11

151 7 0
                                    

''Sunugin mo na dali! Naeexcite na ako!'' tumatalon siya pa siya tuwa. nasa may rooftop kami nang bahay namin at may dala akong posporo pati mga papel kasama na din yung binili naming damit. Agad ko namang nilagay sa lagayan at binato ang ilang posporo para masunog ang damit. Nung nakita ko yun, nanghihinayang ako. pero alam ko namang babayaran niya. 

''oh? ano nang mangyayari dito after sunugin yan?'' nagtatakang tanong ko sa kanya kasi hindi ko pa nakikitang suot niya yung damit na binili namin. ''Seryoso bang totoo yan? Kaka kdrama mo yan eh. Hindi naman ata totoo. nasayang lang yu----'' nagulat ako nang bigla nang nakasuot sa kanya yung damit. bigla siyang napasigaw at tumakbo papalapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi, napayakap sa akin nang mahigpit. 

Dug Dug Dug Dug

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit may kung anong kaba ang naramdaman ko nung niyakap niya ako. Hindi namana ko ganito sa kanya dati, kinaiisan ko nga dahil sa ugali niyang ubod nang arte. Mali! Mali to! Hindi pwedeng basta basta nalang ako kakabahan. Kailangan ko na bang magpacheck up? baka mamaya atakihin ako sa puso nito!

''S-sorry.'' napahiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. ''Masyado akong natuwa. Hindi ko din akalain na mangyayari to. Ang ganda!'' sigaw niya pa. 

Namumula ata ako. ramdam ko yung init nang katawan ko, at nung niyakap niya ako. parang isang malakas na hangin ang dumaan sa akin.  ''S-sorry. nagulat ka ata sa ginawa ko.'' napatulala nalang ako, nagulat nalang ako nang bigla niyang pisilin yung pingi ko.

''Alam mo. muka kang kamatis!'' Asar niya pa sa akin. ''nayakap nanaman kita! may powers na ata akong magpagalaw nang mga bagay at makahawak nang tao!'' masaya pa niyang sinabi. 

''T-tama na yan. Tara na, Umuwi na tayo.'' Kinuha ko yung mga gamit ko at nauna na sa kaniyang bumaba, Hinawakan ko ulit ung dibdib ko. Hindi pa din siya tumitigil sa pagiging kabado. Tanging ingay nang mga sasakyan ang naririnig ko. 

''Psst! Wag mo akong iwan!'' narinig ko siya na tinatawag ako. ''Hoy Ken!'' tawag pa niyang muli. Lumingon ako at nakita ko siyang hingal na hingal kakahabol sa akin, Wala akong nagawa kundi ang puntahan siya. At sinamahan para makasakay na din nang bus pauwi. 

''Dalian mo kasi. Ang bagal mong maglakad eh.'' malamig ang tono nang boses ko.  Iniscan ko yung pambayad ko sa bus at pumili nang upuan, pumunta ako sa dalawang upuan sa bandang likod. Wala sa sariling inilagay ko sa kanya yung bag ko, para walang makaupo sa tabi ko maliban sa kanya, Alam ko namang multo siya pero hindi ko alam kung ituring ko siya parang totoong tao.  

''Aray ko naman! Magdahan dahan ka naman!'' reklamo niya nang magbrake ang driver para mapasandal siya sa akin, bawat kilos niya na nahahawakan niya ako nararamdaman ko. ''Pst Ken, maiba ako. Naniniwala ka ba sa reincarnation?''  biglang tanong niya.

''Nope, Hindi ko alam.'' tipid kong sagot sa kanya. 

''Ikaw talaga! siguro nung past life mo, isa ka sa mayabang na antipatikong CEO!'' natatawa ako sa mga sinasabi niya.  ''Masyado kang cold sa akin, akala mo hindi ako kaibigan.'' sabi pa niya. 

''O sha, baka ikaw aso ka nung past life mo.'' 

''Aba gago to ah! Ang ganda nang pagkakasabi ko sayo, tapos ako aso?! sa ganda kong to napagkamalan mo pa akong aso nung past life ko!'' Bulyaw niya sa akin, para akong baliw na tumatawa mag isa. Tsk, hindi naman kasi siya nakikita nang mga tao. 

''ceo ang sabi ko sayo. tapos ako aso, Bwisit!'' naiiritang bulong pa niya.

''O sige, prinsesa? gusto mo yun?'' Napangiti siya. 

''Ayan, babawiin mo din pala eh.'' sagot pa niya sa akin. ''Pero seryosong usapan, kapag nag reincarnate ako... makilala mo kaya ako? O kaya makikilala kita? Or kung sakali man... gugustuhin mo kaya ako?'' malalim siyang nag-isip habang nakatingin sa bintana. 

''Siguro...'' bulong ko. Napatingin siya sa akin, 

''narinig ko yun!'' Nang sabihin niya yan hindi ko na siya masyadong pinansin. ''Uy! Sige ganyanan ah.'' Sabi pa niya. Kinuha ko ang phone ko at isinuot ang earphones ko. nakinig nang music, nagulat nalang ako nang biglang may magsalita sa gilid ko. Si Y/N, tulog na pala siya. nanaginip lang. 

''W-Wag! tama na! Wag!'' Sigaw niya at ako naman tong tinry ko siyang kalabitin, bigla naman siyang nagising at napatingin sa mga mata ko.

''Panaginip lang yun, Shh wag ka nang umiyak..'' pagpapatahan ko sa kanya.

''Hindi ko na kaya to! Gusto ko nang matahimik, Humanda sa akin ang lalaking yun kapag nakita ko siyang pagala gala!'' 

Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon