"Education never ends, Watson. It is a series of lessons, with the greatest for the last."
- Sherlock Holmes
-----
Chapter 30:
Golden Hour· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE4:10 p.m.
Four hours had passed since the last message. After Raine uploaded a chapter of her novel to her website, we had the chance to finish our homework for a major subject.
We were just halfway through when we were startled by a knock at our door.
"Ako na ang magbubukas," sambit ko kasabay ng paghawak ko sa doorknob. Pagbukas ng pinto ay naroon si Tita na may hawak-hawak na pulang sobre.
"Raine, may nagpapabigay sa iyo sa labas. Ibigay ko raw sa iyo," wika nito.
My colleague, her pen clicking continously and her foot tapping involuntarily as she mulled over her assignment, reached out and grabbed the note.
"Hindi niyo po ba binasa?" tanong nito.
"Binasa? Huwag kang mag-alala, hindi ko iyan binuksan," sagot lamang ni Tita. "Ang tagapagdala ng sulat ng tatlong lalaking nakatira diyan sa 220B ang nag-abot sa akin."
"Sige po. Salamat," sambit ni Raine sabay sirado ng pinto.
Pagbukas niya nito ay mayroong litrato nung lalaking nakamotor kanina. Nakaupo ito sa isang bench at saka para bang walang malay. Hindi pa nga namin ito nasusuri nang mag-ring ulit ang selpon ni Raine.
"Magaling, De... De Verra," wika ng panibagong boses sa selpon nito.
"Pareho bang numero sa kanina?" pabulong kong tanong dito na sinagot naman ako ng isang pagtango.
"Nakalaya n-na ang na-nauna," pautal-utal nitong sabi. Base sa kaniyang boses ay isa siyang babae – maaaring ang sinabi ni Tita na nag-abot sa kaniya ng sulat. "Ba- Bahala na kayo kung ano ang gusto niyong g-gawin sa kaniya."
"Ano ito? Bakit mo ito ginagawa?" tanong dito ni Raine.
"Sinabi k-ko naman sa iyo na nagsisimula nang muli a-ang laro," sagot naman nito.
"Alam mo bang g-gusto ko ang Se-Serafina na iyon. Ma-Maganda siya at... madaling magtiwala," dagdag pa nito.
"Anong-" Gusto na sanang kumawala ng galit at pagkabalisa sa aking isipan nang bigla akong pinatikom ni Raine.
"Huwag kang magpaparinig kung ayaw mong madamay pa ang pamilya mo rito," pabulong niyang sita sa akin. Kita ko sa mga mata nitong seryoso na siya sa mga nagaganap.
"Pwede... Pwede kang magpatulong sa pinsan mo o... o sa kung sino pa man, basta't tandaan mong s-sa atin nagmula at... sa atin d-din magtatapos," wika pa ng babae sa selpon.
"Anong ginagawa mo sa mga inosenteng taong iyan?"
"Huwag kang mag-alala," sagot pa ng babae. "H-Hindi ko naman sila i-ihuhulog kung hindi k-ka naman susuway sa usapan."
"Wala kang puso!" Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kaniyang galit gamit ang kaniyang nakakuyom na kamay. Bukod doon ay may luha ring namuong muli sa kaniyang mga mata.
"Apat na oras lang pero nahanap mo na ang unang clue," dagdag pa ng babae. "Ngayon ay bibigyan naman kita ng labindalawang oras para sa mga susunod."
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...