"Sa case niya. I think Josh can help, he is the best lawyer, madami na siyang napanalong cases."
Nasa table kami, umiinom. Onti lang naman ang high tolerance naman ako when it comes to alcohol. "Naawa naman ako sa kaibigan mo. Hindi ko alam kung bakit ang tagal nang binasura nang kaso na yan. No one deserves that." Ani ni Pablo.
"Ang bata niya pa. Hindi niya naranasang... mag enjoy sa life niya, Ang gago talaga nang mga tao ngayon." Sabi pa ni Justin.
Umupo si Y/N sa tabi ko. Hindi ko naman siya agad pinansin, pero napansin kong tumabi din sa kanya si Justin, pero di niya kinakausap. "Bro. Sigurado ka bang hindi ka malalasing?" Pagsisiguro sa akin ni Justin at nilagyan ako sa baso ko nang beer.
"High tolerance naman ako sa alcohol." Napansin kong nakatingin din sa akin si Y/N, bumubulong din siya. Minsan ang ingay niya minsan tahimik. Ewan ko na, "Wag mo siyang tabihan." Napasabi nalang ako. Palapit kasi siya nang palapit kay Y/N.
"Dre? Ayos ka lang? Anong wag tabihan? Si Justin lang naman ang katabi mo." Naguguluhang tanong sa akin ni Pablo. "Vester!" Napatayo ako nang marinig ko yung pangalan na yun. Magkakilala sila? Ha? Paano?
"Nakarating ka. Akala ko kasi sabi mo di ka makakapunta." Umupo siya sa tabi ni Pablo, mukang close sila. "Oh Ken? Tama ba ako? Ken ang name mo di ba?" Pagsisiguro niya pa. Nginitian ko siya at tumango.
"T-Teka. Magkakilala kayo?"
"Yeah."
"Paano?" Ang dami niyang tanong. Big deal ba yun?
"I just met him somewhere." Sagot sa kanya ni Vester. Okay? Hindi naman kami close so bakit kailangan ako pa ang sasagot kaya hinayaan ko nalang siya. "I'll go get my food." Paalam niya at tumayo na para pumunta sa cater.
"Oh Josh nandito ka na pala. Upo ka," pinaupo siya ni Pablo. Naiinis pa din ako sa kanya kasi bumabalik yung mga alaalang gustong gusto ko nang kalimutan. "Can you help her with a case? Magaling ka naman eh. Gawan mong paraan." Pagsasabi pa ni Pablo. Tinignan ko si Josh, I saw him smirked.
"Kayo talaga. O game, what's that case?" Umayos siya nang upo after niyang hubarin yung coat niya at inisabit sa gilid nang sofa.
"[Full Name] case." Sagot ni Pablo sa kanya. "Alam ko narinig mo na yung name na yan, you told me na ito yung pinaka malalang case na nahawakan nang batchmate mo kaya mas pinili niyang bitawan, at wala na ding income yung family niya. So basically, sa haba haba nang paglaban sa korte, ayun. Nasayang. Hindi napaglaban" paliwanag niya pa.
Kung alam lang nila na nandito si Y/N sa tabi ko. "I'm willing to open the case. Pero mahabang proseso to." Sagot ni Josh.
"How long will it take?" Tanong ko. "Bigyan mo lang nang hustisya ang nangyari sa kanya. I'm willing to pay you,"
"I'll do it. Wag mo na akong bayaran, Kaibigan naman kita." He offered his hand for a handshake. Nagdadalawang isip ako kung tatangapin niya ba o hindi. Pero, para kay Y/N, sige pipilitin ko. Tumingin ako sa gawing kanan ko at nagtama ang mata naming dalawa. Umiwas naman siya agad, kanina pa ba siya ganun?
"Are you sure na kaya mong mapanalo to." Pagsisiguro ko sa kanya at tinignan siya sa mga mata niya. Malay ko ba kung puro yabang ang pinapakita niyan. "Kapag napangako mong mapapanalo mo ang kaso na to. Bilib ako sayo, pero hindi kita ituturing na kapatid o kaya kaibigan katulad dati."
"Okay." Biglang may tumawag sa kanya. "Hello? Okay. I'll be there in thirty minutes." Kinuha niya yung coat niya. "Next week na tayo mag usap. May kailangan pa akong gawin sa opisina. Imessage mo nalang ako kung kailan ka available, isisingit ko sa schedule ko. Excuse me," he tapped my shoulders. At umalis na.
"Sige na Mr. Santos, mag ingat ka!" Sigaw ni Pablo. "Inom lang kayo Guys," umalis muna saglit si Pablo, sinubukan kong kalabitin si Y/N, pero di ko alam kung bakit hindi ko na magawa ngayon. Tumayo siya at lumabas na muna, tumagos siya sa may pinto papunta sa may terrace, pupuntahan ko na sana siya nang biglang lumapit sa akin si Chloe. "Ken... can we talk?" Tanong niya.
"Hm?" Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pag usapan ngayon. "Tungkol saan ba yan?" Tinitignan ko si Y/N kung nandoon pa din siya sa terrace, nakakakaba kasi kapag nawala siya sa paningin ko.
"Us. Tungkol sa atin, alam kong sobrang tanga ko na sasabihin ko to. Pero mahal pa kita, mahal na mahal pa kita..." sinimulan niya.
"Hindi ba pwedeng tayo nalang ulit?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko nang mahigpit. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya, niyakap niya ako bigla. "Ken... Tayo nalang ulit..."
"Chloe..." huminga ako nang malalim bago simulang magsalita. "Chloe... sinimulan mo ang gulong to, pinaikot mo kami sa kamay mo. And you expect me to go back to you? Tama na. Napatawad na kita sa kasalanan mo. At katangahan na ang tatangapin kita para lang sirain na ulit ang buhay ko." Hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin kahit na sinusubukan kong kumalas.
"Pinayagan kitang maging kaibigan. Hanggang doon nalang yun..."
Nakita kong nakatayo si Y/N sa harap namin. Nakita niya kung gaano ako niyakap ni Chloe. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ngayon, gusto ko siyang tawagin nung tumakbo siya papaalis.
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...