"Talaga bang tutuloy tayo?"
Kakauwi lang namin sa bahay para kunin yung mga gamit kong pinaempake ko kay Manang. "Sayang naman kung hindi magagamit yung vacation mo."
Concern? Nilalagnat ba to.
"Sige, kunin ko nalang muna gamit ko. Dyan ka nalang." Sabi ko sa kanya, naglakad na ako para makapasok na sa loob ng bahay ko.
"Bakit sumunod ka pa?" Nagulat ako nasa likod ko na siya, nakasunod. "Sabi ko ako na eh."
"I just wanted to know kung ano ang pamumuhay mo sa mansion na to." Sabi niya.
Baka gusto niyang tanungin kung masaya ba o malungkot ang pagiging mag isa.
"Ask away. Ano ba kung masaya ba ako sa buhay ko dito sa mansion? If malungkot ba ako dahil kinokontrol ako ng magulang ko. Kung masama ba akong anak?" Inunahan ko na siya...
"Nope. I just wanted to know you more."
Napatingin ako sa kanya. Nagulat nalang ako sa mga lumalabas aa bibig niya.
Natawa ako. "Kakaroleplay lang natin. Inlove ka na sakin?" Pagloloko ko.
"Siguro nga." Inilagay niya yung dalawang kamay sa bulsa ng maong niya. He smirked,
"H-huh?" Napatingin ako sa kanya.
"Wala. Nasaan ba yung luggage mo? Akin na. Ako na magbibitbit." Sabi niya,
Nakita ko din siyang namula kanina. "Sus..." duda pa din ako, pero paano kung totoo. Nadedevelop na? Kakakasal lang namin meron na agad? Grabe naman. Lord! Ako ayoko munang mahulog! Hindi ko kaya! Lalo na sa lalaking kinaiinisan ko.
"Nandun sa kwarto ko, seryoso ka bang ikaw ang kukuha?." Pagsisiguro ko. Baka kasi magkautang ako ng loob dahil sa lintek na maleta.
Tumango lang siya, ako umupo ako sa sofa ko. I just saw a picture frame. A wonderful family, It's me. Pero ngayon hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali para maging ganito ang future ko. "Y/n. Tara na." Sabi niya.
Sinabi ko naman manang na lahat ng valuable na gamit ko. "Teka. May kukunin lang ako," agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Pumunta ako sa Jewerly Box ko at kinuha yung bracelet. Sobrang sentimental kong tao.
"Ito..." sinuot ko yung bracelet ko. At agad ng bumaba nang sala, nakita ko si Ken sa baba. Para bang hindi siya naiinip. "Let's go." Sabi ko habang nakangiti sa kanya.
........
"Babe." Nagulat ako nung tinawag niya ako. T-teka Babe? Shuta! Para bang yung puso ko hindi na makahinga.
"H-ha? Ano bang pinagsasabi mo..." napatingin ako sa may bintana, namumula na kasi ako. Hindi ko kayang humarap sa kanya na may pagiging kamatis. "Matutulog nalang ako."
Hindi ako nagpapaalam. Trip ko lang,
"I'm just practicing. Malay ko ba kung sino ang nandun na kakilala tayo..."
..........
Lunch time na. Naalimpungatan ako at nakita ko na gigisingin dapat ako ni Ken. Pero dahil nauna ako, napaayos siya ng upo.
"What do you want to eat?" Tanong niya. "May mga resto dito sa pinag stop overan natin."
"Kahit ano naman kinakain ko." Sabi ko. Hindi naman ako choosy sa pagkain, "wag lang may hipon, allergic ako sa hipon. Also I don't like spicy foods." Sabi ko. Para aware sya ng hindi masayang yung pagkain.
"Sige. I'll be right back," kinuha niya yung wallet niya at lumabas ng kotse.
Mukang gusto ko din tong lalaking to. Nagpapaka antipatiko, hindi naman bagay sa kanya. "Swerte.din pala ako sa asawa ko..." napaisip nalang ako.
What if mag work out tong relasyon na to? What if... kami talaga kaya pinagtagpo kami ng tadhana. Habang nag iisip ako, napatingin nalang ako sa tabi ko, isang anino ng babae na hindi ko mapaliwanag yung feeling na nasa tabi ko lang siya.
"T-teka sino ka?!" Nababaliw na ba ako?
Epekto ba to ng stress?! Tangina. Sino tong babaeng to?! Bigla bigla nalang lumilitaw sa harapan ko.
"Ikaw. Ikaw ang dating ako."
Kinikilabutan ako sa bawat salitang sinasabi niya. "Salamat kasi hinayaan mo akong maramdaman yung saya na hindi ko naramdaman noon... at mas lalong salamat kasi ikinasal na sa taong mahal ko."
"H-ha? Anong sinasabi mo." Halos magulantang ako sa mga naririnig ko. "Anong ako ikaw? Teka epekto ba ng stress to? Tangina. Sana pala natulog nalang ako." Sabi ko pa.
"Hindi ka ba naniniwala sa reincarnation? Ikaw ang napili ng kaluluwa ko, nabuhay ako ulit sa katawan mo. Ikaw ang dating ako... ipangako mo sa akin na hindi mo iiwan si Ken, pangako na hindi ka magsisi sa mga ginawa mo ngayon. Masarap magmahal si Ken. Ipaparamdam niya sayo na importante ka sa kanya, hinding hindi ka niya iiwan sa ere. Kaya sana... wag mo siyang sasaktan."
Sa bawat salitang sinasabi niya. Para bang... kilalang kilala na niya si Ken. "S-sino ka ba?" Tumataas na ang balahibo sa mga naririnig ko ngayon.
"Ikaw ang dating ako. Naging magkasintahan kami ni Ken, nag stay ako sa lupa para sa misyon. At kapag nagawa ko yun, makakabalik ako sa mundong to bilang ibang tao. At ikaw yun..."
"A-ako?" Halos di ako makapaniwala.
"Ako lagi yung nagpaparamdam sayo. Ako din ang nagsabi na wag mong tapusin ang buhay mo. Kasi may tao pa akong kailangang makitang masaya. At ikaw, ikaw ang magbibigay nun sa kanya."
Hindi to aksidente lahat... ang tadhana na mismo ang nagsabi ng mga nakatakda.
"Kailangan ko ng umalis. Basta alagaan mo siya, umaasa ako sayo... Y/N."
Naglaho na siya na parang abo. Yun ang kauna unahan kong nakitang napakamahiwaga...
Nakita ko na sumilip sa bintana si Ken. Sabay binuksan yung pinto para makapasok sa kotse niya. "Oh." Napatingin siya sa akin. "Bakit parang namumutla ka? May nangyari ba?" Nag aalalang tanong niya.
Hinawakan niya pa yung noo ko. "Nahihilo ka ba? Ilang minutes drive pa tayo." Sabi niya. Naglabas siya ng paracetamol na nakalagay sa loob ng wallet nya.
''Nope, ayos lang ako.'' sabi ko. ''Ayan. anong binili mo?'' nilagay ko sa lap ko yung plastic bag, may beef jerkey dun at may coke.
''Ayaw mo ba?'' nagulat siguro siya sa reaction ko. pero hindi nman talaga ako nagreact, hindi ko alam kung bakit nya sinabi yan. napangiti nalang ako sa kanya, ''Caring ka talaga ano?'' out of nowhere nasabi ko nalang yun. bigla ko nalang naalala yung mga narinig ko kanina sa babaeng lumitaw sa harapan ko...
''Asawa kita eh.'' bigla niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Save Her ✔ [SB19 KEN]
Fanfiction𝕊𝔸𝕍𝔼 ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagayan. wala siyang malay, Kailangan nang hustisya sa kanyang pagkamatay. Ken Suson is not that ordinary...