''Uy nandyan ka na pala!''
Nandito na kami ngayon sa hindi ko alam kung ituturing ko siyang kaibigan. ''Kumain ka na,'' lumapit sa akin si Pablo. ''Si Josh, busy makipag usap sa mga ka batchmates niya.'' Kasama ko din ngayon si Y/N, Hindi ko naman alam if makakarelate siya or hindi. kasi di naman siya makikita nang mga taong nandito.
Maliban nalang kung.... Pupunta si Justin.
''Si Justin ba pupunta?'' bigla kong tanong kay Pablo.
''Oo dre, sabi niya kasi ihahatid niya lang yung mother niya sa office tapos diretso na daw siya dito.'' sagot sa akin ni Pablo.
''Ah okay sige, Thank you.'' I tapped his shoulders. Umalis na din siya at makikipag kwentuhan pa siya kasama nang mag kaibigan na dumalo din sa party na to. ''Ken? Bakit hinahanap mo si Ju-Justin ba yun?'' pagsisiguro niya pa.
''Ah w-wala naman. Kasi laging absent yun kapag mga ganito... work related lang kasi ang pinupuntahan niya.'' Pagpapalusot ko.
''Ahh okay.'' Sagot niya nalang.
''Wag kang masyadong maglilikot, baka magtakbuhan ang mga taong nandito.'' sabi ko.
''Tsk, humanda ka kapag bumalik ako. Ikaw ang unang hahatungin ko!'' Sabi niya. natawa naman ako sa mga pinagsasabi niya. ''Huy! Bakit nakangiti ka? Pumapag ibig ka ano?'' Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Pablo, narinig ko namang tumatawa si Y/N.
"Uy Ken!" Nagulat ako nang biglang lumapit na sa akin si Jah, sumingkit ang mata niya. Ano ba? Nakikita niya ba si Y/N? Akala ko ba pinasara niya na yan. Ay gago, baka hindi pa... napakasinungaling,
"Oh?" Tinignan ko siya. Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko, "Sino yang kasama mo. Alam mo bang---" sabi na eh. Tinulak ko siya at pinandilatan.
"Wag mong kakausapin." Banta ko sa kanya. Itinaas niya yung dalawa niyang kamay para bang sumusurrender. "Kung ano yang iniisip mo. Parang ganun na nga, Mag usap tayo mamaya sa labas." Sabi ko agad sa kanya.
"Okay." He smirked. At nagnanakaw nang tingin kay Y/N, pwede bang dukutin ko mata nito? Masyado na eh. Baka mamaya matunaw pa to.
"Tama na ang tingin. Baka kung ano pang gawin mo," pinitik ko yung ilong niya.
"Seloso mo naman. Girlfriend mo ba?" Nagulat ako sa biglang tanong niya. Well, hindi ko talaga alam kung paano ko sasagutin yung tanong niya.
"N-nababaliw ka ba? Nakikita mo siya hindi ba? Bakit ko magiging girlfriend yan?" Sabi ko sa kanya. I lied, I think... I like her. Shit! Bakit kasi sa dami dami nang pwede kong magustuhan multo pa. Aalis na din siya after nito, I want her back kung sakaling babalik siya... pero baka makalimutan niya lang ako.
"Ulol! Sinong niloko mo?" Sabi niya pa sa akin. Natatawa nalang ako sa bawat reaction niya. "Puntahan ko lang si Pablo, tapos sabihan mo nalang ako kung pupunta na ako nang Garden. Nga pala, si Chloe. Sabi ni Josh pupunta, Okay ka na ba? Nagulat ako sayo, sabi mo ayaw mong umattend sa party ni Josh pero nandito ka." Kung hindi ko lang kailangan nang tulong ni Josh.
Sa ngayon, si Josh ang susi para mabigyan nang hustisya ang pagkamatay ni Y/N.
"Matagal na yun. Wala na ako---"
"Hi Ken." Si Chloe. "Buti pumunta ka, Sabi kasi sa akin ni Pablo ayaw mo sa mga ganitong party." Sabi pa niya.
Nabigla nalang ako nang bigla nalang umalis si Y/N, wala manlang siyang pasabi kung saan siya pupunta. Gusto ko sana siyang hawakan sa kamay para di siya maka alis pero wala, she is a ghost. Invisible siya sa mga tao. Hindi ko din alam kung bakit niya ako nilayasan.
"Kamusta ka naman? Okay na ba kayo ni Tita? Balita ko may bago siyang boyfriend ah." Sabi pa niya.
"It's none of your business Chloe."
"Yes it is. Nangangamusta lang ako, bakit ba ang sungit mo?" Pagtataka niya at lumapit nang kaunti sa akin, lumayo naman ako.
"I'm not in the mood to talk to you. Excuse me,"
Lumabas muna ako nang venue at hinahanap ko siya sa iba't ibang sulok nang lugar na to, hayss nasaan ka na ba kasi? Kung hindi ka lang multo hindi kita hinayaang umalis eh.
Lalapit na sana ako, nang makita ko siya sa may fountain at kasama si Justin. "Hm? Are you alright?"
"Ako? Oo naman." She smiled.
"So bakit mo iniwan si Ken sa loob?" Tanong sa kanya ni Justin.
"Busy. Makipag interact sa babae," ewan ko pero napangiti ako. Para na akong tanga dito.
"Gusto mo ba siya?" Tanong ni Justin sa kanya, nag aantay ako sa sagot ni Y/N. Nang bigla kong matabig yung vase na nasa gilid. Haysss ang tanga Ken! O ano paano mo lulusutan to?!
....
"May tao." Napalingon si Justin. "Baka pusa lang," sabi pa niya. Dahan dahan akong lumakad papalapit sa kanila.
"Ken. Nandyan ka pala,"
"Ang init kasi sa loob, kaya nagpahangin ako." Palusot ko. "Ikaw ba Y/N, nainitan ka din kaya ka lumabas?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na din napansin si Justin, mukang pumasok na sa loob.
"Ah ako? Wala. Hindi naman ako belong dun, multo ako at hindi normal na tao. Pwera nalang kung magrereincarnate ako."
"Wala namang impossible." I looked at her. Ang ganda niya talaga, sa ngayon... ako na muna ang nakaka appreciate sa kanya.
"Baliw! Sa mga dramas lang nangyayari yun." Natatawang sabi niya. "Yung tipong kapag tapos na yung misyon mo, kailangan mo nang sumama sa liwanag at magiging abo. With matching yakap pa sa leading man." She smiled again.
"Ang cute mo." Bulong ko. Narinig niya kaya?
"Sa tingin mo ba totoo yun? And... alam mo bang kapag nag reincarnate ka, hindi mo na maalala yung mga taong nakasama mo dati."
"Siguro nung past life mo, namumuhay ka as prinsesa." Bigla ko nalang sinabi.
"Prinsesang ano? Yung tipong pinapahirapan? Tsk. Siguro nga... ganoon ako kamalas, laging namamatay kahit bata pa ako."
"Kung sa paningin nila at sa past life mo malas ka, para sa akin. Sobrang swerte nung nakilala kita..."
Wala akong pakielam kung ano siya ngayon... I really like her
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...