"Brainy's the new sexy."
- Irene Adler
-----
Chapter 44:
Discombobulated· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE"Pagkatapos mong mawala," dagdag pa nito na kaagad na itinutok sa kaniyang ulo ang hawak-hawak na baril, "isusunod ko naman ang kaibigan mong duwag!"
I wanted to move my rigid body, to grab his gun, or do anything to stop whatever he was planning. But I simply couldn't.
"Sino ka ba?!" sigaw ko na lamang.
"Akala ko ba ay kilala mo na ako?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang isang boses na ngayon po pa lamang narinig subalit tila ba nag-iwan ng kurot sa aking puso.
"It's nice to meet you again, Lorraine Adriella De Verra," dagdag nito.
Mula sa isang sulok ng paradahan ay napalipad ang aking mga mata at doon ko nakita ang anino ng isang taong papalapit sa akin. Nakatago ang kaniyang katawan sa truck na nakaparada sa may kanang bahagi ng tinatayuan ni Zane.
"Oh! May dala ka palang laruan diyan sa bag mo, a. A TDG-2019, perhaps?" tanong nito sa mapaglaro niyang boses. "Talaga nga namang nasisiyahan ka rin na makita akong muli."
Tranquilizer Dart Gun Model 2019. Nakuha niya iyon!
Without a moment's hesitation, I reached into my trousers and pulled out what she mentioned. There it was: a figure of a woman clad entirely in red — red lipstick, red dress, red high heels, and even the tips of her black hair dyed red. Judging by her appearance, she seemed to be in her late thirties to early forties.
"Hello!" bati niya sa kaniyang kalmado at mabait na boses. "Na-miss mo ba ako, sweetie?"
Parang nakita ko na siya rati pero saan? Saan ko nakita ang mga mata niyang iyon? Saan?!
"Siguro nga talaga ay nakalimutan... correction... kinalimutan mo na ako," aniya na napanguso at tumigil sa paglalakad. Pinanatili ko lang ang pagtutok ng dart gun ko sa kaniya, hinahanda ang sarili sa kung ano man ang mangyari.
"Kapag ipinutok mo iyang hawak mo, may darating sa iyong mas malala, hindi ba, Zane?" Nagsimula na naman itong maglakad, dahan-dahang lumapit sa kasama kong hindi pa rin maibaba ang hawak na baril.
"Ano po ang balak niyo?"
"Hindi ba halata?" tanong nito. "Pinakita ko lang naman sa iyo ang ilan sa mga pinagkakaabalahan ko sa miserableng lugar nating ito. Actually, it's just a teensy bit."
Hindi ko siya kilala. Sino ang babaeng ito?
"Alam mo, pareho lang tayo, Ms. De Verra. Pareho tayong mahilig tumulong sa gusto ng ibang tao kahit na ayaw ng mga nakapalibot sa atin dahil sinasabi nilang mali raw iyon," wika niya.
"Tumulong?" pabulong kong sambit sa aking sarili.
"Pwede po bang bigyan mo ako ng bagong pagkakaabalahan? Matagal na kasi bago ko naranasan ang saya," aniya na para bang inuulit ang sinabi ng ibang tao sa kaniya.
And with that, it dawned on me — maaaring sa kaniya nagsimula ang lahat ng mga nangyaring kaso matapos ang isang taon kong pagtatago.
"Pwede po bang tulungan mo akong ipakita sa mga kapatid kong karapat-dapat din akong mahalin?" wika ko na naalala ang naganap na kaso ng mga Tan noong nakaraan lamang na araw.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mistério / SuspenseLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...