''Mommy. Pwede ba kitang makausap?'' Nakita ko siyang nagluluto sa may kusina. Naghahanda nang dinner namin para mamaya. ''It's about Jeric.'' hindi na ako nagpaligoy-ligoy, napatigil siya sa ginagawa niya, pinunasan ang kamay niya at binigyan ako nang brownies.
''What about him?'' Tanong niya. ''Siguraduhin mong maayos ang sasabihin mo,'' She's blinded for that guy, which is not right.
''Jeric is a killer.'' diretsong sabi ko. Nanlaki ang mata nang nanay ko. ''He's not inosent mom! Mamatay tao siya! Ang magiging delikado ang buhay natin kapag hindi pa natin siya pinaalis sa bahay na to.''
''Gago kang bata ka! Aware ka ba sa mga pinagsasabi mo?!'' gulat niyang sagot sa akin,
''I have evidences. Ganun ka ba kabulag sa pag ibig niya? o dahil kailangan mo siya dahil sa per---'' nagulat nalang ako nang lumapat ang kamay niya sa mga pisngi ko, ang sakit oo. Pero tinangap ko, kasi hindi ako nagsasabi nang mga kasinungalingan para lang kampihan nang mga tao.
''Wala kang karapatang sabihin yan! Hindi mo siya kilala! Baka sinasabi mo lang yan kasi may galit ka sa kanya kasi hanggang ngayon, ayaw mo pang kumalas sa tatay mo!'' Sigaw niya sa akin, dali dali akong umakyat sa kwarto ko at nilock ang pinto.
''O-Okay ka lang ba?'' Lumapit sa akin si Y/N, para haplusin yung pisngi ko, ''Wrong timing na kinompronta mo siya dyan... Mahal niya yung tao., sarado siya sa mga sinasabi mo'' Paliwanag niya sa akin.
''Pero mali! Mali yun. masyado siyang nabubulag sa pera o di kaya sa pagmamahal nang gagong killer na yun.''
''Darating din ang panahon na marerealize nang nanay mo... na mali ang kinakampihan niya,'' Napahawak nalang ako sa ulo ko at napayakap sa tuhod ko.
.........................................................
''Saan ka po galing?'' Nasa dining table kami, nandito na din si Jeric. sinubukan kong makipagplastikan sa kumag na to.
''Business.'' tipid niyang sagot.
''Business na? Taga linis nang ginawang kasalanan?'' pagpaparinig ko at kumain nang pagkain na nakahanda.
''Ken.'' pigil sa akin ni Mama. ''Kumakain tayo dba?'' sita niya.
''Pinagsasabi nang anak mo?'' napangisi si Jeric. ''Nababaliw na ba yan?'' agad akong tumayo at pumunta sa harapan niya.
Agad kong inambahan nang suntok, at tumama sa muka niya. Pinipigilan ako nang nanay ko, pero natulak siya ni Jeric. ''bakit kasi hindi mo nalang aminin ang kasalanang ginawa mo?! mamatay tao ka. Hindi ka tao! Isa kang hayop!'' sugod ko at hinawakan siya sa collar nang damit niya.
''mabubulok ka sa kulungang hayop ka.!'' Nagulat nalang ako nang bigla niya akong itinulak at nalaglag ako sa sahig, dumudugo na din ang mga labi ko.
''Wag na wag mo akong pinagbibintangan kung wala kang ebindensya.'' sigaw niyang pabalik sa akin, Masasaktuhan din kita. mag antay ka lang.
''Ano ba tama na! Ken! Jeric!'' sita niya pa.
''hindi na ako kakain, nawalan na akong gana.'' Binitbit niya ang coat niya at tuluyan nang lumabas nang bahay namin,
''Gamutin mo yang sugat mo,'' Sabi nang nanay ko. pero ibinigay niya lang sa akin ung first aid kit, Talaga bang wala nang pakielam sa akin yung nanay ko at mas pinili niya yung lalaking mamatay tao?
''Oh shit!'' Nagulat ako nang bigla siyang lumitaw sa harap ko. ''Anong nangyari sayo? Akin na nga yan,'' kinuha niya sa akin yung med kit. hindi na ako makapaniwala na nahahawakan niya yung mga bagay na hindi ko talaga mapaliwanag.
''P-paano mo nagagawa yan?'' Nagtatakang tanong ko sa kanya at tinuro ko yung kit na kinuha niya s akin,
''Ako? Hindi ko alam.'' Sabi niya. at umupo na ako sa kama ko, naglagay siya nang alcohol, hindi ko alam kung bakit hindi tumatagos yun. tapos lumapit siya sa akin, bawat haplos niya ramdam ko yung hapdi. ''Dahan dahan lang naman.'' sita ko sa kanya.
''Oh ikaw na.'' bigla niya nalang binigay sa akin yung bulak na may oinment. ''Baka biglang mahulog, ako pa ang sisihin mo.'' ngumisi siya.
''thank you...''
''Ano ba kasing nangyari? Nagsisigawan lang kayo. bakit nagsalpukan na kayo anng stepdad mo.'' sabi niya.
''Kailangan ko pa bang magkwento kung parang nasabi mo na ang lahat?'' Tinignan ko siya, umiwas naman siya nang tingin sa akin.
''Okay.''
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...