22

118 10 0
                                    

''Teka teka. bakit nyo ba siya pinoposasan?!'' pinipigilan nang nanay ko yung mamatay na tao niyang boyfriend. ''teka lang naman, baka mali kayo nang binibtang sa kanya!''

Nakikita kong nahihirapan yung nanay ko. Pero hindi ko naman hahayaan na maawa ako sa kanya dahil lang mahal niya ang mamatay tao na to. ''Anak...'' nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan niya mga kamay ko at lumuhod na sa harapan ko.

''Anak... wag namang ganito, ang sabi niya sa akin wala siyang ginagawang masama... mali ang binibintang mo sa kanya.'' lumuha siya. Hindi ko alam pero awang awa ako sa nanay ko. Seeing her na magkaawa sa harapan ko para ilet go ang pumatay sa girlfriend ko? Hindi naman pwedeng pakawalan ko kasi gusto kong mabigyan nang hustisya si Y/N.

''Mommy. Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nakakita na kami nang sapat na ebidensya sa taong pinagtatakpan mo!'' bulyaw ko sa kanya. ''At isa pa, May warrant na kami. Pwede bang kumampi ka naman sa akin?! Mommy anak mo ako! Hindi ako estranghero sayo! anak mo ako!'' sigaw ko pa sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa nanay ko, I hate her seeing like this. ''Hindi na magbabago ang isip ko. Makukulong ang mamatay tao na yan, kailangan niyang makulong kasi nakapatay siya nang taong importante sa buhay ko. at hindi lang niya pinatay! Ginahasa nang gagong to ang babaeng mahal ko. naiintindihan mo ba ako?! Ma. Maawa....Maawa ka naman sa sarili mo, masyado ka nang nagpakabulag sa pag ibig.... hindi ka naman ganyan dati, hindi naman ganyan nung nandyan pa ang Dad...''

''W-wala ba akong karapatang maging masaya?''

''Ano ba sayo ang masaya na nagmamahal? Nagpapakabulag ka sa pag ibig? Ma....naririnig mo ba yang sinasabi mo?'' 

''Nanay mo ako. Dapat maintindihan mo ako,''

''Anak mo ako, dapat pakingan mo ako.'' hindi ko na mapigilang maluha. ''Makukulong sa kulungan yang nobyo mong mamatay tao. At yun ang gusto ko para sa ikabubuti nang lahat.''

''Jeric Santos. Ikaw ay may karapatan na kumuha nang abogado at kung ano mang sabihin mo ay pwedeng gamitin laban sa korte." Sabi sa kanya nang police.

Dinala na siya sa police station, lumabas muna ako para magpahangin. Tatawagan ko na din mamaya si Josh para masabi ko at kung ano nang mangyayari after nang pasaglit sa kulungan ang kupal na to.

"Okay ka lang ba?" Nilapitan ko siya. "Makukulong na yung taong gumawa nito sayo, wag ka nang mag alala." Sinubukan kong hawakan para hawiin yung buhok niyan, pero hindi. Lumusot lng yung kamay ko, tumagos.

"Pagkatapos bang mabigyan ka nang hustisya... Maglalaho ka na?" Malungkot na sinabi ko sa kanya. "Wala bang specific na day ka kung kailan ka babalik? Mamimiss kita..." sambit ko pa.

"Oo, babalik ako. Pero hindi ko alam kung kailan, depende sa panahon Ken," sabi niya, gusto ko siyang yakapin kahit alam kong sa sarili ko na limitado ang galaw ko. "At kapag nangyari yun, ikaw ang una kong yayakapin." Sabi pa niya...

"T-tawagan ko lang si Josh, para sabihin sa kanya na next week na yung case. Sana mapanalo niya ang kaso mo," I smiled at her.

Pagkatapos nang paghihirap niya sa mundong to, makakamtan niya na din ang inaasahan niyang kapayapaan.

[Hello? Napatawag ka? I'm currently doing my work right now.] Sagot niya sa akin.

"I just wanted to say na... may tiwala ako sayo, at sana mapanalo mo ang kaso nang girlfriend ko." Sabi ko sa kanya. "I'll hang up." Sabi ko at ibinaba na yung telepono, lumapit naman sa akin si Y/N at niyakap ako sa likod. Nakaramdam ako nang isang malamig na hangin na nakadagan sa akin, I know it's her... I will miss her.

"Do you want a... a heart to heart talk? Mr Suson?" She asked and smiled. Humarap ako sa kanya,

"Alam mo ba na sana... I can take a photo with you, may remebrance man lang ako bago ka umalis."

"Sus, then try... malay mo makita ako sa mahiwaga mong cellphone."

"Feeling ko hindi ka makikita," natatawang sabi ko sa kanya, Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa pisngi, iniangat yung kamay ko para mag take nang picture, yung mga braso niya at iniikot sa leeg niya. "Smile Babe!" Hudyat niya at pag click niya, pag tingin ko... weird, nandito nga siya.

"See. Ayaw mo kasing maniwala sa akin eh, Tara!" Hinila niya ako papunta sa isang duyan. Dalawa yun, nasa magkabilang dulo kami. "Saan tayo pupunta dito? Lang?"

"Simple right? But we can make new memories together." She smiled. Dito lang masaya na ako, ang mahalaga para sa akin sa ilang saglit bago siya umalis kasama ko siya. "I'll miss this... ikaw, yung mga pagiging antipatiko mo nung una tayong nagkita." Nagdrama na siya, aminado ako. I pretended to be strong kahit na sobrang nanghihina ako kapag nakikita ko na siyang umiiyak.

"Naalala mo yun," I chuckled.

"Oo naman. Namimiss ko lang naman yung pamilya ko nun tapos nakilala kita, hindi ko naman akalain na nakikita mo ako kaya I don't want to miss the opportunity..." paliwanag niya. "Tska bakit ba napaka antipatiko mo? Suplado. Kaya siguro wala ka pang girl---" napatigil siya nang bigla ko siyang tignan.

"Ha? Girlfriend? Anong tawag mo sa sarili mo? Hah." Natatawang sabi ko sa kanya, nakakalimutan niya ata na boyfriend niya ako. "May nalalaman ka pang babe kanina, hindi pala kita girlfriend." Nang aasar na sabi ko sa kanya, gusto ko lang makita yung reaksyon niya sa bawat sinasabi ko.

"HALA! SORRY NA PO!" She kissed my cheeks. Napahawak naman ako sa pisngi ko, siguro muka na akong siopao sa harapan niya. "Hindi pa din ba tayo bati?..." umiling ako, shit! Ano bang nangyayari sa akin?! Para naman akong sinaniban nang kabaliwan!

"Sorry na po..." nag puppy eyes pa siya sa harapan ko. Lumapit siya, as in sobrang lapit sa muka ko... "Babe." Tawag niya at saktong halik ang natangap ko mula sa kanya, parang halik nang isang normal na tao. Parang talagang kaharap ko siya.

"Isa pa nga." Nag demand ako. Baka sakaling pagbigyan ako.

"No. Next time nalang yung iba, kota ka na." Sita niya sa akin at umiwas ako nang tingin. "Tara na. Gabi na." Aya ko sa kanya, tumayo ako at hinawakan ang kamay niya at niyakap siya. "May ilang weeks pa naman dba?" Bulong ko sa kanya.

"Uhm.. oo,? Hindi ako sigurado." Hinagod niya yung likod ko.

"Susulitin ko na kasama kita." Sabi ko, nang makita niyang mangilid yung luha ko, agad niyang pinahiran yun. "Mahal na mahal kita. {Full Name}. At hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino."

"Mahal na mahal din kita. Mr Ken Suson," sagot niya.

I'm willing to sacrifice for you Babe... mahal na mahal kita, sobra...

Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon