LONG CHAPTER!!!
TRIGGER WARNINGS!
GUNSHOTS!
I have signs na parang buntis ako pero I'm not sure. Hindi ko pa alam, pero sabi ni Manang magpacheck up na ako para sure. ''Manang aalis na po ako,'' sabi ko. nagulat ako ng biglang may kotse na nakaparada sa harap ko.Nagpupumiglas ako ng bigla akong piringan at ipasok sa loob ng kotse. Nawalan din ako ng malay, ni hindi ko alam kung saan ako. Bakit ba kung kailan ayos na ako tska bigla akong ganito. bigla nalang kung ano anong kamalasan ang nakukuha ko.
''W-who are you?'' tanong ko ng magkaroon na ako ng malay. ''B-bakit nandito ako? S-sino ba kayo?'' medyo hindi ako maka-aninag ng kung anong liwanag.
''Hindi mo ako nakikilala?'' narinig ko siyang tumawa. ''Hindi ba parang dapat sobrang kilala mo ako dahil half sister mo ako? Oops... bakit ko ba sinabi kung sino ako.'' tumawa ulit siya.
''Hayup ka Karylle! Pakawalan mo ako!'' sigaw ko. Halos puro echo nalang ang naririnig ko, walang makakirinig sa akin. ''Wala akong atraso sayo! ikaw!'' sigaw ko pa.
''Wala? Madami Y/N! Madami!'' sigaw niya pa.
''Ikaw, simula nung pumasok ka sa buhay nang pamilya namin. nawala na yung saya! Hindi na ako naging masaya! Kompanya! taong mahal ko kinuha mo pa.'' sabi niya pa. Wala na akong pakielam sa sinasabi niya. ''At para mabigyan naa ako ng katahimikan mas mabuti kung patayin nalang kita.'' naglabas siya ng baril.
''Karylle! Hindi naman pwedeng ito ang maging dahilan para pumatay ka ng tao. pwede naman tayo mag usap ng maayos eh.'' nung nakita ko siyang may dalang baril, mas pinili ko nalang na pakalmahin siya. Hindi ko na kakayanin na mamatay pang ulit ang anak na nasa sinapupunan ko. Kahit na hindi ako sigurado.
Naalala ko lang na naka open ang location ko so may posibilidad na matrace ni Ken ang location ko. Ken, utang na loob tulungan mo ako. ''Karylle. Nababaliw ka na,'' wala sa sariling sinabi ko. ''Kailangan mo ba talagan gawin to? This is nonsense.''
''Kung gusto mo ang kompanya iyo na. sinusuko ko na.'' sabi ko. ''pakawalan mo na ako. please.'' pagmamakaawa ko.
''Ano? Simula nung dumating ka matagal ko na tong gustong gawin tapos patatakasin lang kita? this is the reason kung bakit ako nagpahinga. hinayaan kitang maging masaya pero ngayon tatapusin na kita!'' napatingin ako sa malayo ng bigla niyang iputok ang baril sa may mga gamit sa gawing kaliwa.
Paano ko ba siya tatakasan? Hindi ko na alam. ''P-paano ka ba nakatakas sa kulungan?'' tinatanong ko siya ng tinatanong,
''Simple lang. yung taong nagmamahal sa akin.''
Sa kanya? So wala siyang nararamdaman? pucha wala siyang pakielam sa mga taong gusto siyang pahalagahan. ginagamit niya lang ang mga taong nasa paligid niya. para makuha ang gusto niya. ''Si Jeric.''
''H-How did you know.'' Halos mangatog siya nung narinig nung marinig niya ang pangalan na yun.
''Boyfriend mo lang naman ang boyfriend ng nanay nang asawa ko,'' hindi ko mapigilang sabihin sa sa kanya. ''So tell me, sino ang nauna kaya sa inyo? Yung nanay ni Ken or ikaw...'' halos parang nang aasr na tono ko sakanya.
Alam ko naman kasing mahina siya, hindi niya kayang iputok ang baril na hawak niya at isa pa edi sana patay na ako kung kanina nya pa ako pinatay.
''Shut Up bitch!'' sita niya sa akin. ''Pag hindi ka tumigil papatayin na talaga kita!'' hindi niya mapigilang sinabi. mga sigaw na umaalingawgaw sa buong warehouse.
Isang malakas na kalampag mula sa gate ang narinig ko. Si Ken na kaya to? Tangina gusto ko ng umuwi.
''Ken... Ken, pakisundo na ako. Gustong gusto ko na umuwi.''
Nanghihina na ang katawan ko, at anytime babagsak na ako. Lumabas na muna si Karylle, narinig ko ang pagsigaw niya. ''Hoy mga gungong yare kayo sa akin kapag nakatakas ang babaeng yan!'' pagbabanta niya.
Nakaramdam ako ng kamay na parang tinatangal yung pagkakatali ng kamay ko. "Are you okay?"
His voice.
"Babe. Ako to, si Ken." He touched my cheeks. Alam ko ngayon na ligtas ako na makakaalis dito. "Tatakas tayo. May kasama akong pulis, nasa labas sila. Ako ang naunang pumasok dito." Sabi niya.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at dahan dahan kaming umalis, pero isang putok ng baril ang narinig ko.
"At saan naman kayo pupunta?!"
Epekto nang pagkabaliw... si Karylle, wala na siya sa katinuan. Nagagawa niya to dahil sa pagmamahal, at di pagtangap na hindi siya nagtagumpay sa ginawa niya
"Tigilan mo na to Karylle."
Pasigaw kong sinabi sa kanya, malayo pa kami kay Karylle, hindi ko alam pero nararamdaman ko ang may madidisgrasya ngayong gabi. Ayoko ding mapahamak ang ikalawang anak ko, kahit na hindi ako sigurado.
"Wala kang mapapala sa ginagawa mo. Matuto kang tumangap ng pagkatalo mo." Sigaw ko pa. Nakaharang si Ken, sa harapan ko. Pinoprotektahan niya ako.
"Lahat nalang inigaw mo sa akin! Ang kompanya na pinapangarap ko, ang lalaking mahal ko. Alam mo sana hindi ka nalang dumating eh. Kung hindi ka dumating edi sana ayos ako, may pamilya ako. Kasama si Ken, pero wala. Sinira mo ang libro na alam kong dapat sa akin!"
Mas nakakabahala pa ng bigla niyang inihahanda ang baril niya, narinig ko ang pagkasa. Akala ko nagbibiro lang siya sa pagtutok ng baril.
"Alam mo ba nung bata ako, gustong gusto ko ng kapatid kasi naiingit ako sa mga batang nasa labas na may kapatid, ako puro manika ang kalaro ko. Nung dumating ka, hindi ako naging masaya! Inagaw mo sa akin lahat ng atensyon. Mas mabuti nga ata na isa sa mga nasimulan ko para di ka maging masaya, ang mawala ang pinakamamahal mong anak."
She brings up about my daughter. Nararamdaman ko na ang galit ko sa kanya, gusto ko na siyang sugurin at ihulog sa gusali na to. Para matapos na, I don't want to see her anymore.
"Nahihibang ka na ba?! Anak ko yun Karylle!! Wala siyang ginawang kasalanan! And yet di manlang naranasan ang pag aaruga ng isang ama't ina. Tinangal mo ang karapatan niya para magmahal at makaranas ng pagmamahal!" Sigaw ko sa kanya.
"Do I look like that I even care? Piece of shit!"
Hindi ko na talaga alam, bakit kasi nakawala tong kumag na to! "Tangina! Sino bang nagpakawala sayo sa kulungan?! Sabi ko mabubulok ka dba?! Bakit nakawala ka pa!"
"Simple lang. Hindi niyo ako basta basta mapapabagsak." She laughed evily. Para siyang sinasaniban ng masamang elemento.
Lumabas ang isang lalaki, "Anak nang hayop ka! Sinaktan mo nanay ko!" Sigaw ni Ken. Hawak hawak lang naman ng lalaking to ang nanay ni Ken, "Hayup ka! Pasalamat ka buhay ka pa ngayon, kasi matagal na kitang gustong patayin."
"Sige. Patayin mo ako! Edi mamatay din ang nanay mo."
"Anak! Ken!" Nagpupumiglas ang nanay ni Ken, nararamdaman ko ang paghihinagpis. "T-tulungan mo ako." Pagsusumamo nito.
Nasa ibang sitwasyon na kami. Nagsanib pwersa ang mga kaaway namin at ngayon may bihag pa. "Wag mong sasaktan ang nanay ko! Magkakamatayan tayo!"
Naiipit na kami sa ganitong sitwasyon. ''Ken, kailangan natin maligtas ang nanay mo,'' binulungan ko siya.
Nakikita ko ng umiigting ang panga niya. Kilala ko si Ken, sa puntong to pwede siyang may magawang hindi magugustuhan ng kahit sino man.
''Wag kang susunod. Alam ko na ang gagawin ko.'' sabi niya. dito palang kinabahan na ako, pwede siyang mapahamak sa gagawin niya. ''Y/N, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita.'' binitawan niya ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko.
Dahang dahang lumapit si Ken sa nanay niya, bihag pa din ni Jeric ang nanay niya. ''Ano bang gusto mo? para tigilan mo na kami!'' sigaw niya.
''Simple lang. Kompanya mo.'' sabi niya.
No! Hindi pwede!
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...