18

138 9 0
                                    

Ken's POV

"Dre, nandyan ka na pala." Bati sa akin ni Josh, naka upo siya sa office chair niya. "Napaaga ka ata. I think sabi ko sayo medyo... malalate," sabi pa niya.

"I'm here, for work. Kailangan matapos na ang case na to, para sa ikakatahimik nang lahat." Sabi ko sa kanya.  "May naisip akong lead kung sino ang dapat kong icorner para malaman nang mga tao ang kagaguhan na ginawa nang lokong mamatay na tao na yun." Sabi ko pa, His friend. Close friend na halos lagi niyang kasama. Kailangan ko lang sundan para makakuha nang ebidensya.

"Delikado ka dyan. Wala ka bang kilalang pulis? Or kahit sino para maraid mo ang taong yan?" Tanong ni Josh sa akin,

"Wala akong tiwala sa kanila, ako. Sa sarili ko, ang may mas tiwala ako."

"Ikaw bahala. Pero kung kailangan mo nang tulong, sabihan mo lang ako."

"Self Defense ba? Doon lang ako magkukulang. Pero kung may matutulong ka, alam mo na." Hindi ko alam kung gets niya yung tinutukoy ko.

"Kuha ko. Oh eto," binuksan niya ang drawer niya at inilabas ang isang case at inilapag sa ibabaw nang lamesa. "Sa ngayon, kung ayaw mong magpatulong sa mga pulis. Ito na muna ang mabibigay ko sayo, at itong case na to. I'll try my best na makakuha pa nang witnesses and lead para mabigyang hustisya ang kaibigan mo." Sabi pa niya. Lumapit siya sa akin and gave me a smile, nakipag shakehands din siya sa akin. "Wish you luck. If you need anything... bukas ang opisina ko."

......

"K-kailangan mo pa niyan? Wala sa pagkatao mo ang pumatay Ken." Nagulat na sinasabi sa akin ni Y/N. "Wag mong sabihin sa akin na magiging katulad ka nang tatay mong hilaw."

"This..." pinakita ko sa kanya yung case. "In case of emergency. Kailangan kong protektahan ang sarili ko,
Y/N.... wag ka nang mag alala." Pagsisiguro ko pa sa kanya.

"Gago ka ba? Paano kung mabaril ka? Mapuruhan ka? Edi mas nauna ka pa sa akin sa langit. Ang gago talaga!" Hindi siya natuwa sa mga biro ko. "P-paano kapag bumalik ako, makikita na kita na nasa loob nang kabao? Nasa langit ka na, samantalang ako nasa lupa?! Nahihibang ka na ba!"

"Magiging okay lang ako. Magtiwala ka lang sa akin," sabi ko pa sa kanya, kung magtitiwala siya sa akin, magagawa ko ang pagbibigay hustisya at paghihiganti sa pananakit niya sa nanay ko.

Isang pamilyar na anino ang nakita ko, "y/n. Teka lang, may ichecheck lang ako." Sabi ko sa kanya.

"Ha? Ano? Teka. Saan ka pupunta?" Nakasunod pa din siya sa akin, ako nagdadahan dahan at nagtatago sa bush.

"Oo sir. Malinis ang trabaho, hindi tayo sasabit." Sabi nang isang lalaking nagyoyosi habang naka sandal sa kotse. "Basta boss, yung porsyento ko." Tumawa pa siya, ibinaba niya yung phone, sumakay sa sasakyan, kailangan ko siyang sundan.

Agad agad akong tumakbo papunta sa sasakyan ko nakasunod naman sa akin si Y/N. at sinundan ang lalaking nasa loob nang kotse na to, may alam akong shortcut para hindi mahalata na sinusundan ko siya. "Teka nga, bakit nagmamadali tayo?" Nagtatakang tanong niya.

"May hahabulin tayo." Diretsong sagot ko sa kanya.

"Ha? Sino? Teka. Magdahan dahan ka kapag ikaw naaksidente." Sabi pa niya.

Nakita kong kumaliwa ang kotse at ako naman dumaan sa underpass pero alam kong isa lang din ang patutunungan. "Warehouse?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko. "Bakit warehouse? May kinidnap ba to?" Halo halong mga hula ang nasa utak ko.

"Warehouse? Anong gagawin nang lalaking hinahabol natin sa warehouse? Kinakabahan na ako Ken... wag nalang kaya, natatakot ako para sayo." Pagpipigil niya pa sa akin. "Delikado to, wala ka ding back up Ken. Please, bumalik nalang tayo."

"Nandito na tayo, magmamasid lang naman tayo. Hindi tayo susugod."

"Tayo? Hoy Ken! Paalala ko lang sayo. MULTO ako ah. Hindi kita matutulungan kapag kinuyog ka nang mga taong nasa loob nang warehouse na yan. Wala kang back up kaya mas delikado ang ginagawa mo. Kaya tara na, umuwi nalang tayo."

Bumaba ako nang sasakyan at nakasunod naman sa akin si Y/N.

"Sigurado ka ba? Bumalik na tayo sa kotse." Sita niya pa, ramdam ko ang hinahawakan niya ako kasi malamig yung pakiramdam. "Tangina naman eh! Bakit kasi hindi kita mahawakan ngayon! Kung kailan naman kailangan kitang pigilan sa kalokohan na to! Tangina talaga!" Naiiritang sabi niya at patuloy pa din ang pag subok para mapigil ako, pero tanging galit nalang ang nararamdaman ko, kapag ang taong to related sa hayup kong tatay na hilaw. Magkamatayan na.

"Tangina ano ba to! Bakit ayaw kitang mahawakan!" Reklamo niya pa, hindi ko nalang siya pinapansin ngayon, tanging gusto ko lang magawa ay ang mabigyang katarungan ang mga taong naging biktima.

"Boss, ito na ang files. Hindi ko alam pero ayan na lahat, malinis yan. Hindi ka makukulong." Nagtago ako sa isang sulok at nakita ko silang nag uusap usap. "Yung babaeng napatay sa may parking lot. Wala na, hindi na nila ioopen. Ang hindi ko lang malaman yung itong isa, kung bakit nabuksan pa ang kaso." Boss? Hindi pa humaharap yung boss na nakaupo sa may office chair. Humarap ka! Gusto kitang makita at makilala!

"Ako na gagawa nang paraan, yung anak kong hilaw ang may pakana niyan. Nagdududa na siya sa akin, kapag hindi siya tumigil wala na akong pakielam kung madungisan nanaman ang mga kamay ko nang dugo, mapatay lang siya."

Siya yung boyfriend ni Mama. Tama nga ako, nilabas ko ang phone ko at kinuhanan sila nang video. Ayos naman ang pagkuha ko nang video nang biglang may nag notif, "shit! Hindi ko na silent. Nagkanda letse letse na!" Sabi ko sa utak ko, nag iisip pa ako nang paraan para makatakas dito.

"Ken! Ano nang gagawin mo? Hahanapin ka na nila." Natatarantang sabi sa akin ni Y/N.

"Haluglugin ang buong warehouse. Nandyan lang yan, Tangina paanong may nakalusot na hindi taga dito! Ang tatanga nang mga nagbabantay!" Sigaw pa nito.

"Paano kung kunin ka nila Ken, Ken... sabi sayo mapapahamak ka, eh kung nakinig ka sa akin, edi sana walang mapapahamak." Sabi pa sa akin ni Y/N.

"Magiging ayos lang ako. Hahanap lang ako nang tyempo para makal---" nakatutok na sa akin ang isang baril. Dalawang lalaki ang nakahawak na sa magkabila kong braso at ang isa naman ay sinuntok na ako sa tiyan ko, halos mamanhid na ang katawan ko, nahihilo ako. At nagdilim na ang paningin ko. "K-ken! K-ken! K-Ken! Bitawan niyo siya!" Naririnig kong pagsusumamo sa mga tao kahit na hindi naman siya maririnig.

Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon