
“Mahilig kang magbasa?” tanong niyang muli.
“Is that because I took a book–” Pagtingin ko sa kaniyang lamesa ay naroon ang librong hihiramin ko sana kanina. Binuksan niya ito at saka para bang sinusulat ang mga bagay-bagay mula rito.
“Mas mahilig ka sa anime kaysa rito. Kung gusto mo, may nahanap akong isang anime na libro riyan,” sagot niya sa aking tanong. “Mahilig akong magsulat ng mga kuwento o kung ano-ano pa. Sa tingin mo ay ayos lang na magkaiba ang hilig nating dalawa?”
Muli kong narinig ang mga yabag ni Tita na papalapit sa akin. “Dito ka na lang umupo sa kabilang upuan,” wika niya.
“Dito na lang po siya tumabi sa akin,” pagputol ng babae.
“Hindi ka naman magagambala, anak?” tanong ni Tita sa kaniyang maalalahaning tinig.
“Nagsusulat lang naman po ako,” sagot ng babae na hindi pinuputol ang pagtingin sa sinusulat.
Paglapag ni Tita ng crinkles at kape ko sa lamesa ay nakakuha ako ng oportunidad na hayaang sagutin ni Tita ang mga katanungan ko. “Sinabi niyo po ba sa kahit sino rito ang pagdating ko? May nakakaalam po ba?” pabulong kong tanong.
“Wala naman. Imposible naman atang ang kapatid mo dahil umuwi siya noong bakasyon at kamakailan lamang siyang nagsabi sa akin na darating ka,” sagot ni Tita.
“Uh, Ate, puwede po bang magtanong?” tanong ko sa babaeng nakaupo. Pagkatapos kong magsalita, ibinaba niya ang kaniyang ballpen at isinara ang aklat. Nalipat sa akin ang kanyang atensiyon. “P-Pwede po ba?”
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Misterio / SuspensoLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...