Naglalakad kami sa Mall at buti nalang walang masyadong tao ngayon. Pwede ko siyang kausapin nang maayos nang walang nagdududa sa mga pinag-gagawa ko.
''Ang sayang maging bata.'' narinig kong bulong niya. ''Hindi ko kasi naranasan ang mga ginagawa nila ngayon dahil pinatay ako nang taong yun. Edi--Edi sana kung buhay ako. nagagawa ko na mag gala sa mall.'' Hindi niya nabangit ang pamilya niya.
''Idescribe mo nga ang pamilya mo. Kung ayos lang,'' Sabi ko. Feeling ko kasi may problema sila sa bahay kaya ganto na parang nafefeel niya na walang may pakielam sa buhay niya.
''Tss, Pamilya ko? Meron pa ba? Eh yung pagkamatay ko nga halos parang dumaan lang sa kanila. Ni hindi ako nabigyan nang hustisya.'' Sabi pa niya sa akin. ''Ang swerte nang mga batang nandyan... Alam mo yung, May family bonding tapos nakakapag aral pa. Ako? tamang tanaw nalang.'' Paliwanag niya at sinisipa yung boteng nasa harap niya kahit na alam kong hindi naman tatama kasi multo nga siya.
''Hindi ako tangap nang parents ko. I don't know why. Siguro nga, tama yung sabi sa akin nang kapatid ko. Ay teka kapatid nga ba?'' tumawa siya nang sarkastiko. ''Hindi nga pala nila ako kapatid. bakit? Naghahalungkat ako nun sa kwarto nang nanay ko. nakita ko ang mga dokumento nang adoptation papers.'' paliwanag niya pa.
''Kaya siguro hinayaan nalang nila, kasi ayaw na nila akong makasama.'' Yan ang huli niyang sinabi.
''Sigurado ka bang ayos lang na ikwento mo sa akin yan?'' nag aalala na ako sa kanya. Ito ang pinaka malalang case na hinandle ko. 2010 siya namatay. eh year 2021 na ngayon. ilang taon na siya naghahanap nang hustisya. ''Okay lang naman kung hindi. It's your families privacy.''
''Patay na din naman ako. So ano pang magagawa ko? Kaibigan naman kita, So ayos lang.'' Sabi niya at nagpakita siya nang pilit na ngiti.
''Sige, sabi mo eh.'' sabi ko nalang at nakinig nalang sa bawat detalyeng sinasabi niya.
''Ang swerte mo siguro sa pamilya mo ano? Muka kang mayaman tapos may powers ka pa. you can see ghost. Nakakatulong ka pa, Muka ka nga lang masungit.'' iniba niya ang topic.
''Ako? swerte? Kinikilabutan ako sayo. Hindi mo pa alam ang tunay kong kwento. Ikaw ang usapan wag mo na muna akong itopic dyan.'' I smirked.
Sa totoo lang, ayoko sa buhay ko ngayon. I hate my family life, ayoko kung ano ang kinatatayuan ko ngayon. Hindi din maayos ang buhay ko, lalo na kapag nasa puder ako nang tatay ko. teka, tatay ko nga ba? He is my stepdad. yung ngayong kinakasama nang nanay ko. Namatay ang tatay ko dahil sa heatstroke. Dead on arrival, at simula nun nagsimula na akong guluhin ang buhay ko. Huli ko siyang nakita nang nalaman ko na may kapangyarihan akong ganito.
''Nanay nalang ang meron ako. At may bago siyang kinakasama,'' Medyo hindi ko alam kung ikwekwento ko to. I hate my stepdad masyado siyang epal sa buhay ko. kahit alam niyang hindi naman ako makikinig sa kanya tuloy pa din ang pagpasok niya sa buhay ko.
''Wala na ang tatay mo? S-sorry to hear that.'' Paghingi niya nang paumanhin. Nginitian ko siya.
''Yung bagong kinakasama niya ngayon, parang tropa ko lang sa sobrang bata. Ewan ko ba sa nanay ko, kaya naman namin nang kami lang dalawa. I can work at kahit tumigil na ako sa pag aaral ko.'' Sabi ko pa.
''Ugok! Anong titigil sa pag aaral, edi mas nagalit ang nanay mo sayo.'' Sabi niya sa akin. ''Gawin mo nalang ang gusto nang nanay mo para sa ikakasaya niya. At hayaan mong magmahal ang nanay mo kung doon siya sasaya.''
''Oo, hinahayaan ko siyang maging masaya ngayon. And kapag nakita kong nasasaktan ang nanay ko. magkamatayan na, ilalayo ko ang gagong yun.'' Sabi ko. Hindi ko madescribe yung nararamdaman kong galit.
''Uh, sige kumalma ka na,'' sabi niya at lumapit siya sa akin at naramdaman ko yung pag tap niya nang balikat ko. Teka, kanina di naman siya nakakagawa nun ah. ''Shit! nahahawakan kita! Owemjiii!!'' nakangiti niyang sinabi, para bang achievement para sa kanya yun..
''Edi congrats. '' sabi ko nalang.
''Thank youu! makakapag paramdam kaya ako sa pamilya ko?'' Tinatanong niya ang sarili niya at tinignan ang bawat kamay niya.
''Paano ba yan, kailangan ko nang umalis. baka hinahanap na ako sa bahay.'' Paalam ko, kaso pano siya? ''Gusto mong sumama?'' Tanong ko sa kanya.
''O-okay lang ba?''
''Sige lang. Tara.''
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...