2

297 10 1
                                    

Note: ALL EVENTS ARE ALL FICTIONAL. IN TAGALOG, HINDI PO TOTOO. ENJOY😊

..............

Ken's POV

Argh! Damn it!

Naalala ko nanaman kung paano ako binully, simula nang nagkaroon ako nang mga kapangyarihan na to. Hindi ko pa siya nagagamit kasi wala pa namang nagpakita sa aking mul----

"Psst! Sir!"

Shit?! Ano yun? Lumingon lingon ako sa gilid wala namang tao, until may isang babaeng nakasandal sa pader habang nakatingin sa akin. "Nakikita mo ako?"

Biglang tanong sa akin nang babae. Is she a ghost? Why is she asking me?! Malay ko ba kung totoong tao siya o nasa kabilang buhay na.,

"Oo... Ano ka ba?" Medyo kinikilabutan na ako nung bigla siyang lumapit sa akin... "Tao o multo?" Tanong ko pa, para na akong baliw dito. Nagsasalita nalang ba ako mag isa? Shit naman.

"Sa tingin mo?" Tinaasan niya ako nang kilay at pumamewang pa sa harap ko. Kung minamalas ka nga naman. "Am I a ghost or not..." binalik niya yung tanong sa akin.

"Ang arte mong multo ka, nagtatanong akong maayos tapos ibabalik mo sa akin, baliw ka ba? May saltik ba utak mo?" Naiiritang reklamo ko sa babaeng to.

"Edi--Sorry... I need your help, yes. I'm a ghost. Hindi ako matatahimik dahil walang hustisya ang nangyari sa akin." Paglalahad niya. Anong nangyari sa kanya?. "Ano bang magagawa ko kung multo na ako hindi ba? Wala. I'm useless, I need your help." Pagmamakaawa niya pa.

I want to know her story... siya ang kauna unahang multong lumapit sa akin. "Tell me your story... at kung paano kita matutulungan."

"Owemji!!!! Totoo ba?! Tutulungan mo ako?! Shucks! Thank you Lord!!!" Para siyang batang pag binigyan mo nang candy ay masaya na. Mga ngiti niyang tanging ako lang ang nakakita pero kahit stranger ang babaeng to... masasabi kong, ang ganda niya. "By the way... I'm Y/N. You are?" Pakilala niya.

"Ken." Tipid kong sagot. "Gusto mo ba sa bahay natin pag usapan? Kasi baka mapagkamalan akong baliw dito." Pag iiba ko. Repustasyon ko din ang inaalala ko, baka kung sino pa ang makakita sa akin.

"Uh... sige?" Parang nag aalangan pa siya. Kasi sa bahay ko? Bakit maiilang siya. Sasabihin ko nalang na multo siya. Shit, sabi nga pala ni Mommy na... aalis sila for three months pupunta sila nang USA. So ako lang ang maiiwan sa bahay....

"Bakit parang natatakot ka? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko kasi yung takot niya sa mga mata niya.

"Uhh--No..." pagtangi niya. Malalaman ko din kung bakit ka natatakot,

"Ischedule natin... medyo busy din ako eh, dito nalang tayo ulit magkita." Sabi ko sa kanya then I saw her smiling again... parang nakakahawa ang ngiti niya eh. "How old are you?" Tanong ko sa kanya.

"Bente. Birthday ko ngayon," sabi niya at bigla siyang nalungkot. "Nandito ako kung nasaan ang pamilya ko. Tignan mo," tinuro niya yung nasa loob nang resto. Her family is having fun without her. "Sana birthday ko yung ipinagdidiwang nila..." she started to cry. Paunti unti, damang dama ko ang lungkot na nararamdaman niya.

"Hap--Happy Birthday." Bati ko sa kanya. Kahit manlang ako na ang magpasaya muna ngayon sa araw niya. Ang gaan gaan nang pakiramdam ko sa kanya. It reminds me of someone.

...............

Flashback

"Ice! Nandito ka na pala." Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap. I miss her so much... kababata ko siya, as in super close ko.

Code name niya is Ice. Playmate ko, ayaw niyang magpakilala sa talagang pangalan niya. "Ang tagal mo, maghahapon na. Muntik pa nating di maabutan ang sunset." Angil niya.

"Sorry na... nandito naman na ako eh, may inayos lang ako sa bahay. Alam mo na," paliwanag ko sa kanya.

Siya lang ang tanging taong nakakaintindi sa akin... "owemji!!! Ang gandaaa!!! Look oh! Ken!" Sabay turo sa araw. Nakita ko kung gaano kaganda ang reflection nito sa dagat.

Maybe... Ice is my crush and also my first love.

"Sing ganda mo," biglang sambit ko. Ang dulas nang bibig ko ngayon. Napahiran ata nang floorwax eh. "Yung araw..." nginitian niya ako.

"Nakatakas ka nanaman sa inyo," sita ko sa kanya. Mas matanda ako sa kanya. Mala kuya ang turing niya sa akin at ako naman bilang iba na.

I admit it... may feelings ako sa taong to.

"Lakas nang tama ko sayo," bulong ko nalang...

"Ulul! Uuwi na din ako nang 7pm. Pauwi palang parents ko nun eh," sabi niya.

...............

End of Flashback....

"Huy! Tulala ka na dyan! Are you with me?" She waved her hand infront of my face. Tinabig ko naman. Parang tanga

"I just remembered someone..." sabi ko at napangiti nalang.

"Girlfriend mo?" Mausisang tanong niya. Luminga linga ako sa paligid. Buti walang nadaang tao masyado ngayon di ako magmumukang baliw sa harap nila.

"Sira. Wala akong ganun," sita ko sa kanya at natawa siya. Ang cute niya talaga. Nakikita ko sa kanya si Ice... nasaan ka na ba Ice? Bakit di ko na siya nakikitang nagpaparamdam...

"Ahh..."

"Alis na ako... baka hinahanap na ako nang pamilya ko, magkita nalang tayo dito next week." Sabi ko sa kanya at nilayasan ko na.

Hindi naman kami close, so... pero-- saan siya natutulog? May kama ba ang mga multo? Bahala na.

................







Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon