Ken's POV
Gulong gulo na ang utak ko, ang kalagayan ni Y/N pati na din ng anak ko. Ilang weeks palang sana makasurvive ung anak ko. sana maging ayos lang din ang kalagayan ng asawa ko. Ilang minuto pa ay nakita ko ng lumabas na ang doctor. ''Your wife survived. But your child... I'm sorry...'' sabi ng doctor ang umalis.
Ha?! Hindi pwede to!! Bakit?!
''dre!'' narinig kong sigaw ni Vester habang tumatakbo sa may hallway. ''Ano nangyari na kay Y/N?''
HIndi ko alam kung paano sasabihin kay Y/N na wala na ang anak namin. Hindi ko alam kung paano sasabihin na hindi na muna mabubuo ang pamilya dahil nawala na ang isa...
''She survived. But our kid... died.'' nanlulumo kong sinabi. ''I don't know dre, hindi ko alam pero gusto lang naman niya maging masaya. kung alam ko lang na mangyayari to edi sana lagi nalang akong nasa tabi niya.''
''Aksidente to Ken, wala kang kasalanan'' Josh tapped my shoulders.
Karylle. You'll pay for this!
''Josh. can you help me?'' sabi ko. Hindi pwedeng makalayo ang mamatay tao na yun, Pinatay niya ang anak ko. ''I wanted you to sue this girl. she killed my kid.'' galit na galit na sinabi ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa babaeng yun kapag nakita ko siya.
''D-Did she do that?'' nagtatakang tanong sa akin ni Pablo.
''yes! I saw her, she pushed Y/n, nalaglag siya sa hagdan. At ayun ang rason kung bakit wala akong anak ngayon,'' sabi ko.
Idedemanda ko ang hayop na yun! mas masahol pa siya. napahamak ang asawa ko, at namatay ang anak ko.
''Paano mo sasabihin kay Y/N yan? Hayss.'' sabi ni Pablo. Ni ako hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya, ni hindi ko nga matangap yung mga nangyayari ngayon.
Pumasok ako sa loob ng kwarto kung saan naka admit si Y/N. huminga akong malalim, nakita ko siyang nagpapahinga. nakita na siguro ako nito. ''Ken. yung anak ko? kamusta?'' yan ang bungad niyang tanong sa akin.
Napalunok ako.
''Y/N... I'm sorry pero wala na yung anak natin...'' sabi ko sa kanya,
''H-Ha?! Hindi pwede! sabihin mong niloloko mo lang! Ken! hindi pwede!'' Sabi niya, pinigilan ko siya ng akmang lalabas siya ng kwarto.
''Wala na Y/N.. magpahinga ka na.'' sabi ko. May nurse na pumasok at tinurukan siya para makatulog siya, I'll explain to her later. kapag kumalma na siya.
Lumabas ako ng kwarto. Hindi pwedeng manahimik lang ako dito, at walang ginagawa. Kailangan kong mabigyang hustisya ang anak ko. Agad akong umuwi at nakita ko ang nanay ko na nagluluto, at sa hindi pa kalayuan... ang tatay kong hilaw ang nakita ko?! Nawala lang ako nagkabalikan nanaman sila?!
''Anong ginagawa mo dito?'' nagtatakang tanong ko. ''Hindi ba habang buhay kang nakakulong? Paano ka naman nakalabas ng kulungan?!'' sabi ko sa kanya, susugurin ko na sana tong lalaking to ng bigla siyang humarang sa harapan ko.
''Ako. ako ang nagsustento sa kanya! Nagbago na siya Ken! Tigilan mo na.'' pasigaw na sinabi sa akin ng nanay ko.
''Ma. Kahit magbago siya sa mata mo, sa akin mamatay tao pa din siya!'' Bulyaw ko. Hindi ba siya natatakot na isang mamatay tao ang nandito sa pamamahay namin, ''Mamili ka, aalis ako ng bahay o ang lalaking to ang aalis.'' naghamon na ako.
Hindi na ako magugulat kapag ang lalaking to ang mas pinili niya kaysa sa sarili niyang anak. ''Ano ma. sumagot ka'' halos walang gana kong sinabi.
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...