37

115 7 0
                                    

I'm wearing a backless black dress, While my husband is wearing a black suit. Oh dba couple formal attire.

''Why are you shuttering.'' he asked. 

Nasa harap na kami ng venue. parang anytime babagsak na ang katawan ko sa kaba. ''You are the CEO, parang hindi ka sanay sa ganitong meeting.'' sabi niya pa. ''Kaya mo yan, nandito naman ako palagi eh, sasaluhin kita.'' sabi niya. 

Huminga akong malalim. ''Aish, hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan. I'm used to it, hindi ko alam kung bakit ganito.'' palusot ko. Ayaw ko lang talagang makita si Jay sa loob, Well kung maari iiwasan ko nalang kung sakaling magtampo ang landas naming dalawa. 

''Sige, tumabi ka nalang sakin. wag kang lalayo,'' sabi niya sa akin. He intertwined my fingers to his. My hands are also shuttering, ang lamig din ng kamay ko. Pumasok na kami sa loob, a lot of business owners are there. May sumalubong naman agad samin.

''Mr and Mrs Suson! Nakarating kayo. I'm glad na tinangap niyo ang invitation namin.'' sabi nung babae. Hindi ko siya mamukaan eh, hindi din ako masyadong makapagsalita kasi I don't know her. ''Enjoy the party.'' sabi nung babae na may dalang wine, at umalis na din para mag entertain ng ibang guest. 

''Ken!'' narinig kong tawag ng isang lalaki. 

''uy! Jay nandito ka pala.'' bati niya, ito na yung kinatatakutan ko eh, sabi ko iiwas ako kapag nagtagpo ang landas namin eh. ''By the way, this is my wife. Y/N.'' pakilala niya. he offered his hand for a friendly handshake pero hindi ko siya kinuha. His eyes are communicating with my eyes. 

no! May asawa ka na Y/n! 

''Uh... magkakilala ba kayo?'' pagtatakang tanong sa akin ni Ken. 

hindi ko nga alam kung anong isasagot ko sa kanya eh. Parang gusto ko nalang maging cinderella kahit na hindi pa magmamadaling araw.

''No babe..''  

''Yes. It's nice to see you y/n.'' 

Patay. Hindi ko na alam kung ano ang idadahilan ko kung bakit ko kilala to, pero siguro pwede ko namang idahilan na kilala ang kompanya namin sa pinakamalaking ambag sa investements. ''It's because you're company has a lot of investments.'' sabi ni Jay. 

Nauntog ba ang lalaking to. Pero salamat siguro kasi nakaramdam siya, Kailangan maglagay ng bakod kasi kung hindi magkakagulo ang mga tao. ''Oh I see.'' sabi ni Ken, Hindi ko alam kung convince siya or hindi. ''I'll go ahead. Enjoy,'' iniwan niya na kami. Medyo gumaan yung pakiramdam ko. Hayss buti nalang talaga.

Akala ko talaga masisira ang araw ko ngayon dahil sa mga Lopez. 

''Upo muna tayo. Nangangalay na ako sa heels ko.'' bulong ko sa kanya. Inalalayan niya naman ako habang naghahanap kami ng mauupuan, nung makakita na kami. Umupo naman agad ako, Alam niyo yung tipong gusto ko nalang magpahinga. Bakit kasi kailangan pang umattend dito. 

''Gusto mo na bang kumain?'' nagulat nalanga ko ng bigla siyang bumulong at inilapit yung upuan niya sa akin, parang wala nang space sa pagitan namin. At ngayon nakapatong na din yung kamay niya sa hita ko. pinapakalma niya yung pagiging kabado ko. ''I'll go get food if you want to...'' Sabi pa niya. 

''Nope, busog pa naman ako.'' sabi ko sa kanya, Tumango lang siya. 

Sa ilang oras na pakikinig dito sa party na to. random people are speaking. nagulat nalang din ako ng biglang bumulong si Ken. ''I wanted to have fun. Pero bakit ito ang binigay.'' he smirked. kinuha niya yung kamay ko na nakapatong sa lamesa. ''Aren't you bored. kasi ako kanina pa.'' bulong niya pa. 

he played with my hand also massaging it. ''I want to leave.'' sabi niya. Para bang bata na nagsusumamo na ina na umalis na. 

''Eh paano kung tawagin tayo.'' sabi ko sa kanya. 

''Hindi yan.'' sabi pa niya. aba at sigurado naman talaga siya dyan ha. ''Ilang minuto nalang din naman eh,'' 

''Ayon naman pala eh. Edi intayin nalang natin matapos.'' sabi ko. ''I want to eat desert, Bili kang ice w1 Babe,'' sabi ko at hinawi yung buhok niya, hindi ko masyadong ginalaw. Alam ko namang ayaw ng mga lalaki na ginugulo yung buhok nila. ''After this.'' 

........

Buti naman at natapos na agad. "Magpapaalam pa ba tayo?"

Gusto ko nalang kasi na dumeretsong bumalik sa kwarto namin, damn this heels. Next time talaga magbabaon na ako ng tsinelas.

"Ako nalang. Wait me here," sabi niya. Iniwan niya ako sa may bukana ng gate. Wala namang tao dito masyado kaya okay lang din,

"Y/N." Narinig kong tinawag ang pangalan ko. Mula sa gawing kaliwa ko nakita, sino? Edi si Jay.

"J-Jay? Anong ginagawa mo dito Jay?" Nagtatakang tanong ko.

"Nangangamusta." Wala sa sariling sagot niya. "It's been a long time, kasal ka na pala." Muka siyang dismayado.

Eh ano naman kung kasal na ako? Labas na siya sa desisyon na ginawa ko at sa pamilya ko.  "Uh yeah." Tipid kong sagot.

"Masaya ka naman? I think, you don't like him."

Sino naman siya para sabihin na hindi ako masaya sa buhay ko ngayon? Ang lakas ng loob niya matapos niyang guluhin ang buhay ko noon. Sana kasi hindi ko nalang nakilala tong hayup na to.

"You don't love him."

Naririndi na yung tenga ko sa mga naririnig ko. "I know, na nagpakasal kayo para lang sa kompanya niyo."

Gusto ko nalang sanang manampal ng lalaki ngayon, pasalamat siya at napipigilan ko ang sarili ko na mag eskandalo dito.

Ken... bumalik ka na, gusto na kitang makita. Ilayo mo ako sa baliw na to!

"Babe." Narinig kong tawag sa akin ni Ken, hinapit niya ako sa bewang para mapalapit sa kanya. "Masyado ba kitang pinaghintay? I'm sorry.." hinalikan niya ako sa noo.

Okay lang. Basta ilayo niya lang ako dito, "Jay. Nandito ka din pala." He smiled. Hindi ko alam kung masaya siya sa nakita niya, pero kung ganun man. I think na misunderstood niya lang.

"Ah yeah, just having a chitchat with your wife." Sabi niya.

"Babe let's go." Hinila ko na si Ken palayo, nakakaramdam na kasi ako nang sapakan. Ewan ko ba  sa salita palang ni Ken may tension na. Sumunod naman agad siya sa akin. Pero sa paglalakad namin papuntang kwarto di siya kumikibo.

"Babe... galit ka ba?"

Para bang hindi niya na ako nakikita sa harap niya, napatigil ako sa paglalakad, at hindi naman niya din napansin, tumakbo ako at natalisod. "Aray... takte naman!" Natangal ung pinaka heel nung sa sapatos ko.

"Y/N. Ayos ka lang?" Sabi niya sa malamig na tono. Nag aalala ba siya sa akin? O pagkatapos nito galit pa din siya.

Napasigaw nalang ako ng bigla niya akong buhatin hanggang sa makapasok sa kwarto. Iniupo ako sa kama at pumunta na ng banyo para hilamos para makapag pahinga na. Ako nakokonsensya pa din ako sa mga nangyari kanina,

Napaisip nalang ako sa mga iniisip ni Ken. Wag naman sana siyang humantong sa hindi na talaga ako kakausapin, hindi ko kakayanin...

......

Inihiga ko nalang ang katawan ko, hindi na din ako nag shower kasi hindi ko na kaya, sumasakit din ang paa ko. I'll go rest nalang, aagahan ko yung gising ko para maabangan ang sunrise bukas... at sana bukas maayos na kami.

Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon