17

132 7 0
                                    

''Hindi ko alam kung maniniwala kayo sa akin, pero... nakakakita po ako nang mga multo. at ang anak niyo po katabi ko.'' panimula ko. ''Siya po ang kausap ko kanina, gusto ko pong makausap niyo siya kaya pinapasanib ko siya sa akin.'' nakikinig lang sa akin ang magulang ni Y/N. 

samantalang kabado pa ako kasi anytime pwedeng merong mangyayari sa akin. ''Y/N... go,'' nang sumanib siya sa akin, para bang naging manhid ung katawan ko. parang wala na akong naramdaman. 

........................................................................................................................................

Y/n's POV

''Ma, Pa. Ako to...'' Naiiyak na sinabi ko nang makita ko sila sa harapan ko. Saglit lang ang epekto nang sanib ko kay Ken, sobrang natutuwa lang ako na ganito, willing nyang isacrifice ang lakas niya para lang makausap ko ang magulang ko.

''A-anak? ikaw ba talaga yan?'' pagsisigurong sabi ni Mama at lumapit sa akin,  ''Kung ikaw ang anak ko, May stuff toy ka na ako at ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang laman sa loob.'' 

''Mint scent.'' sagot ko. Hindi kasi ako makakatulog kung wala yung pang amoy na yun, ''Ako po ito. kaibigan ko siya, sobrang miss na miss ko na po kayo...'' 

''Miss ka na din namin anak... ipaglalaban namin ang buhay mo ah... Mahal na mahal ka namin nang papa mo.''' 

''K-kung pwede lang ako bumalik.... matagal ko nang ginawa, At ang magagawa ko lang ngayon ay ayusin ang kasong to at magpahinga na... matagal na akong nag-gagala sa mundong to...'' 

''P-pwede bang bumalik ka nalang samin anak?''  umiyak na ako.

''H-hindi ma... Gustuhin ko man...'' 

''Y/N.... Nanghihina na ako,''  narinig kong hinanaing ni Ken sa akin. 

''Kailangan ko nang umalis sa katawan ni Ken... baka kung ano pang mangyari sa kanya,'' agad naman akong umalis sa katawan at bumagsak na siya sa sahig. ''K-ken, gumising ka!'' sinubukan ko siyang hawakan ko pero tumatagos na yung kamay ko, hindi ko alam pero feeling ko certain time and event lang ang pwede ko siyang mahawakan physically.

''Jusko, Alfred! Tulungan mo ako. Iupo natin to sa sofa, kukuha ako nang cold water, pupunasan ko ang muka niya para mahimasmasan na.'' sabi ni Mama at tumayo papuntang kusina. 

Ang kulit kasi eh, okay lang naman kasi kung hindi ko na siya sasaniban, pero ito siya nagpupumilit.

......................................................................................

''Oh wag ka munang tumayo, nanghihina ka pa...'' sita sa kanya ni Mommy. ''Magpahinga ka na muna,''

''O-okay na po ako,'' nanghihina na sabi niya nang mamulat ang kanyang mga mata. ''Kailangan ko pa pong kausapin yung lawyer...'' sabi niya at hinawakan ang noo niya, nahiilo pa ata siya.

''Hijo... matulog ka na muna, wag ka nang mahiya.'' Nilakasan ko ang loob ko para mahawakan yung ulo niya at mahawi yung buhok na nakaharang sa mga mata niya. ''Salamat...'' 

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. ''Salamat kasi kung wala ka, hindi ko sila makakausap...'' pinunasan ko ang mga luha ko.

''Mahal na mahal kita... Ken, Babalik ako... para sayo at para sa pamilya ko at dumatingman sa puntong isa sa atin ang makakalimot... ipapangako ko sayo na ipapaalala ko ang lahat, sana ganoon ka din...''

......................................................................................................................................

''Babe.'' napalingon siya sa akin, nandito na siya sa loob nang sasakyan niya. Tinignan niya ako na para bang naninigurado siya sa naririnig niya. ''Tara na, gusto ko nang magpahinga,'' pag iiba ko. He smiled.

"Parinig nga ulit." Nilingon niya ako at tinignan ako nang mariin, alam mo yung alam mong wala naman siyang magagawang iba sayo kasi ikaw multo samantalang siya... normal na tao, madami pang pwedeng gawin sa buhay. "Please..." pilit niya pa.

"Ken naman ang sabi ko ah. Baliw ka ba?" Natatawa ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Bakit kasi Babe ang lumabas sa bunganga ko? Y/N. Para kang tanga! Napapahiya mo tuloy yung sarili mo. "Oh nakatingin pa. Mag drive ka na nga lang."

"Okay." Sabi niya nalang. Nagdrive na siya, ilang minuto lang at nakarating na kami sa harap na nang bahay nila. Nakita ko ang isang sasakyan, baka ito ung sa tatay niyang hilaw.

"Hm? Nandyan ka na pala." Bati sa kanya nang nanay niya. "Saan ka galing?" Tanong pa nito.

"Business." Tipid nitong sagot sa nanay niya. "Pagod na ako Ma. Magpapahinga na ako," nakasunod naman ako sa kanya,

Hindi ko alam kung yun lang ang rason niya kung bakit siya nagiging cold siya sa nanay niya. O di kaya may iba pang dahilan, dahilan para mas magalit pa siya. Ayoko namang magtanong kasi baka ako ang pagbuntungan nang galit niya. Hindi ko na alam, basta gusto ko lang na matulungan siya. Sa problema ko, at sa problema niya. Ayokong solohin niya ang sakit, kahit na multo ako. Gusto ko pa din matulungan dahil mahal ko siya.... mahal na mahal ko siya, at kapag ako nahihirapan, ganun din ako. Handa ako,

"Magpahinga ka na. Matutulog na din ako," sabi niya ang humilata sa kama, hinawakan ang phone niya at nilibang ang sarili niya, ako. Gusto ko siyang kausapin sa ganitong bagay. Hindi naman pwedeng may sama siya nang loob, gusto kong magkaayos sila. "Hm? Anong iniisip mo? Ayaw mo pang magpahinga." Sabi niya pa.

"I can't sleep." Tipid kong sagot sa kanya.

"Hm? Bakit?" He asked. Umayos siya nang upo at tumingin sa akin, "what's on your mind?"

"You. Between you and your mom. Hindi ko kasi kayang makita na... ikaw at ang nanay mo, ganito. Yung pakikitungo, sobrang cold. Wala namang kasalanan ang nanay mo..." deretsong sabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman malaman kung may iba pang rason.

"Wala ka nang pakielam dun Y/N. Ayoko nang pag usapan, magpahinga nalang tayo." Sagot niya.

"May iba pa bang rason kung bakit ka galit sa kanya? Kasi alam kong galit ka lang sa kanya kasi nagmahal siya nang isang mamatay tao. Taong ako ang pinatay," sabi ko.

"May mga problema na hindi mo dapat malaman, hindi naman lahat kailangan alam mo." Sita niya sa akin, nataasan niya nang kaunti yung boses niya, at para bang nagulat ako sa pananalita niya. "Look, I'm sorry. I told you just rest, madami tayong pinagdaanan this day. Kaya ang mas mabuting gawin ay ang magpahinga Y/N..."

"Okay..." tanging sabi ko nalang.

Hindi pa siguro ngayon ang panahon para kulitin siya sa ganitong bagay, pero kapag dumating sa puntong kulang na ako sa oras para malaman ang lahat. Wala akong choice kundi ang pilitin siyang sabihin ang problema.

Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon