28

123 7 0
                                    

''Aasikasuhin na ang kasal niyo. ito ang mga ioorganize.'' pumasok si Mommy nang office ko. Hindi ko na talaga alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. ''May family dinner pa tayo mamaya.'' sabi niya pa. 

pwede bang takpan ko nalang ang tenga ko sa mga naririnig ko. hindi na kasi kaaya aya eh. ''Ma, hindi ko maasikaso yan, bakit hindi po si Mr. Suson ang pagawain nyo dyan? I'm busy right now.'' sabi ko sa malamig na tono. 

''Lalaki si Ken hindi ba? anong alam niya sa mga wedding dress at taste nang mga babae pagdating sa isang kasal.'' 

Walang alam sa kasal? Ginusto ko ba to?



''Mom. pwede ba tayong mag usap?'' 

Umupo siya sa upuang nasa harapan nang table ko. ''Ano?'' pagtataka niya habang may hinalungkat sa bag niya. 

''Can't we just.... cancel the wedding.'' pagmamakaawa ko. ''Bakit ba sobrang pilit na pilit niyo akong pinapakasal sa taong na ni isang beses hindi ko naman nakilala. Anak niyo pa ba ako? bakit ang dali niyo sa akin para kalimutan niyo ako?'' nagbago na ang tingin niya sa akin.

''Gawin mo to para sa pamilya natin. HIndi ba pwede yun?'' 

Hindi ba parang ginagamit nila ako para lang mas umusbong yung kompanya namin? para lang shares? hindi kaya napaka unfair nang buhay sa akin. ang sarap kausapin nang lalaking yun para sabihin na itigil na ang kalokohan na to. 

''Gagawin ko? Tapos hindi naman ako magiging masaya. Nag take ako nang business para sa pamilya natin pero ano? heto naman yung ipapagawa niyo sa akin. ipapatali niyo ang isang lalaking hindi ko naman gusto o mahal. pati ba naman dun, dinidiktahan niyo ako?''

''Ginagawa naman namin yun, para kapag nawala kami alam namin na nasa mabuting kamay ka.'' sabi pa niya, She's trying to convince me na talagang dapat kong gawin ang pinapagawa nila. ''Ayoko na mag isa ka kapag nawala kami nang dad mo.'' 

''Hindi ba pwedeng ako nalang muna. darating naman yung panahon na yan eh, masyado kayong nagmamadali sa kinabukasan ko.'' 

''It can't be canceled. malaki ang expectation nang Suson Publishing.'' sabi niya, tumayo siya sa kinauupuan niya at binitbit ung bag niya. ''I need to go,'' ni hindi niya pa ako pinasagot nilayasan niya nalang ako, Hindi ko alam kung parang kabastos bastos yung approach ko sa kanya. 

Sa totoo lang hindi ko na din alam kung saan ko na ilulugar ang sarili ko. 

1 message from Unknown Number.

Let's meet. Starbucks cafe sa Makati.

The heck? sino to?

Me: Who are you?

Paano niya nakuha number ko? Kaibigan ko ba ang nagbigay sa kanya nito? Sabagay pwede ko naman sigurong idahilan na may boyfriend ako para matigil ang kasal. 

new message: From unknown

isang araw lang tayong di nagkita nakalimutan mo na ako babe :(

the fvck? babe? muka mo babe! Hinding hindi kita papakalan. ''May saltik ata to sa ulo eh, ayoko nga sa kanya! Kahit gwapo siya, hindi ko siyang magagawang maging asawa! ayokong magpatali sa taong minsan ko lang naman nakilala.''

Nakarinig ako nang isang katok mula sa pintuan ko, gusto ko nalang umuwi at humilata. ''Come in,'' sagot ko sa kumakatok sa pintuan ko. pumasok ang isang secretary na may dalang mga files, may dala din siyang malaking boquet nang flowers. Hindi naman nagpa order ang kung sino pang investment company ha. 

''K-kanino galing yan?'' pagtatakang tanong ko sa kanya, inilagay niya sa harapan ko ang isang folder at may nakapatong na ballpen doon. ''Hindi naman ako nagpadeliver or wala namang tumawag sa akin para makatangap ako nang ganyan. next time, sabihin mo sa guard ayoko na makakatangap na ganto lalo na kapag walang nakalagay kung kanino galing. maliwanag ba?'' 

Tumango naman siya. ''Eh Mam may nakalagay pong pangalan. From... Ken Suson po.'' binasa niya yung nakalagay sa card.

''Itapon mo.'' utos ko sa kanya. 

Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa ginagawa ko. ''Hindi po ba si Mr Ken Suson? Siya yung CEO nang Suson Publishin---.'' I cut her off.

''Ang sabi ko itapon mo.'' i glared at her.

Hindi ko na mapigilan na magsalita nang hindi ko alam pero siguro sa galit na tono. ''Itapon mo na. I don't need it, nakikita mo namang nalalanta na yung mga bulaklak na nasa loob ng office ko.'' 

''Yes Mam'' kinuha niya agad yung bulaklak, napatingin ako sa kanya. nandun pa kasi siya sa gilid ko. hindi ko alam kung bakit tumatambay pa siya. Shit! Oo nga pala may pipirmahan ako. 

''Here.'' sinarado ko yung folder na pinirmahan ko na. ''You may now leave.'' malamig kong tugon sa kanya. Stress na nga ako sa araw na to, sinabayan pa nang bwiset na pagdadala nang bulaklak na yan. 

lumabas na din naman agad yung empleyado. Isa nanamang pagkatok ang narinig ko. Bwiset! sino nanaman tong hayup na to. Napapagod na ako, pwede bang mag half day nalang ako?

''Come in.'' wala ako sa mood na sumagot kung sino man yung  bwisita na nasa likod nang pinto na ko. itinalikod ko yung office chair ko. Tinignan ko yung view nung mga buildings sa labas. Gusto ko na din makalanghap nang fresh air. 

At mukang impossible pa yun ngayon dahil sa lintek na buhay na to. 

''Miss?'' narinig kong tawag sa akin. ''ganyan ka pala makipag usap sa mga tao. nakatalikod?'' natawa siya. Inikot ko yung office chair ko at nakita ko ang isang kumag na talagang sumisira nang buhay ko. 

''A-anong ginagawa mo dito?!'' naiiritang tanong ko sa kanya. ''Kabute ka pala, naabala ka pa at talagang personal pang pumunta sa opisi---''

''Opisina natin.'' pagtatama niya sa akin. ''After all. ang ibang investments ay galing din sa kompanya ko.'' 

''Bakit sinabi ko bang mag invest ka sa kompanya namin? Wala naman dba? So wala akong utang na loob.'' 

''You don't need me. But your family does,'' presko siyang umupo sa upuan na nasa harapan nang desk ko. ''So kung ako sayo. since nalaman ko na you need us. Sakyan mo nalang ang trip nang tatay mo at tatay ko.'' 

He's trying to negociate with me. pero ayaw ko. Hinding hindi ako papayag sa lintek na kalokohan na to. No! 











Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon