"How often have I said to you that when you have eliminated the impossible, whatever remains, however improbable, must be the truth?"
- Sherlock Holmes
-----
Chapter 9:
Concealed Peril· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE
Isang lalaking nasa ika-40 taong gulang na ang humarap sa akin. Nakasuot ito ng hindi gaanong makapal na jacket at saka nakasuot ng salamin. Wala itong dalang bag na maaaring paglagyan ng kung ano mang ginagamit niya.
"Nandiyan ba si Clara Nuñez?" tanong nito.
"Nandito po. Bakit? Sino po kayo?" tanong ko naman.
"Ah, kaibigan niya ako mula sa support group namin. Ang usapan namin ay magkikita kami ngayon para magkausap muli," sagot niya. "225C, Luna Residences, Kalayaan Street ang address niya, hindi ba?"
"Bakit ka po kinabahan nung nakita niyo ako?" tanong ko rito na pinag-aaralan ang kaniyang kilos at personalidad.
Isa sa kanila ni Mrs. Nuñez ang maaaring suspek at kailangan ko pa ring mag-ingat mula sa kanila – lalong-lalo na sa lalaking iyon na ngayon ko pa lang nakita.
"Kinabahan? Hindi, nagulat lang ata ako kasi akala ko si Clara na ang makikita ko," sagot nito na binigyan ako ng isang pagngiti.
Kung nagulat man siya kanina ay dapat hindi na siya kinakabahan ngayon. His pupils slightly widened when he first saw me opening the entrance door, suggesting he was indeed surprised. However, he maintained a composed facade.
Bukod doon ay napansin ko ang inboluntaryong paggalaw ng kaniyang kaliwang kamay na ngayon ay inilagay na niya sa bulsa ng kaniyang jacket katulad ng isa pa. Insecurities must be the cause of this.
Base naman sa pag-aayos niya sa sarili ay mayroon siyang propesyon na nangangailangan na hindi siya dapat madaling magulat. Ang postura niya, maayos.
"Uhh... pwede ba akong pumasok?" tanong niya habang pinagmamasdan ko ang kaniyang katawan mula ulo hanggang paa at pabalik.
"Ah! Pwede naman po pero mas madali po yata kung sa kabilang pasukan kayo pumasok kasi mas malapit ang pag-akyat doon papunta sa apartment ni Tita," sagot ko noong nagtapat ang aming titig.
Hindi naman siya dadaan sa parteng iyon dahil maayos doon ang CCTV. Kung doon siya papasok ay maaaring i-track ng mga pulis ang kaniyang mukha at malalaman din kung sino ang tunay na mamamatay.
"Oo nga, ano!" Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nagsimula na itong maglakad papunta sa pangalawang entrance na medyo malayo-layo mula sa pinapasukan ko madalas kapag papasok sa apartment ko.
Nagkaroon ng pagbabago sa plano ko. Hindi ko inasahang maglalakas siya ng loob na sundin ang sinabi ko. Kung siya man ang serial killer ay maaaring planado niya ang bawat pagpatay. Maaaring isang trap ang pag-iwan niya sa sulat.
Kailangan kong mag-ingat!
"Clara?" Muli nitong tinawag si Mrs. Nuñez kasabay ng mga pagkatok. Mayroon pang mga naninirahan sa baba – sa parteng iyon ay naroon ang Apartment 219A at ang nakatira doon ay isang guro sa hayskul.
Sa tabi naman nito ay ang 218A na nasa ibaba ng sa akin. Mag-asawa ang nakatira roon. Ang nasa likod naman ng kinatatayuan ko, sa likod ng common room, ay ang Apartment 217A. Doon naman ay nakatira ang isang businessman na abalang-abala sa trabaho niya at sa ngayon ay maaaring nasa opisina niya pa rin sa sentro ng siyudad.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...