40. Mourning

54 18 4
                                    

"Every man at the bottom of his heart believes that he is a born detective."

‒ John Buchan

-----

Chapter 40:
Mourning

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Habang nasa sasakyan ay kinuha ko ang selpon at saka isinulat sa aking pribadong blog ang mga bagay na nalaman ko. Madali akong makalimot kaya naman kailangan kong makaisip ng mga bagay na magpapaalala sa akin ng mga ito.

"Let's exchange information," wika niya habang tinatahak namin ang daan papunta sa aming destinasyon.

"Sige."

"So far, what has my Big Sis told you?" tanong niya.

"She told me that John Zamora is thirty-three years old. Isa raw siya sa mga ahente nila na nag-leave noong nanganak ang asawa niya isang buwan na ang nakararaan," sagot ko habang binabasa ang mga isinulat ko sa aking selpon.

Mula sa kaniyang bag ay kinuha niyang muli ang maliit niyang kulay teal na kuwaderno at isa sa kaniyang mga ballpen. "Ano pa?" aniya habang hinahayaan ang mga daliring isulat ang mga sinabi kong mga bagay-bagay rito.

"Ang asawa niya ang huling nakakita sa kaniyang buhay noong nakaraang gabi, alas otso. Ang sabi raw ni John dito ay may pupuntahan daw siyang importante," dagdag ko pa. "Noong nakaraang araw ng madaling araw, natagpuan ang katawan niya sa tabing-ilog malapit sa Leveriza Street."

"Leveriza Street," bulong niya habang sinusulat ang salitang nabanggit.

"Sinabi rin sa akin ng ate mo na ang nakita raw rito ng mga pulis ay hindi naman nakainom ng alak," pagpapatuloy ko. "Hindi raw pagkalunod ang naging dahilan ng pagkamatay niya."

"Uh-huh," aniya na naibalik sa akin ang titig. "Ngayon ay ano naman ang sinabi ng kaibigan mo kanina?"

"Mga bagay na nagpagulo sa akin," sagot ko. "Anyways, before that I visited his wife."

Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Baka dumating ang araw na makuha mo na ang ginagawa ko."

"Actually, it was your sister. Siya ang nag-utos sa akin na puntahan ang babae," wika ko.

Napalitan ang kaniyang seryosong ekspresyon ng hindi niya napigilang pagtawa. "Sabi na nga ba," aniya. "Pero sige, balik tayo sa tanong ko kanina."

"Asawa ni John?"

"Oo, malamang," sarkastiko niyang sagot.

Akala ko pa naman ay tinatanong niya ang tungkol sa sinabi ng lalaki sa ilog kanina. Pero sa totoo lang, inihirit ko pa kasi ang tungkol sa asawa, e.

"Okay. It turns out that they live separately," pagpapaliwanag ko. "Hindi ko pa nakikita ang anak nilang sinasabing ipinanganak pa lang."

"Titingnan natin mamaya pagdating natin doon," aniya bago huminto ang aming sasakyan sa unahan ng isang kulay puting van. "Dito muna tayo sa sasakyan. Alright, continue."

"Ayun na nga, dinala na ako sa tabing-ilog ni Kuya at doon ko na nga natagpuan ang lalaking iyon," pagpapatuloy ko pa habang nabaling ang mga mata ko sa maraming tao sa may hindi kalayuan. "At alam mo ba? May pagkakaiba talaga ang mga bagay-bagay, e."

"State them all."

"Sinabi niya na siya ang nakakita sa bangkay ng kaibigan niya. Marami nga raw ang humihingi ng panayam niya, e," sagot ko.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon