KEN'S POV
Mahimbing ang tulog ko nang bigla kong narinig si Y/N na nagsisigaw, agad akong napatayo sa kama ko at tinignan siya at ginising.
"Y/N. Nanaginip ka, gumising ka." Niyugyug ko siya. Agad ko namang kinuha yung tubig ko pagkatayo niya. Hinagod ko yung likod niya. "Ano bang napaniginipan mo?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
"K-kung anong nangyari sa akin nung gabing yun. Napakawalanghiya niya! Dinungisan niya ang pagkatao ko! Gago siya! Napaka baboy niya!" Galit na galit niyang sinabi.
"Shhh. Wag ka nang umiyak," pinunsan ko ang luha niya. Shit! Nahahawakan ko siya?! Paano pa ako nakahawak nang multo?! Hindi kaya kapag may emotion na lumalabas tska ko lang nagagawa to?
"Thank you. Siguro kung wala ka, baka mas lalo akong hindi pupunta sa paroroonan ko, kasi hindi ko pa nakakamit ang hustisya na kailangan ko bago ako magpahinga." Sabi niya at ngitian niya ako.
"Wala yun. Basta tutulong ako hanggat kaya ko," I smiled. "Matulog ka nalang ulit, nandito lang ako."
"Wag kang masyadong magcare sa akin at sabihing gusto mo ako, baka bumangon ako sa hukay." Pagloloko niya.
"Siraulo! Wag na. Nakakatakot na, baka kung ano pang itsura mo sa hukay."
"Sabagay. Baka naagnas na yung katawan ko, ilang years na din naman kasi ang nakalipas."
"Sabi sayo. Itulog mo na yan eh, ngayon lang ako kinilabutan sayo."
"Tsk. Pag ako naging crush mo, ang swerte mo." Swerte? Swerte tapos ang nagustuhan ko multo? Baliw na talaga siya.
"Matulog ka na." Sabi ko nalang sa kanya at bumalik na sa pagkakahiga ko sa kama.
...........
[Pablo's Calling.....]
"Ang ingay!" Reklamo ni Y/N. Natawa naman akong bumangon para sagutin ang tawag ni Pablo. Lumabas ako at tumambay sa terrace at doon ko sinagot ang tawag niya.
"Dre, Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya.
[Dre, maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na yung babaeng tinatanong mo sa akin, yung sa case niya. The case was now open again. Di ko alam kung bakit.]
"Really?" I think magandang balita to. "Sino ang nag open nang case? I mean may lawyer silang nakausap about dito?"
[Ah yeah. At kaibigan natin ang lawyer, kaya agad agad kong nalaman nung nagkwento siya.] Saad niya pa.
"Si-sinong kaibigan?" Nagtatakang tanong ko.
[Si Josh. Kakabalik niya lang sa pinas, matapos mag study nang Law sa ibang bansa. Tinanong niya din if we want to hang out with him. Libre niya daw.]
Si Josh?! Bat bumalik pa ang kumag na yun, tsk. Matapos niyang agawin ang akin, bigla siyang babalik na parang walang nangyari. "Dre, ibaba ko na to. I have to do something." Paalam ko.
[Sige.]
.........
"Sino yung tumawag?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"Uhh. Kaibigan ko, it's about your case. Naopen ulit siya, so may posibilidad na makamit mo ang hustisya para sa ikakapanatag nang kalooban mo." I smiled.
"Shit! Seryoso ba?! OMG! Yung matagal kong hinihiling." Masayang sabi niya.
"Yeah. May lawyer na din kayo," sabi ko pa sa kanya. "At hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa lawyer na nakuha niyo."
"B-bakit naman?"
"Nothing. Wala lang talaga akong tiwala sa abogado na yun."
"Ahh okay." Sabi niya nalang. "So? Anong gagawin natin today? Nakalimutan ko kasi..." sabi niya at napakunot noo ako,
"Sa witness." Tipid kong sagot. "Magreready lang ako. Tapos alis na tayo," sabi ko sa kanya at kinuha ko na din yung towel ko. Pumasok nang banyo para makapagready na.
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...