''A-Ano yung nakita ko kanina!'' Isang malakas na sigawan ang narinig ko mula sa loob nang bahay namin, natatakot ako kasi baka may masaktan. ''S-Sino yung babaeng yun!'' Sigaw pa nang nanay ko.
Pucha! Ito na sinasabi ko eh! Dali dali akong pumasok sa loob nang bahay at nakita ko na ang nanay kong nakasandal sa pader habang umiiyak. ''Gago ka ah! Sabi sayo wag mong sasaktan ang nanay ko!'' bulyaw ko sa kanya at nilapitan ko ang nanay ko para tulungan siya. ''Okay ka lang Ma.''
''Nag iilusyon lang yang nanay mo. Wala akong kasamang babae kanina!'' Sagot sa akin nang 'tatay' kong hilaw. hinding hindi ko to ituturing na tatay, magkamatayan na ang lahat yun ang hindi hindi kong gagawin.
''Sinasabi mo bang sinungaling ang nanay ko?!'' Sigaw ko sa kanya. ''Wag mo akong gaguhin kasi yan ang hindi mo magagawa sa akin.''
''Maria, sabihin mo sa anak mo kung ano talaga ang nakita mo, Wala akong babaeng kasama kanina. maniwala ka naman!'' Pagmamakaawa niya pa.
''Umalis ka na dito! Lumayas ka! Ayoko nang makita ang pagmumuka mo dito sa bahay na to.''
...............................................................................................................................................
Nakita ko ang paglabas niya sa bahay at nadaanan niya si Y/N. Hindi ako nagreact kasi normal lang naman na madadaanan siya kasi multo siya.
''Ma, Hindi ba sabi ko sayo tigilan niyo ang lalaking yun? Gagawa nang gagawa nang kalokohan hanggat tinatangap niyo nang tinatangap.'' Sabi ko nang muli sa kanya. paulit ulit nalang eh, hindi ko na alam kung paanong paliwanag ang gagawin ko.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan." Sabi pa niya sa akin, anong hindi ko maiintindihan? Hindi ba sobrang katangahan na yung binibigay niya. Masyado na siyang mabait kaya lagi siyang ginaganyan nang mga tao.
"Ma, alam kong gusto mong maging masaya. Pero ang tanga namang isipin na lagi mong tatangapin ang lalaking yun, tapos niloloko ka lang pala." Sabi ko. Pumunta siya nang sofa at doon umupo,
"Salamat sa tulong anak, pero kaya ko na to. Kaya ko na ang sarili ko," sabi niya. Ano bang meron sa lalaking yun? At hindi niya magawang mataboy sa buhay niya. "Sa ngayon ayan ang nakikita mo. Pero mas kailangan natin siya ngayon,"
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa pamilya ko. Masaya naman kami noon, at hindi ko alam kung bakit umabot sa puntong nang mamatay ang tatay ko at nagkakandaletse letse na ang takbo nang buhay ko.
"A-akyat na ako." Hindi ko alam kung anong nangyayari, gusto kong umakyat sa kwarto ko at doon magsabi nang mga sama nang loob.
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
أدب الهواة𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...