''So? Bakit urgent ang party na to?'' napatanong nalang ako. Ang ganda nang venue, mukang mamahalin I'll say baka worth a million ang rent nila dito. elegante, simple. ''invitation Ma'am?'' Tanong sa akin nung isang staff, nilabas ko naman sa pouch ko yung invitation letter.
I'm wearing a backless red dress and wearing a gold high heels. Tinali ko din yung buhok ko, sayang naman kasi kung matatakpan lang din yung make up ko.
''Pasok na po kayo.'' hudyat nung staff, nag ingat ako sa bawat yapak ko sa venue na to, mabato din kasi baka mamaya magmuka pa akong tanga at katawa tawa sa event na to.
''Y/N!'' Tawag sa akin nanay ko at sinundo ako. ''You're here, halika papakilala kita sa mga business partners,'' she smiled.
yes, I pretended to be happy na nandito sa party na to, Though I'm not. Sino ba naman kasing mag eenjoy kung related pa din sa business ang pupuntahan mo, It's not fun.
''Why am I even here...' napahinga nalang ako nang malalim. Nakakapagod nang magpangap na maayos sa harap nang iba. ''I need to go to the rest room, Excuse me.''
naglakad naman ako papuntang banyo, may naririnig akong yapak nang mga lalaki kaya mas binilisan ko yung lakad ko.
''Halika,'' biglang may humatak sa akin. ''Kanina ka pa nila sinusundan,'' bulong niya, isinandal niya ako sa pader at hindi ako humihinga, kinakabahan ako sa lagay ko.
''Kilala mo ba yung mga yun?'' nagtatakang tanong niya sa akin, kabago bago ko lang dito bakit ko naman makikilala yung mga taong yun, nagkatitigan kami saglit pero kumalas na din ako.
''No.'' Malamig kong tugon sa kanya. ''Thank you, I need to go.'' paalam ko pinakawlaan naman niya ako, pero ramdam ko yung titig niya.
''You're just in time.'' salubong sa akin nang nanay ko. Umakyat siya nang stage ngayon. Hawak hawak niya yung mic. ''I have an important announcement to say.'' Sabi niya.
''My Daughter Y/N and Mr Ken Suson is now engage! let's give them a hand!'' Anunsyo nang Nanay ko.
Ha?! Ako?! Ikakasal?! Without me knowing?! Hindi man lang ako ininform na may gantong ganap pala. Hindi lang pala yung business ang pasakit sa akin, gusto pa nila akong ibenta sa taong hindi ko naman kilala!
''Halika dito!'' Tawag sa akin nang Nanay ko, Umakyat ako, hindi ko gusto ang mangyayari but still I need to pretend like I care! Like na alam ko ang mga bagay na to kahit na hindi ko naman talaga alam. ''Wag mo akong ipapahiya.'' hinapit ako nang nanay ko para ibulong yun.
Fuck! Alam mo yung sakal na sakal na ako sa pamilyang to! Kailan ba ako mananahimik?! Kailan ba yung panahon na ako naman, yung walang nagcocontrol sa akin!
''Wear this, So just you know. Hindi ko din alam na may ganito, Inabot lang nila sa akin tong singsing na to. Ikaw pala yung nameet ko kanina,'' sabi niya pa. ''Let's just enjoy the show.'' bulong pa niya,
Anong magroroleplay na?! Nakakatangina naman. "HA?! Bakit pumayag ka?! I can't believe this."
"As much na ayaw ko, pinipilit nila ako. So just, Enjoy the show." Sabi niya. Bakit ba kasi nagpapakasunod siya sa magulang niya. Hindi niya maeenjoy ang buhay niya kung para siyang ano na sunod ng sunod sa mga taong nang uutos sa kanya.
"WTF? How can you enjoy kung nagsusunod sunuran ka." Parinig ko. Nakita ko ang mga tao na halos isang malakas na masigabong palakpakan ang binibigay sa akin. "Can I go down now?" Naiiritang sabi ko, tapos na ang show. Hindi ko na kinakaya ang kaplastikan na to.
Tumango naman siya. Gusto ko nalang umuwi, nagulat ako nang biglang lumitaw yung nanay ko sa harapan ko at hinatak ako. "You did great. Next month, ikakasal ka na." Sambit niya sa malamig na tono.
"I have to go. I need to rest," sabi ko at umalis na sa venue. Nagdrive ako papunta sa bahay ko. Sumalubong sa akin si Manang, tinulungan ako sa mga gamit ko. "Salamat po. Magpahinga nalang po ako," ngumiti ako.
Bakit ba kasi ako ulit dito napunta? Nagkanda leche leche na ang buhay ko.
"Bakit kaya sinusundan nang malas? mabait naman akong anak ha. bakit ako nalang lagi? hirap na hirap na ako sa buhay ko.'' sabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Parang gusto ko nalang mawala sa mundong to. ano pa bang saysay kung hawak nila ang buhay ko? mas mabuti nang mawala nalang.
Pumikit ako para makatulog, at sa ilang oras kong pagtulog nakakarinig ako nang isang paghagulgol nang isang babae. teka, minumulto na ba ako? takte. ano bang nangyayari sa akin.
''W-wag mong patayin ang sarili mo... Gusto ko pang makita ang minamahal ko...'' pagsusumamo nang isang babae.
and to describe her, ang ganda niya. She... She looks like me. Hindi kaya totoo talaga na may babaeng nag reincarnate. and this is me. Sino siya? I wanted to know her story. Naalimpungatan ako at nakita ko nalang ang sarili ko na lumuluha na. mulang mula ang mata ko, hayss ano bang nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...