"There is always only one truth! 真 しん 実 じつ はいつもひとつ! "
- Conan Edogawa
-----
Chapter 29:
Enclosed Linkages· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE"Alam mo namang hindi ako magaling diyan, e," pabulong kong reklamo rito.
"Sige lang. May kakausapin lang ako," wika nito na lumabas muna sa silid dala-dala ang nagri-ring na selpon.
Sino na naman kaya ang tumawag doon?
Pero nang dahil sa naroon sa website niya ang kaniyang number para sa paglutas ng mga kaso ay maaaring isang kliyente iyon.
Naupo na lamang ako at saka tiningnan ang maaaring pagkakapareho ng nasa lumang litrato at ng damit.
Sinuot ko ang isang pares ng surgical gloves at saka na ito hinawakan na nagbigay ng dahilan upang lumipad ang mga alikabok papunta sa ilong ko.
Achoo!
"Sorry po." Nakita ko ang ilan sa mga taong naroon na napatingin sa akin subalit hindi ko na nakita si Samantha.
"Kagaya ng sabi ko kanina: silk and chiffon. Tama si Raine na pwedeng-pwede ito sa paiba-ibang temperatura," sambit ko sa aking sarili na binalik na ang pokus sa ginagawa.
࿐ ࿔*:・゚
Matapos ang pabalik-balik na pagtingin sa dalawa ay dumating na rin sa wakas si Raine. "Sinong kausap mo?" tanong ko.
"Bakit naman kailangan mong malaman kung sino ang tumawag sa akin?" tanong nito.
"Uh, perhaps because we've been receiving phone calls from anonymous people?" sarkastiko kong tanong.
Napabuntong-hininga na lamang ito. "Si Ate," sagot niya na nakasimangot. "Naghahanap ng update sa pinapahanap niya."
"May assignment pa tayo sa Inorganic Chemistry, paano na iyan?" bulong ko sa aking sarili.
"Ano na nga pala ang napansin mo?" tanong niya na napatingin sa hawak-hawak kong damit na nilagay ko sa harapan ng isang microscope.
"Well, this dress appears to be handmade," sagot ko. "Yung pagkakatahi, hindi pantay sa ibang lugar, at may mga kaunting pagkakaiba sa tekstura ng tela."
Tumango lamang ito sa akin na para bang kakaiba mula sa madalas niyang ginagawa sa akin.
"Ipagpatuloy ko pa ba... kasi hindi ko alam kung tama–"
"Sige lang."
"At saka tingnan mo itong nasa parteng ibaba ng hanggang tuhod na damit. May mga konting dumi lang, pero sa kabuuan, mukhang bago pa rin naman."
"Putik ang dahilan ng duming iyan," sagot niya. "Mukhang matagal na 'yan sa mantel, mga limang taon na siguro ang nakararaan."
"Limang taon na? Paano mo nalaman?"
"Yung dumi na nakakapit sa tela, nagresulta iyon sa pagkupas ng kulay sa mga parteng nalagyan ng putik. Mantsa na ito at isa lang sa mga nagsasabi na matagal na iyan," sagot niya. "Pero kahit na luma pa ang damit ay nanatili pa rin itong bago. Walang mga amag kaya hindi talaga ito nalabas sa loob ng kartong iyan."
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Misterio / SuspensoLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...