9

165 9 0
                                    

"San ba sila dito?" Tanong ko nang makarating sa place. Kung saan ang sabi sa akin ni Y/N. Na nakatira yung kaibigan niya. "Y/n. Bakit di ka sumasagot?" Napalingon ako, nakatulala siya sa mga batang naglalaro.

"Y/N..." nilapitan ko siya at tinapik. Buti nalang natatapik ko ang babaeng to. At buti nalang din at walang masyadong tao sa lugar na to.

"Hm?" Tipid niyang sagot sa akin. "Alam mo ba... dati yung mga pinaglalaro nila, nilalaro namin yan sa labas nang bahay namin. Ang saya pa namin nun, tapos kada hapon uuwi na kami para mag merienda." Salaysay niya.

"I hate the fact na... mas nauna pa ako dito, kaysa sa mga kapatid ko. Ako ang bunso, pero tignan mo naman ang kalagayan ko... wala na ako sa tabi nila." Malungkot na tugon niya.

Hayaan mo, Makikita din natin kung sino ang taong pumatay sayo. At kapag nakita ko, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.

"Ipaghihiganti kita." Yan ang tangi kong nasabi. At nakaramdam ako nang isang malamig na hangin na yumakap sa akin. Niyakap niya ako, nararamdaman ko yung katawan niya.

"Salamat." Itinaas niya ang tingin niya. "Kasi tinutulungan mo ako." Ngumiti siya.

"Tara na." Aya ko sa kanya. Medyo masikip yung lugar dito. Siya kung saan saan siya pwedeng lumusot, while ako... makikipagbangaan sa mga taong nakakasalubong ko. ''Excuse me? Dito po ba nakatira si... Vester.'' Tanong ko. tama naman yung address na nakuha ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

''Kaano ano ka po ba niya? Ako kasi yung pinsan niya. Nasa tamang bahay nga kayo.'' Ngumiti sa akin yung babaeng napagtanungan ko. 

''Kaibigan ako nung kaibigan niyang si Y/n.'' nanlaki ang mata nang babaeng to. May alam kaya siya sa nangyari? Wala siyang sabi sabi ay sinamahan na din ako para makapunta ako sa bahay nila, nakasunod din naman sa akin si Y/N. 

..............


''K-Kuya. May naghahanap sayo!'' Tawag niya.

''Sino daw?!'' Dali dali siyang bumaba sa hagdan at nakita niya ako. ''Oh, sino po ba ang sadya niyo?'' nakita ko na itinulak nang bahagya si Vester at binulungan. ''Ay ako ba? Pasensya. Sir, bakit po? Upo po kayo.'' sabi niya.

''Kilala mo ba ang babaeng to?'' Nagprint ako nang mga pictures at inilatag ko yun sa table. Sa muka niya palang, Nahahalata ko na kabado siya.

''O-Opo. pero hindi ko alam kung saan ko siya huling nakita...'' Nanahimik siyang saglit, habang ako ang aantay ako sa mga isasagot niya. ''Naalala ko na! Siya yung babaeng nasa mall last 2020? I guess.'' Hindi pa rin siya sigurado sa sinagot niya. Pero yung detalye na sinabi niya without even explaining what happened. Mukang maganda siyang witness sa nangyari.

''Alam mo ba ang nangyari kay {Your full name]'' Diretsong sagot ko sa kanya, ayoko nang magpaligoy ligoy. 

''Y/n.... Naopen na ba ulit ung case niya? Akala ko ayos na yung case niya,'' 

naopen ang case, nakausap ko si pablo about dito. Hindi ko lang alam kung magpapatulong ako sa kakilala kong lawyer kahit alam ko na malaki ang matutulong niya sa akin, pero nanatili pa din ang galit na nararamdaman ko sa taong yun. matapos niya akong traydorin. Paano ko siya mapagkakatiwalaan.

''I found her dead. Sa basement, Nakita ko ang isang lalaki. may tattoo siya sa braso, Hindi ako nagpakita after niyang gawin yung scene. pero... Ako ang nagdala kay Y/N sa hospital, pero ayun nga... hindi na siya umabot.'' malungkot niyang sinabi, ''Sino ka nga ba? Bakit nagtatanong ka tungkol sa kanya, kapatid ka ba? boyfriend?'' nagtatakang tanong niya. ''The last time, Alam kong wala namang pinakilala sa akin yang si Y/n, na may jowa siya bago siya mawala.'' 

''Nope. I'm not her boyfriend.'' Napangisi nalang ako. How I wish I was, kaso nga lang malabo na. kasi onti nalang kapag natahimik na ang kaluluwa niya... Nasa langit na siya. nagpapahinga.

''Aww. Ayun lang ba ang sadya mo?'' tanong pa niya. narinig ko nalang na humihikbi si Y/n sa tabi ko nung sinalaysay lahat nang nangyari. 

''Oo.'' tumigin ako sa paligid sabay lingon sa kanya at bumulong. ''Wag ka nang umiyak...'' Pagpapatahan ko. 

''Excuse me? May kausap ka ba?'' Nagtatakang tanong nito. Tumingin ako sa kanya, at sumagot. ''Hangin. Hangin ang kausap ko.'' palusot ko. Agad akong tumayo at nagpaalam na sa kanya,  ''Una na ako. Salamat sa impormasyon.''

....................................................................

''Oh, mahahawakan mo ba to?'' patukoy ko sa panyo na kinuha ko sa bulsa ko. ''Pinusan mo na yang mga luha mo. Hindi bagay sayo ang umiiyak.'' Tumingin siya sa akin at sinamaan ako nang tingin.

''Sabi na eh, may care ka talaga sa akin.'' tukso niya.

''Oy! Ilang days palang tayong magkasama. wag kang feelingera.'' bulyaw ko sa kanya. ''Naawa lang ako sayo, at mukang gusto mo nang makatuwid sa kabilang buhay.'' 

''Sus, tignan mo kapag nagkataon na bago ako umalis nang mundong to. Mahal mo na ako!'' pagmamalaki niya pa at tumili. Hindi ko na siya sinita, kasi alam kong wala namang makakarinig sa kanya

''Asa...'' bulong ko sa hangin.



Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon