6. Shadows of the Past

172 48 87
                                    

"A secret makes a woman, woman"

-Vermouth

-----

Chapter 6:
Shadows of the Past

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Ikaw, sa tingin mo?" Muntik na akong mapanganga sa kaniyang mga sinabi nang nalipat sa akin ang kaniyang tingin. "Ano sa tingin mo?" pag-ulit niya.

"A-Ako?"

"Wala na tayong oras para sa ganiyan, Mr. Nuñez. Ilang minuto na lang ang natitira bago tayo paalisin ng mga kasamahan ni Kuya George," sagot nito. "Hindi ka naman siguro kukuha ng Science na Major kung hindi ka curious sa mga bagay-bagay, hindi ba?"

I felt a shiver down my spine. How did she figure out that college course of mine?

"Mauubos na ang oras," paalala ni George.

Tiningnan ko na lang ang babaeng nakahiga. "Ano ang palagay mo sa mga bagay-bagay?"

Ang una kong napansin ay ang luha sa kaniyang mga matang hindi ko alam kung ano ang sanhi.

"Well, anything interesting?" tanong ni George na nagpabalik sa aking atensiyon papunta sa kanila.

"May luha siya sa mga mata. Hindi ko alam kung dahil saan pero pwedeng dahil umiyak siya noong bago ito namatay. Maaari ring dahil lang ito sa body fluids na meron siya dahil sa pagbabago pressure at proseso ng pag-decompose," sagot ko.

Nakita ko ang isang pagngiting nanggaling kay George. Maaaring dahil iyon sa sinabi ko subalit hindi siya tumingin sa akin habang nagsasalita ako, sa halip ay nakatingin siya sa bangkay.

"Tapos na ang oras! Bilis, alis na!" malakas na paalala ng lalaking nagpaiwan kanina sa labas ng silid.

"Pinaalis na kami rito, Kuya, kaya good luck na lang po." Isang ngiti ang binigay ni Raine kay George na, kagaya ng ginawa niya kanina, ay agad niyang binawi kasabay ng paglakad palayo.

Paglabas ko sa pintuan ay handa na sana akong umuwi subalit naramdaman kong may humawak sa aking balikat. Pagharap ko sa aking likuran ay naroon si Kuya George. "Magaling din ang ginawa mo kanina," puri nito sabay ngiti nang bahagya.

"Wala naman po iyon, uhh... Kuya," sagot ko na lamang.

"Paano mo nakilala si Raine?" Gusto ko mang umalis upang sundan ang mabilis maglakad kong kasamang babae subalit hindi ko maialis ang sarili ko sa isang pulis na nagtatanong.

"Pareho po kami ng tinutuluyang apartment," sagot ko pa.

"So, does that mean that..." Isang misteryosong ngiti ang binigay niya sa akin at saka na ako binitiwan. "Sige. Habulin mo na ang maliksing Raine na iyon."

"Sige po." Nginitian ko na rin siya kahit na napipilitan lamang at saka na nga umalis sa bahay na iyon.

Pagdating ko sa labas ay wala na roon si Raine. Wala na rin ang kotse na naghatid sa amin kanina.

"Si Ms. De Verra ba ang hinahanap mo?" Isang babae na nakabantay sa labas ang lumapit sa akin.

"Uh... opo."

"Hinatid na siya pauwi ni Ms. Santiago," dagdag pa ng babae na base sa itsura ay nasa ika-tatlongpung taong gulang na.

"Yung babae po na nasa kotseng nakaparada riyan kanina?" Gamit ang kamay na panturo ay ipinakita ko sa kaniya kung saan nakaparada kanina ang sasakyan.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon