"By looking at what's blocking our way, with an open mind, a wall can be turned into a wide-open door."
- Shinichi Kudo
-----
Chapter 21:
The Fourth· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANERaine just walked past us, reaching for the door. It was unlocked and there she entered.
"Papasok na rin ba tayo?" tanong ko kay Aliza.
"Ano ang nasa tingin mo?" balik naman sa akin nito. "I mean, is this what you normally do when on a case - waiting first?"
"Sa totoo lang, hin-" Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko nang bumukas ulit ang pinto kasabay ng boses ni Raine sa loob.
"Kanina pa po sila riyan at hindi man lang kumatok para mapansin mo," wika nito na nasa likuran ni Manong na siyang nagbukas ng pintuan.
Pagkalapag ng mga titig ni Manong sa kasamahan ko ay kaagad itong lumabas upang batiin ng matamis na yakap si Aliza.
"Tito!" Malugod naman itong tinanggap ni Aliza.
"Ang laki mo na, Liza! Ang ganda-ganda mo!" bulalas nito. Sa oras na nakita't narinig ko ang pag-uusap ng dalawa ay hindi ko napigilang maalala ang araw kung kailan una akong makarating sa apartment ko. Alam ko ang pakiramdam nilang dalawa.
"Happy birthday po," bati ni Ali sa tiyuhin.
"Tara, pasok kayo sa loob!"
Pagpasok namin sa loob ng restaurant ay wala nang ibang tao sa loob - tanging tugtog lang ng violin na galing sa isang radyo ang naroon.
"Uh, nasaan po ang mga bisita niyo?" pagputol ko sa katahimikan. "Akala ko po kasi mayroong party para sa kaarawan mo."
"Pero ito ang party ko - kayong mga malalapit sa loob ko, ang tahimik na paligid, at ang paborito kong mga tugtugin.
Iba nga ata ang interpretasyon ng pagdiriwang ni Manong sa aming mga nakababata sa kaniya.
Mula sa may counter ay mayroon doong mga nakahain nang pagkain na maaaring mga tira niya sa pagtitinda kanina. Kumuha siya ng pinggan at isa-isa kaming binigyan.
"Tito, may itatanong po ako sa inyo," wika ni Ali.
"Sige, Liza," sagot nito. "Maupo muna tayo."
Hawak-hawak ang kaniya-kaniya naming pinggan na may nakahaing menudo, kanin, pancit, at prinitong manok ay sinamahan niya kami sa isa sa mga upuan sa may parteng likuran. Mahaba ang magkabilaang kahoy na upuan na nakaharap sa isang parihabang lamesa.
"Tito, may alam ka po ba na pwedeng puntahan ni Papa?" tanong ni Ali. "Ni Tito Jerico po?"
"Bakit? Anong nangyari?" ani Manong na para bang walang alam sa naganap.
"Magdadalawang araw na pong nawawala si Tito Jerico. Ang sabi po nitong dalawang kakilala niyo ay umalis na lang daw po siya sa opisina niya," pagpapaliwanag ni Ali. "Si Papa naman po, biglang nawala habang nasa kalagitnaan ng klase niya sa amin. Pero bago po iyon, may kausap siya sa telepono niya."
"Baka naman may pinuntahan lang sila. Baka nagkita-kita pero hindi man lang ako sinabihan," sagot ni Tito na kumain na rin ng kaniyang munting handa kasama naming tatlo.
"Noong sinabi mong panganay si Manong sa apat na magkakapatid," pagsingit ni Raine, "pwede bang pakilinaw kasi tatlo pa lang na lalaki ang binabanggit mo - Jerico, Richard, tsaka si Manong."
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...