''P-pakawalan niyo ako!'' Wala na akong lakas para magsalita at sumigaw nang tulong, sa warrhouse na to, halatang walang makakarinig sayo. at isang nakakarinding katahimikan, tanging mga putok nang baril at nagmamakaawang mga tao ang maririnig mo.
''Hindi ba sabi ko sayo... na wag na wag mo akong pakikielaman.'' he sarcastically laughed and smirked.
''A-ang sabi mo sa akin wala kang kinalaman?! o ngayon ano tong mga nakita ko? Sapat nang ebidensya para mapakulong ka sa kulungan! Gago ka!'' Sinuntok ako nang lalaking inutusan niya para gawin yun. ''Oh bakit hindi ikaw nag sumuntok sa akin?! Natatakot ka ba na kapag tinanong ako nang nanay ko kung sino ang gumawa, ikaw ang ituturo ko?!'' bulyaw ko sa kanya, Lumapit siya sa akin at iniangat ang tingin ko sa kanya.
''Tama ka, Hindi ko hahayaang masira ang image ko sa ina mo.'' He smirked. ''Pero hindi ko naman hahayaang ikaw ang magpapabagsak sa akin,'' sabi niya.
''Gago ka! Hindi ka tao! Isa kang hayop! wala kang---'' sinuntok ulit ako sa tiyan ko dahilan para halos maduwal ako at nalalasahan ko na ang dugo, pumutok na ata ang labi ko, hindi ko na rin maramdaman ang katawan ko. Halos manhid na manhid na.
''Alam mo, naawa na ako sayo... kung hindi ka nalang nangielam edi sana gwapo ka pa din. sayang madami atang nagkakandarapa sayo.''
''Bugbugin mo ako sa kung anong gusto mo, dungisan mo na ang kamay mo. Go! Wag ka nang mahiya sa akin.''
''Sinasayang ko lang ang oras ko sayo, boys, itapon niyo na yan kung saan. wag niyong hayaang makalakad pa.'' Sabi niya sa mga tauhan niya at iniangat ako, dinala ako sa sasakyan at nakasunod naman sa amin si Y/N, hindi ko alam pero hindi ko kayang nakikita ang babaeng mahal ko na nakikita akong nahihirapan. hindi pa dapat ako mamatay. may kailangan pa akong gawin, kailangan ko pa siyang mabigyang hustisya.
''Ano bang gagawin natin dito? Ididispatsa na ba natin?'' Nag uusap silang dalawang tao nang kumag na yun. No! hIndi ako pwedeng madispatcha!
''Hindi, hayaan nalang natin siya dito.'' sabi pa nang isa niyang kasamahan at inilapag ako sa isang damuhan. Nakaramdam ako nang isang yakap at may humuhugot sa bulsa ko nang baril ko, iminulat ko ang mga mata ko. ''Y/N...'' nanghihinang tawag ko sa kanya.
''Mga hayup kayo!'' Nagalit na sinabi niya at pinutok ang baril sa dalawang katao. Narinig ko yun, ''Wala kayong puso! wala kayong karapatan na manakit nang tao!'' pumutok ulit ang baril, at sa tingin ko hindi lang basta tumapyas ang bala sa mga taong to. mukang natuluyan siya, kailangan kong makatakas dito.
''U-Umalis na tayo Ken, baka may makakita pa sa atin.'' nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak na sa bewang ko para tulungan akong makatayo. ''Saan tayo? sa bahay niyo? May tao ba dun ngayon?'' sunod sunod niyang tanong sa akin, Nanghihina ako, hindi ko na din alam kung paano ang gagawin ko, pinahamak ko ang sarili ko.
''K-Kay Pablo nalang. tawagan ko siya,'' kinuha ko ang phone ko at dinial ang contact number ni Pablo.
[Dre? napatawag ka?] sagot niya.
''Kailangan ko nang matutuluyan.'' Sabi ko sa kanya, ''P-pupunta muna kao dyan. kailangan kong magamot ang sugat ko,'' sabi ko sa kanya.
[Sige. alam mo naman kung saan ako hindi ba?] inend ko na ang call. pumara ako nang taxi at pumasok na sa loob, ilang minuto lang at nakarating na kami sa harapan nang bahay nila Pablo.
''Shit!'' napamura siya nang makita niya nag sitwasyon ko. ''Anong nangyari sayo dre?!''
''Pwede bang papasukin mo na muna kami.'' Sabi ko. Hindi ko alam pero nasabi ko. Pinagbuksan niya kami nang pinto at umupo ako sa sofa, Nanghihina na talaga ako. Parang anytime gusto ko nang bumigay.
''Dre, what do you mean kami? eh nag iisa ka lang naman?'' Nagtatakang tanong niya sa akin, ''Nasaan ang kasama mo? may nakikita ka bang hindi ko nakikita? Bro wag kang ganyan. ang creepy ah.''
''Oo dre, Meron ba?'' lumapit siya sa akin, para bang batang gusto gusto ang chismis. ''Huy! May super powers ka ba? Bakit hindi ko alam yan?!''
''Oo meron.'' Simple kong sagot sa kanya. ''Nasa tabi mo siya actually,'' turo ko kay Y/N, nakaupo siya sa may tabi ni Pablo ngayon, inisip ko kung anong magiging reaction nang kumag na to. ''Bahala ka na kung maniniwala ka o hindi.'' malamig na sambit ko sa kanya.
''Dre, seryoso ba yan?!'' nagulat siya at tumayo, lumipat nang kinauupuan niya, at nagtalukbong nang unan. ''Sinasabi ko sayo! wag mo akong niloloko! papalayasin kita nang bahay ko kahit na kaibigan kita.'' pagbabanta niya. natawa naman ako. Langya ano ba to? magtatanong tapos hindi maniniwala. Ewan ko na talaga.
''Gago! oo nga, Y/N. magparamdam ka nga,'' utos ko kay Y/N, napatingin naman siya sa akin parang nagtataka siya kung anong pinagagawa ko sa kanya, Lumapit siya sa akin at binulungan ako. ''Seryoso ba? parang baka himatayin yang kaibigan mo.'' turo niya kay Pablo.
Lumingon ako kay Pablo at agad namang lumapit din si Y/N sa kanya, hinawakan niya. ''Hindi naman kami naka aircon dito sa sala ha. bakit ang lamig.'' nagtataka niyang sambit.
''Oh bakit ganyan ka magreact?'' nagtatakang tanong ko sa kanya, ''Hinawakan ka niya sa braso, tapos umiwas ka. Nandyan siya ngayon sa harap mo nag hehello.'' sabi ko pa.
''Takte! okay na! tama na, palayuin mo na. Layo ka na, okay na ako!'' sabi niya at nung iniwagayway niya yung kamay niya, hindi niya naman natamaan si Y/N, since invisible naman siya ngayon.
''Buti naman naniniwala ka na'' I smirked. ''Kuha mo na nga lang ako nang yelo,'' utos ko sa kanya, para magamot na tong sugat ko. tumabi naman sa akin si Y/N.
''Sabi sayo wag kang sugod nang sugod eh.'' naiiritang saibi niya sa akin, ''Sa susunod na gawin mo yan, itigil na natin ang misyon na to. napapahamak ka lang Ken.''
''Kung ikaw ang dahilan, hindi ako magdadalawang isip gawin.''
''Para kang tanga,''
''Seryoso ako. Kasi mahal kita.''
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...