20

138 7 2
                                    

''Willing ako maging witness.'' isang lalaki ang nakatayo sa harap namin, hindi ko alam kung magtitiwala ako sa kumag na to. 

''Paano naman kami nakakasigurado na hindi ka traydor?'' Nakaupo siya ngayon sa monoblock, kausap namin siya ni Josh, nakikinig lang din namin si Y/N. ''paano kung isa ka sa mga tao nang tatay kong hilaw? Ipapatumba mo ako? Para hindi makapagsalita sa mga kagaguhang ginagawa niya?'' 

''Hindi ako isang traydor at kampon nang tatay mong hilaw. May galit ako sa tatay mo kaya gusto ko na tulungan ka. May mga ebidensya pa ako na sigurado akong ikabubulok niya sa kulungan.'' 

''Anong gagawin ko sayo kapag nalaman kong isa kang traydor?'' sabi ko at nilapitan ko siya, ''Ako, ayoko sa lahat yung tinatraydor din ako.'' Banta ko sa kanya,

''Ipabugbog mo ako, Ipapatay. Ikaw na ang bahala.'' sabi niya, Wala naman sa sistema ko ang pumatay. Hindi ko din naman kamag anak ang mga serial killer na walang ginawa kundi pumatay nang mga taong inosente at hindi makapagsalita dahil sa takot, ginagamit ang mga kapangyarihan para pagtakpan ang mga kalokohan na ginagawa nila, ginagawa nilang laro ang buhay nang isang tao, sa isang pagbayad. patay na ang isang tao.

''Hindi... Ko gawain ang pumatay, nandito ako para tulungan ang girlfriend kong pinatay.'' Napatigil ako. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi yun, nakita ko siyang napatingin sa akin, ''Kaibigan kong babae. Girlfriend,'' napasapo naman sa ulo si Josh.

''Nabawi yung kilig ko. bwisit,'' narinig kong bulong ni Y/N. Tangina naman!. ''Matagal pa ba tayo dito? Ang tagal naman. Naiinip na ako,'' malamig niyang tugon sa akin,

''ito contact number ko kung sakaling magbago ang isip mo. kailangan ko pang pumunta sa meeting ko,'' sabi niya then he tapped my shoulders at lumabas na nang office. 

''Una na ako sa labas,'' tipid na tugon sa akin ni Y/N. Hala! Ano bang nangyari? bakit biglang ganun yung naging mood niya, nababadtrip din pala yung mga multo ano? ngayon lang ako nakakita nang multo na ganito eh. ''Ken. Gusto ko lang sabihin sayo, Na... Nakikita ko kung sino ang kausap mo kanina, maliban sa witness at ako.'' nabigla nalang ako, kailan pa?

''Nakikita mo?'' 

''Oo, babae siya hindi ba? Sabi mo girlfriend mo?'' Sabi niya, nagsisiguro din siguro base sa tono niya, Hindi niya naman maagaw sa akin yun kasi sino ba naman ang magmamahal nang multo... ako, ako nga pala yun. natawa nalang ako sa sarili ko nang marinig ko ang mga pinagsasabi nang utak ko. ''I saw her, kasama mo siya sa party dba?'' sabi pa niya. Hindi na ako nagtataka, kailan pa siya nakakita nang multo?

''So... you have the ability to see ghost, buti nakakatulog ka pa nang mahimbing sa gabi.'' 

''this past few days, Hindi. pero kailangan ko to, para sa mga taong gusto nang hustisya nang magamit ko din sa kanila yung pagiging abogado ko.'' paliwanag niya pa. ''And... since my mom passed away, I wanted to talk to her... At yun ang naging dahilan kung bakit ko pinaopen ang third eye ko. madaming mga multo na bumabagabag sa akin, pero sabi ko. ayaw ko siyang ipagtangal kasi may mga mautulungan pa ako.'' he explained.

''Condolence, I didn't know that your mom passed away.'' 

''Hindi mo talaga malalaman, kasi galit ka sa akin, Ikaw yung nakakasundo ko pero hindi ko din alam kung anong pumasok sa utak ko para sirain yun. Bestfriends tayo eh, pero dahil sa isang babae... nasira ang pagkakaibigan natin. And I'm sorry for that,'' 

''Matagal na yun, at matagal na kitang pinatawad.''

''And kaya kita tinutulungan ngayon kasi gusto ko na makabawi sa nasira nating pagkakaibigan, at alam kong hindi ako ganun katiwa tiwala dahil sa mga ginawa ko, kaya... I hope we're good.'' 

''Oo na dre, basta tulungan mo nalang ako sa case nang girl---'' Napatigil ako, Girlfriend ko na ba siya? Eh umamin lang naman ako sa kanya, Wala pa kaming status. ''I mean kaibigan ko, nakikita mo naman siya eh.''

''Girlfriend. Halata naman, bakit parang hindi ka sigurado sa status niyo,'' he chuckled. ''So ano ba talaga kayo? Mukang nagtatampo pa sa mga pinagsasabi mo.'' He laughed. 

''I don't know. pero umamin na ako sa kanya,'' Sabi ko. ''Hindi ko alam kung ano pa kami,''

''Abay tanungin mo.'' Sabi niya at bumalik sa pagkakaupo niya sa office chair niya. ''Kahit multo yan, may pakiramdam yan, Haynako Ken!'' sita niya sa akin, 

''O Sha, mauna na ako. balitaan mo nalang ako,'' sabi ko at lumabas na ako nang opisina, hindi ko na makita si Y/N, saan ba nagsusuot yung babaeng yun. ''Nasaan ka na ba...'' baka kung saan na mapadpas yun. Hindi ko naman siya makokontak. Halos inikot ko na yung mga pwede niyang puntahan, hindi kaya nasa bahay na to? Haysss nasan ka ba kasi!

''Ang cute...'' napatingin nalang ako sa gawing kaliwa, nakita ko siyang nilalaro ang isang bata.  ''Ang swerte mo sa pamilya mo... kasama mo pa sila,'' agad agad akong tumakbo para makapunta sa kanya,

''Y/n.'' bulong ko nang malapitan ko siya, madaming taong nandito sa park. ''uwi na tayo.'' bulong kong muli, pero hindi niya ako pinapakingan. 

''Pakabait ka ah, Ayusin mo buhay mo paglaki mo.'' Sabi pa niya sa bata, hindi niya ako pinapansin, ganto ba talaga to magtampo? baka magmuka akong baliw dito kapag nakita nilang sisigaw ako nang isang pangalan na hindi naman nila nakikita.

''At yung magiging girlfriend mo. wag mong itatangi ah! Kasi baka umiyak sige ka, mawawalan ka nang babae sa buhay mo.... malulungkot ka niyan,'' pinisil niya yung cheeks nang bata at ngumiti naman yung bata, tumatawa pa. ''Kung pwede lang na ampunin kita ginawa ko na, kaso may pamilya ka. kaya swerte ka.''

''Y/N. hello? hindi mo ba ako naririnig?'' Sarkastikong tanong ko sa kanya. ''Parang ako na ata ang multo ngayon...'' napasinghap ako sa hangin, Ano na bang gagawin ko?

''bye Baby... aalis na ako,'' she pinched the cheek of the baby, kasalanan ko bang cute yun? Pero... Hindi niya ba talaga ako kakausapin? 

''Babe, I'm sorry.'' I called her. Hindi pa din siya lumingon, i called her Babe pero ayaw pa din. ''Baby? Love? Ano bang dapat kong itawag sayo para lingunin ako.'' sabi ko pa. 

''Gusto kong magpahinga. wag mo akong kakausapin.'' Sabi niya at nawal na siya sa paningin ko, Ano nang gagawin ko?


Tanga ko din kasi mag isip.

bakit kasi dininey ko pa siya.

Mahal kita, 

Pero hindi ko alam kung hanggang saan ako

Expected ko na masasaktan ka kasi hindi ito ordinaryong relasyon. 


Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon