12

144 11 0
                                    

''Hindi pa ba tapos ang kaso niyan? Akala ko ba nagawa mo nang maayos ang trabaho mo? Binayaran kita para takpan na ang lahat nang hindi na madawit ang pangalan ko dba?'' narinig kong may kausap si Jeric, yung step dad ko. Nasa may kusina siya, Hindi ako agad agad na pumasok sa loob nang bahay. nakita ko din na nakikinig si Y/n. 

''K-kaya mo bang pumasok? Para mapakingan natin yung usapan?'' Tanong ko kay Y/N, wala namang makakarinig sa kanya,  wala salitaan, agad siyang pumasok at pinakingan ang usapan.

''Hindi ko naman kasi sinasadya yung ginawa ko nung gabing yun! lasing ako!'' bulyaw pa niya sa kausap niya. ''Bakit nakita pa sa bangkay nang babaeng yun na nirape siya?! Alam mo namang masisira ang image ko kapag lumabas ang totoo!'' 

Totoo? Nirape? SIno yung tinutukoy nila?

''What was the name of that girl. Damn it! Gawan niyo nang paraan! ang dami ko nang pinoproblema, idadagdag niyo pa to! Ang tatanga niyo!'' 

Hindi naman pwedeng papasok lang ako para malaman kung sino ang tinutukoy niya.  ''Basement. Basement nangyari yun. Bakit may nakita pang bakas? Hindi ba sabi ko ayusin niyo ang trabaho niyo?'' Nagulat nalang ako nang biglang may mabasag sa bandang kaliwa ko, kaya agad akong nagtago, kasunod ko si Y/N, Hindi ako pwedeng makita. 

....................................................

''Umalis na tayo.'' Aya ko sa kanya at tumakbo kami papalayo, nagtago muna habang hindi pa siya nakakapasok sa kwarto niya. Nasaan ang Mom? Ngayon, mas alam kong magiging delikado ang buhay ko at nang nanay ko. Hindi ko akalain na ganto kagago ang lalaking to! Pwede niya kaming mapatay kung sakaling may gawin kaming laban sa kanya.

''K-Ken...'' Natatakot na tawag sa akin ni Y/N. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya. ''Ken.. matagal mo na bang kilala ang tatay mo na yun?'' 

''Bakit?'' 

''Narinig ko ang pangalan ko sa kausap niya. A-Ako yung tinutukoy nila, Ako yung nirape sa basement nang tatay mo...'' nakita ko ang muling pag iyak niya, Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, gusto ko mabigyan siyang hustisya. Mukang kailangan ko nang lapitan ang kaibigan ko, kakalimutan ko na lahat nang pinag awayan para lang matulungan niya kami.

''A-Ako! A-ang naging biktima niya! Ang gago niya!'' sigaw ni Y/n, Agad ko namang dinial sa phone ko ang number ni Pablo at agad naman itong sinagot. 

[yow bro, bakit ka napatawag?] tanong niya agad pagkasagot sa telepono niya.

''May contact ka ba ni Josh?'' Parang nakarinig ako nang pagkamangha sa boses niya.

[Dre, bakit biglang ganyan? Akala ko ba ayaw mo---] 

''Just give it to me.'' Napatigil naman siya. 

[Sige dre, I'll message you. by the way... yung sinasabi ko sayong gathering, Sasama ka ba?] tanong niya pa. 

''Oo na, I'll hang up first.'' Sabi ko at binaba na yung call. 

.................................................

''Mabibigyan ka nang hustisya. Wag ka nang mag- alala, nandito lang ako.'' pagsisiguro ko sa kanya. At niyakap niya ako nang mahigpit, dapat maging aware ang nanay ko sa kagaguhang ginagawa nang boyfriend niya. Hindi pwedeng magkaroon nang umiikot na killer sa bahay namin. It's for our safety....

''S-salamat Ken, Nangangako ako kapag bumalik ako.... Babawi ako sayo'' Sabi pa niya, Hindi ko na namalayan na biglaan ko nalang siyang hinalikan sa noo. Para ko na siyang--- basta mahalaga siya para sa akin kahit na alam kong impossible ang iniisip ko ngayon.

Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon