Ken's POV
Binuksan ko ang TV ko at bumungad ang isang balitang nakakagulantang. Isa nanamang babae ang natagpuang patay sa parking lot nang isang mall, ginahasa at wasak ang ulo, pinupukpok siya nang tubo. Hindi kaya ang taong pumatay kay Y/N at sa babaeng yan ay iisa?
"K-Ken. Ayoko na makita yan." Sabi ni Y/N. At nakita ko ang panginginig niya sa takot. "N-naalala ko ang mga nangyari sa akin nung gabing yun." Paliwanag niya pa.
A man wearing a suit. Galante, ayan ang nasa TV. Ganun diniscribe nang mga witness ang nakitang insidente. "P-paano kung iisang tao lang ang pumatay sayo at pumatay dyan sa babaeng nasa balita." Sabi ko pa. Kinakausap ko ang sarili ko, paano ko maaidentify ang lalaking to na walang awang gumahasa at pumapatay gamit ang tubo.
"H-hindi ko alam. Pero base sa mga witness, parang siya nga." Kaba niya pang sinabi. "P-puntahan kaya natin ang crime scene. Siguro naman may maiiwang bakas doon nang suspect."
[Kasulukuyang hinahanap ang suspect na tumakas pagkatapos gumawa nang isang malagim na krimen.]
"Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung tama nga ba. Pero siguro para matapos na ang nagaganap dito sa kanya. Siguro mas mabuting maimbistigahan na. "May tatawagan lang ako." Sabi ko sa kanya at lumabas muna ako nang kwarto at tumambay sa may terrace. Tinatawagan ko yung kaibigan kong NBI, may alam siya sa mga ganitong cases.
"Yow Bro. Napatawag ka," sagot niya sa telepono.
"I need help. Pablo," sabi ko sa kanya. "May nahandle ba kayong cases nang isang babae na natagpuang patay sa basement nang isang mall." Paunang salaysay ko sa kanya.
"Oo dre. Pero masyadong confidential ang ganyang cases, baka mayare ako kapag sinabi ko sayo." Nag aalalang sabi niya.
"Dre, I'm just helping my friend. Naawa ako," sabi ko. Alangang sabihin kong multo ang kaibigan ko, edi hindi naniwala. "Please." Pakikiusap ko pa.
"O sha, ano bang name niyan?" Sabi niya. Napangiti ako at sumilip sa kwarto, nakita ko siyang minamasdan lang ang kwarto ko. Napangiti sa akin ni Y/N at binigyan ang nang curiousity look.
"Name mo." I asked. "Full name."
"[Full Name] ayan." Bangit niya.
"Wait. Dre," napatahimik siya. "S-seryoso ka ba? You're creepy bro. Patay na to, pero yung case niya. Closed na." Paliwanag niya.
"I know that she's dead. I just wanted to know is that her case. Anong nangyari sa case?" Sabi ko sa kanya.
"At her case. It was closed," sagot ni Pablo. Shit! Bakit closed?
"Bakit nadismissed ang kaso niya? I mean bakit closed na." Nagtatakang tanong ko at napakakunot noo,
"Sabi kasi walang makitang sapat na ebidensya para mabigyan siyang hustisya." Sabi niya pa.
"Unbelievable." Napahinga akong malalim. "So how can I open again sa case." Napatanong ko sa kanya.
"Huh? Bakit pa. Case dismissed na dre, pero kung makakahanap kayo nang witness at ebidensya. Go papayagan nang korte na ma open ang case."
"Salamat dre." Sabi ko agad at binabaan nang tawag si Pablo.
........
"Sinong kausap mo dun?" Tanong niya sa akin nang pumasok ako sa kwarto ko. "Ang damot mo. Ano nga? Sino? Share mo naman."
"It's about your case. May alam ka bang witnesses na pwede nating kausapin about sa mga nangyari sayo sa basement nung gabing yun?" I told her.
"Yung kababata ko, hindi ko alam if nakita niya pero siya ang huli kong kasama din nung nangyari yun." Sabi pa niya. Kababata. Hindi naman siguro siya isa sa salarin nun ano?
"Nasaan siya? Saan siya nakatira?" Tanong ko.
"Sa Pasig. Yun ang huli kong balita nung nakaharap ko siya, sinusundan ko kasi palagi. Hehe" pagloloko niya pa.
"Ano? Magtratravel pa tayo?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Alangang hindi, tsk edi hindi kami nakarating sa paroroonan namin kung hindi namin gagawin yun. "O-okay. Pero I'm not sure if dun talaga." Sabi pa niya.
Yung desisyon na pag travel nang biglaan pero hindi ako sure if nandun talaga ang witnesses. So ano na? Itutuloy ko pa ba? Hayss hindi ko na susukuan. Nasimulan ko na eh, ngayon lang ako may natulungan na ganto ang sitwasyon.
"Ipapaayos ko lang yung kotse, tapos after nun pumunta na tayo kung saan mo huling nakita ang kaibigan mo." Sabi ko sa kanya.
"Pwede bang magtanong?" Napalingon ako sa kanya. Buti nalang at walang tao, hindi nila ako mapagkakamalan na baliw na nagsasalita sa lugar na to, at buti nalang sa bahay lang ako.
"You're already asking." Tinaasan ko siya nang kilay. "What is it?" Kinuha ko yung tumbler ko nang tubig at uminom.
"Sadya bang napaka sungit mo? Hindi kita mabasa eh, bakit lagi kang beastmode, parang mas malala ka pang magalit sa mga inakala kong traits mo." Sabi niya at tinignan yung mga picture frame na nakalagay sa may shelf ko. "Gwapo ka sana. Kaso nga lang, napaka suplado mo." Natawa ako.
Siya lang ata ang nakapag patawa sa akin sa gabing to. I like her smile, hayss muntik ko pang makalimutan na isa na siyang multo at tanging gusto ay hustisya para matahimik na ang kaluluwa niya.
"So ano? Gusto mo na ako?" I glared at her.
"A-agad?! Grabe ka." Nagulat siya at tumawa nang malakas. Sobrang natural niya lang.
"Just asking... pwede naman kahit crush lang, I appreciate it." I smiled.
"Feeling! Pwede bang matulog? Napapagod na ako. Kanina pa ako pagala gala." Sabi niya at tuluyan nang nakatulog sa sofa.
Sana manlang mahahawakan ko siya dba? Kaso multo ka na. Gustuhin man kita, napaka impossible kasi gusto mo lang naman makamit ang hustisya.
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...