"The moon does not mourn over the dead. What it does is shine light on the truth."
- Shinichi Kudo
Chapter 27:
Five Orange Pips· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE"What do you mean by he? Ang ganda kaya ng calligraphy na iyan!" wika ko.
"It could indeed be a woman, but the police would be better equipped to determine that for certain," sagot niya habang dahan-dahang ibinabalik ang mga laman ng pulang sobre sa loob nito. "Ang amoy lang kasi ang nagpakumbinsi sa akin na tama ang kutob ko."
Inilapit niya ang kaniyang hawak sa akin, at sumingaw ang amoy ng isang mamahaling pabangong panlalaki, na agad pumasok sa aking ilong.
"Kung sino man ang nagpadala niyan ay baka tagahanga mo," sambit ko na lamang.
"Ano pala yung nasa selpon ko?" tanong niya. Sa muli ay nagsimula na naman kaming maglakad. Napahinto lang ako nang pumasok siya sa kaniyang kuwarto.
"Hindi ko mabuksan dahil sa PIN," wika ko. Sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kaarawan niya.
Matapos mailagay ang sobre sa isang clear plastic at hubarin ang kaniyang gloves, kinuha niya sa akin ang selpon. Pagkabukas gamit ang kaniyang fingerprint, bumulaga sa amin ang parehong mga litrato na natanggap namin sa loob ng sobreng iyon.
"Tara na!" yaya ni Raine.
"Teka lang, magbihis muna tayo. Baka mapagalitan–"
"Sige!"aniya.
Without any warning, she shut the door to her room. I could sense her urgency, so I quickly headed to my own room and changed out of my uniform as well.
࿐ ࿔*:・゚
"Ipinatingin pa namin iyon sa mga eksperto."
Mula sa kayumangging pintuang nasa kaliwang bahagi namin ay lumabas si Kuya George. Nang dahil sa maaaring hindi kami pwedeng pumasok sa mga opisina nila ay nanatili lamang kami sa waiting area sa labas ng isang silid sa ikalawang palapag.
Halos kalahating oras na kaming nakaupo roon bago siya nagpakitang muli sa amin.
"Baka matagalan pa–" dagdag niya na naputol nang dahil sa muling pagbukas ng pinto.
"Sige, papasukin mo sila rito," ani ng dumating. Sa pagkakaalala ko ay siya ang guwardiya noon doon sa una naming pinuntahang kaso ni Raine.
Sinamahan nila kami sa loob na kung saan ay marami pa kaming nakitang pulis na may kani-kaniyang ginagawa sa mga puwesto nila.
Dumiretso lamang kami hanggang sa nakarating sa kuwarto na nasa kaliwang parte ng gusali. Sa may pinto ay may nakapaskil na Interview Room.
Kagaya ito ng mga nakita ko na noon sa palabas kung saan nila tinatanong ang mga posibleng suspek. "Bakit tayo nandito?" pabulong kong tanong kay Raine.
Mayroong isang pulis na nauna na sa amin doon at may tinitingnan sa kaniyang laptop. Naupo ito sa isa sa tatlong upuang naroroon. Sa kaniyang vest ay may nakalagay na badge at sa kabilang parte naman ay ang kaniyang apelyido: Lee.
"Siguro ay may nalaman sila," pabulong namang sagot ni Raine sa akin.
Nabaling ang mga mata ko sa kaparehong USB na galing sa sobre na nakalagay sa laptop nito.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...