42

104 7 0
                                    

Y/N's POV 

It's been a month since I'm fully recovered from my depression dahil nawalan ako ng anak. And now, I'm ready na ipaglaban ang anak ko. Hindi pwedeng hindi mabigyang hustisya ang ginawa sa kanya. Inayos ko na muna ang mga files ko sa office, ''Sec, paki cancel na muna yung meeting ko ng 1pm up to 4pm.'' sabi ko sa secretary ko. 

Dadaan ako sa office ni Ken, pag uusapan namin kung saan matatagpuan si Karylle. Nag file na din ng warrant para tuluyan na siyang makulong. Nalaman ko din na ang lalaking fiance ng nanay ni Ken ay ang kasintahan ni Karylle. halatang pinlano talaga nila to lahat. Hindi pa din nasasabi ni Ken sa nanay niya ang about sa jowang hilaw. pero baka kapag nakulong na si karylle tska niya nalang sasabihin. 

''Ma'am cancelled na po.'' sabi sa akin nung secretary ko. Lumabas naman siya agad at bumalik sa front desk niya. ako kinuha ko ang bag ko, at nagulat ako ng may mabanga ako. 

''Excuse me.'' may galang kong tugon kung sino man ang nabanga ko. ''Nagmamadali ako, pwede po bang umalis kayo sa---'' iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Karylle. aba talagang may kapal siya ng muka para magpakita sa akin.

''At talagang may kapal ka pa ng muka para magpakita sa akin ano?'' nagsimula nang tumaas ang boses ko. 

''Of course. Gusto ko lang naman kamustahin ang iyong married life. masaya ba? ang maagaw ang lalaking nakaalaan para sa akin? Masarap ba?'' 

Nag angat ako ng tingin at tinaasan siya ng kilay. ''Paano kung sabihin kong oo. May magagawa ka ba? makiki kabit ka? Ay... sabagay, sanay  kang kumabit pero ito ang sasabihin ko sayo subukan mong umaligid sa asawa ko at gagawin kitang pira piraso.'' banta ko sa kanya. 

''Kaya mo? Mahina ka.'' lumapit siya sa akin at yan ang binulong niya. ''Kung wala ang asawa mo, ngayon patay ka na.'' pinandilatan niya ako.

''Mahina ka. Namatay lang an---'' hindi na ako nakapag timpi. lumapit ako sa kanya at agad siyang sinampal. Sinasagad niya ang pasensya ko, dapat lang sa kanya yan. 

''Ikaw ang naging dahilan ng pagkamatay ng anak ko! sinasabi ko sayo na magbabayad ka! Isa pang sabihin mo na mahina ako. Hindi ako magdalalawang isip na ikaladkad ka sa hallway na to.'' Banta ko sakanya.

''Mahina ka! Ni puro salita ka nga lang!'' hindi na ako nagdalawang isip at hinila ko na yung buhok niya, halos makaladkad ko siya.

''L-Let go of me!'' sigaw niya.

''Binalaan kita. Sinusubukan mo ako dba? oh ngayon pinagbigyan na kita hindi ka pa masaya?'' mas hinigpitan ko ang kapit sa ulo niya. 

''OMG! Anong nangyayari?!'' natatarantang sabi ng mga empleyado ko.

''Malandi kasi yan'' narinig kong sapaw nung isa.

''Ah malandi pala eh, deserve.'' 

''Si Sir? nilandi niyan?''

''Muntik na. Eh hindi patinag ayan nasampulan.'' 

''Siya din ang rason kung bakit namatay ang anak ni Ma'am''

''Si Ma'am? may anak? Shit.'' 

''Naririnig mo ba ang mga sinasabi ng mga tao? Dito palang wala ka ng kakampi. sirang sira ka sa mata nila.'' pagpapamuka ko sa kanya. ''Hindi ka ba nahihiya? Ikaw nga ang tunay na anak, wala naman tiwala sayo ang magulang mo. Tignan mo sa inampon pa nila ibigay ang kompanyang pinapangarap mo.'' binitawan ko siya, pero hindi pa ako nagtatapos dun. may malapit na basurahan at itinulak ko siya.

''Dyan ka nababagay! sa basura. tutal ganyan ang ugali mong malandi ka!'' 

''Ang pangit mo!'' sigaw niya.

''Mas pangit ka! Tignan mo lahat ng lalaki iniiwan ka!'' balik ko sa kanya. ''Guards, kunin niyo na yan. I'm banning her at my company. Call the police. Ipapakulong na kita. madami ka ng atraso sa akin, una sa anak ko. sa pagkaka aksidente ko. at trespassing. sa kompanya ko.'' 

Itinayo siya ng guard. ''Teka bago niyo siya dalhin.'' lumapit ako, nakikita ko na masama ang tingin niya sa akin. 

''Any last words? bago ka mabulok sa kulungan?'' Natatawang sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko. I won't let this opportunity pass. Kung pwede nga lang siyang patayin, pero ayaw kong madumihan ang mga kamay ko.

''Alam ko namang magiging masaya ka kapag binigyan kita ng remembrance.'' umismid ako. ''Sayang ganda mo sizt, malandi ka kasi.'' I traced her jaw at binigyan ng isang malakas na sampal. 

''Ay teka. Wag ka munang lilingon sa ibang direksyon. Hindi pa ako tapos gusto ko kabiliaan.'' I smiled. 

This is my way of revenge. ''You'll pay for this.'' bulong niya at nagpupumiglas sa pagkakahawak sa mga guwardya.

''Oh teka lang. Hindi pa ako tapos, wag ka na muna magbanta. Hindi naman kita pinatay sampal lang.'' sabi ko at pinakita ko yung kabila kong kamay na nakahanda nang sampalin siya. ''Sana kasi naglagay ka nang pampamanhid para hindi mo maramdaman ang bawat lagapak ng kamay ko sa makapal mong muka. Para ka tuloy kamatis ngayon, Instant blush? Thank me later.'' pang aasar ko sa kanya at sinampal ko na, 

''Babe!'' narinig ko ang pamilyar na boses, ''Tama na yan.'' hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at inilayo kay Karylle. 

''Kasama ko na si Pablo.'' Sabi niya. Nakikita ko ang pag aalala ni Ken sa akin, 

''Oh Karylle. anong masasabi mo na hindi ka nagtagumpay sa balak mong mang agaw ng property ng iba? masaya ba? parang nanonood lang ako ng drama na hindi nagtagumpay ang kontrabida.'' 

''Oh kunin niyo na yan.'' sabi ko sa mga pulis. 

''Teka sandali.'' biglang lumingon sa akin ni Karylle.  ''Y/n, sinasabi ko sayo! babalikan kita! you'll pay for this!'' 

Halos kaladkarin din siya ng mga pulis papasok sa police mobile. ''Are you okay?'' he checked me if okay lang ako. ''Wala ka namang sugat or galos? Hindi ka naman niya sinaktan?'' Sabi pa niya,

Para kaming nasa movie shooting ngayon. ''Babe, ang daming nakatingin.'' sita ko sa kanya at hinampas ng mahina sa dibdib. 

''Ang cute niyo pong dalawa Ma'am''

''Ang galing niyo pong makipaglaban sa ahas na yun''

''Grabe lodi na talaga natin si Ma'am''

''O sha, bumalik na kayo sa mga trabaho niyo.'' sabi ko. Inakbayan ako ni Ken hanggang sa makarating kami sa office ko. 

''Bakit mukang kamatis na si karylle nung nakita ko? Namula nung nakita ako?'' 

Yabang.

''Tanga! Hindi namula dahil sayo, namula dahil nakatangap ng magkasabay na sampal sa akin.'' natatawang sagot ko sa kanya.

''Napakabrutal mo naman. Nakakatakot,'' 

''Oo. kaya kapag gumawa ka ng kalokohan. baka mapatay kita.''

''Patay? Okay lang patay na patay naman ako sayo.''

''Haynako ako tigilan mo ha.'' natawa naman siya.







Save Her ✔  [SB19 KEN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon