16

141 7 0
                                    

"Y/N! Sandali!" Nakita ko siyang tumatakbo at papunta sa garden. Wala naman sigurong tao dito ano? Lumingon lingon ako at tama nga ako. Busy ang mga taong naimbitahan dito.

"Bakit mo ba ako nilayasan?!" Sumigaw ako. Wala na akong pakielam sa mga maririnig nang tao. Ang importante sa akin, siya. Mahal na yata kita Y/N

"Anong bakit? Bumalik ka na sa kanya, umiiyak siya. Kailangan ka niya." Sabi niya sa malamig na tono. "Siya... nakikita mo, pwede ding kayo..." sa tono niya palang yung sakit na nararamdaman niya napapasa sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Alam mo ba... ang swerte nang mga taong nakakasalamuha mo, kasi... nayayakap ka nila, nahahalikan, nakakasama... ako? Para lang akong anino mo."

"Okay ka lang ba Y/N? Bakit parang hindi ka naman uminom pero... parang lasing ka?" Napahawak nalang ako sa batok ko. "Tara na. Umuwi na tayo..." aya ko sa kanya. Hahawakan ko na sana yung kamay niya nang bigla siyang kumalas.

"Sawang sawa na akong maging naliligaw na kaluluwa. Sawang sawa na ako!" Sigaw niya pa. "At ang pinaka magandang nangyari sa pagiging ganito ko... yung nakilala kita, Ken... sabi ko impossibleng mangyari to, pero ito. Mahal kita! Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin pero Mahal kita.... sobra. At nasasaktan ako sa pagkakayakap mo sa kanya, hinihiling ko na sana dumating yung araw o kaya panahon na ako naman sana yung niyayakap mo." Umiyak na siya. Gustong gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko magawa. Magkaiba kami, multo siya at tao ako.

"Mahal din kita." Sambit ko at napatingin siya sa akin. "Sabi ko mali to... pero wala, mahal kita."

Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako. Isang malamig na hangin yung parang humampas sa akin, para akong di ko mapaliwanag yung feeling... pero wala akong pakielam...

"Naalala mo yung sinasabi mong reincarnation?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niya akong yakapin. "Ipangako mo sa akin na babalik ka... kapag nakalimutan mo ako, pipilitin kong pagtagpuin ang landas natin." Sabi ko.

"Pangako... babalikan kita,"

Sana sa panahong bumalik ka... makilala kita, sana makilala mo din ako, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. "Bibigyan ko nang hustisya ang pagkamatay mo." Bulong ko sa kanya. Gustuhin ko mang halikan siya sa noo, pero hindi kasi tatagos ang muka ko.

.....

"File cases." Inilapag ni Josh sa harapan ko yung mga files. "Nandyan ang kay [Full Name] I'll review it." Sabi niya, akala ko free will ang pagtulong. Papahirapan din pala ako.

"Sorry." Natabig ni Y/N yung isang case. At nalaglag lahat nang mga files. "K-Ken... ito," turo niya sa folder. Kinuha ko naman agad at inilagay sa table ni Josh.

"Josh. Ayan, naka indicate ang name niya dyan. So it means siya yan," sabi ko. Kinuha niya naman yung folder na yun at binasa. "Grabe. Pinukpok nang tubo sa ulo? Brutal. Murder and Rape agad."

"Ang lala dba? Madami akong ebidensya nang tatay kong hilaw." Sabi ko. "Dapat makulong ang gagong lalaking yun. Panira siya nang masayang pamilya."

"Kailangan maayos ang warrant para sa tatay mong hilaw para mabigay na sa korte." Sabi sa akin ni Josh. "May ebidensya ka pa ba?" Biglang tanong sa akin.

"Mag iipon pa ako, pero as soon as possible. Mabibigay ko ang mga ebidensya para mabulok siya sa kulungan." Sabi ko. "I'll go ahead. May sasadyain pa ako, balitaan kita if may nakuha na akong witness and lead." Sabi ko at lumabas na din ako nang opisina niya.

"Saan nakatira ang parents mo? Kailangan kong makausap ang mga magulang mo." Tanong ko kay Y/N.

"Sa Taguig." Sagot niya. "Bahay namin nandun, weekend naman ngayon dba? Doon sila nag iistay kapag weekend."

"May mga gamit ka ba doon?" Tanong ko. Baka kasi may mga fingerprint o kaya bakas para magawan nang lead yung sa kaso niya. Tumango naman siya agad, "okay good. Tara." Aya ko sa kanya.

Sumakay kami nang kotse ko, at pumunta na sa bahay nila. "Sa tingin mo ba... makikipagtulungan sila?" Kabadong tanong sa akin ni Y/N.

"Anak ka nila. Tutulungan ka nila, magtiwala ka." Kampanteng sagot ko sa kanya. Sinet ko na ang google maps at nagsimula nang patakbuhin ang sasakyan. "Wag ka nang masyadong mag alala..." sabi ko pa sa kanya.

.....

Kumatok ako sa pinto at agad namang binuksan nang isang lalaki. "Sino ang hanap mo hijo?" Tatay niya ata to. Matanda na eh.

"Kayo po ba ang magulang ni [your full name]. Kaibigan niya po ako. And... gusto ko lang pong tanungin kung ano yung nangyari sa kanya nung gabing yun." Sabi ko.

"Oh ako nga. Pasok ka," pumasok ako sa loob nang bahay nila. "Hon, may ano.. ano ka ba Hijo?" Tanong niya sa akin.

"Kaibigan nang anak niyo po, and helping for her case." Sabi ko at umupo sa sofa. Inilagay ko ang mga pictures galing sa CCTV. "So sir... nung nawala ang anak niyo para mag cr lang, ilang oras ang nakalipas. Isang bangkay na ang natagpuang patay sa may basement." Panimula ko.

"Her case was opened again. And naghahanap po kami nang lead, and... ito, the killer was my stepdad." Sabi ko. "Kukuha ho ako nang sapat na ebidensya para makulong siya. Same guy po ang pumatay sa babaeng binalita, yung pinatay sa parking lot."

"Abay gago yang stepdad mo! Binawi ang anak namin! Nasaan siya?! Papatayin ko siya!" Galit na galit na sabi sa akin.

"Wala po akong kinakampihan kundi ang anak niyo, dahil una palang ayoko na sa stepdad ko na yan." paliwanag ko, sinusubukan ko na bigyan sila nang dahilan para pagkatiwalaan nila ako sa case nang anak nila. ''Gusto kong makulong ang taong yun, kasi ayoko na din na may iba pang maging biktima.'' 

''Gagawin ko po ang lahat, mabigyang hustisya lang ang ginawa nang gagong yun sa anak niyo.'' 

''O Sige.'' 

...........................................................................................................................................

''Paano mo ba matutulungan ang kaso nang anak namin?'' Tanong niya sa akin habang may hawak na mug na may lamang kape. ''Abogado ka ba? Pulis? Ano ang matutulong mo? ang bata mo pa.'' 

''I've known the best lawyer. may kaibigan po akong magaling sa pagpapanalo nang mga kaso, at sigurado akong mabibigyang hustisya ang mga ginawa sa anak ninyo.'' 

''Talaga ba? Malaking tulong nga yan. Sayang nga lang, kung siguro nandito ang anak ko, sana masaya pa...'' malungkot na sagot sa akin ni Tita, Gusto ko din silang tulungan na makipag communicate sa anak nila. ''Marami talagang salamat.'' 

''Labas lang po ako saglit.'' sumunod naman sa akin si Y/N, Ito lang ang paraan para kahit sa sandali makapiling niya yung mga mahal niya sa buhay. ''Y/N.... Gusto mo bang.... makausap ang mga magulang mo?'' Napatingin ako sa kanya, Napatingin naman siya sa akin, naguguluhan. 

''Ha? Ano? A-ako? sasanib sayo? Okay ka lang? Hindi mo ba alam---'' 

''Wala na akong pakielam. Sumanib ka na sa akin, Gusto kong makausap mo sila. bago matapos ang kaso mo.'' 

''Sigurado ka ba? Manghihina ka Ken, binabalaan kita. makukuha ko yung lakas mo!'' pakikipagtalo niya sa akin.

''Sabi ko ayos lang ako. Pwede kong ipahinga yun, Ito hindi na makakapaghintay. kung manghihina ako, mababawi ko. basta gawin mo na.'' Pagpupumilit ko sa kanya, ''Mamaya, sasabihan ko ang mga magulang mo.''

...................................


Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon