"Tell your secret to the wind, but don't blame it for telling the trees."
- Laila from A Thousand Splendid Suns
-----
Chapter 10:
A Great One's Fall· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE“Alam ko kung ano po ang nangyari sa asawa't anak ninyo.” Kahit na nahihirapan ay pinilit ko pa ring panatiling gising ang aking sarili. “Hindi naman po kasalanan ng limang nabuhay na nakasakay noon sa minibus ang nangyari sa kanila.”
“Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko,” sagot nito sa akin.
“Hindi bale, kilala ka na po ng mga pulis,” wika ko rito, minamasahe ang ulo upang matauhan man lamang.
“Wala na akong pakealam doon. Matapos ko lang makipaglaro sa natitirang nakaligtas na iyon ay malaya na akong susuko sa kanila,” wika nito na puno ng kumpiyansa sa sarili. “Sinira mo ang plano ko kaya ngayon ay ikaw na lang ang maaaring huling kalaro ko.”
“Anong laro naman po yan?” tanong ko rito na halos hindi ko na matitigan ang kaniyang mga mata.
May kinuha siya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon at ibinigay sa akin ang isang baril. “Marunong kang gumamit niyan?” tanong nito na naupo sa aking harapan.
Hindi pa ako sumusubok ng tunay na baril. Madalas ko lang gamitin ang aking dart gun dahil bawal pa akong magmay-ari ng tunay na baril na kagaya ng binigay niya.
“Ano naman po iyan?”
“Ang kemikal na itinurok ko sa iyo – nagpaparanas ng matinding sakit, nagbubukas ng mga alaalang matagal mo nang kinalimutan, at nagpapawala sa sarili. Depende sa lakas ng taong tinurukan ang epekto niyan,” wika niya. “Ngayon, ano kaya ang epekto niyan sa iyo?”
Unti-unti na ngang sumakal sa akin ang mga masasaklap na alaala ng nakaraan – mga bagay na para bang humihila sa akin pababa.
“Alam kong… Alam kong ikaw ang nagsulat sa papel na iyon.” Kahit man nagsisimula nang magpawis ay hindi ko ito hinayaang magapi ang sarili ko.
“Habang nagsasalita ka ay mas pinapalala mo lang ang sitwasyon mo,” babala nito.
Napahiga na lamang ako sa lamesang nasa aking harapan, unti-unting ginagapi ng galit at lungkot ang aking pusong gusto nang makawala mula sa mga alaalang iyon.
“M-May PTSD ka k-kaya hindi mo na kaya pang k-kontrolin ang sarili mo,” sagot ko pa. “Hindi ka pinapatahimik ng sarili mo kaya g-ginagawa mo ang lahat p-para masunod lang ito!”
“Matapang ka, ah. Iba talaga ang tama ng kemikal na iyan sa mga mas matanda sa iyo,” wika nito. “Dapat kanina ka pa patay!”
Mga bulong at ingay ang narinig ko sa buong paligid. Naroon ang boses ng mga magulang ko — ang mga sinasabi namin noong nangyari ang trahedyang iyon. Bukod doon ay narinig ko ang nagmamakaawang boses ni Ate na nais magpaligtas sa akin.
“Tama ang sinabi niya sa akin. Ikaw ang magiging problema ko sa huling planong ito,” sambit pa nito. “Dapat talaga nakinig ako sa kaniya.”
“Sinong siya?” Nadagdagan ang bigat ng damdamin ko nang marinig ko pa ang mga salitang iyon.
“Isa raw siya sa mga mambabasa mo,” sagot niya.
Narinig ko na nga ang sirena ng kotse ng pulis mula sa malayo, kahit na paano ay magiging ligtas na rin ako at si Mrs. Nuñez.
“Bakit ka naman ngumingiti riyan? Nababaliw ka na ata. Iyon ang epekto sa iyo,” tanong nito sa akin. Maaaring nabagot na ito kaya naman ay tumayo na ito at saka naglakad papunta sa bintana.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mister / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...