"Arzela, stop!" Inis kong pagpapatigil sa ate kong sayaw nang sayaw sa harapan ko.
"Ano'ng masasabi mo? P'wede na ba ako sa dyosa bar?" tanong niya. Napatawa pa siya ng malakas dahilan para matawa rin ako.
Anong dyosa bar pinagsasabi nito?
Arzela Claverya is my sister, she's 21 years old and a fourth year college taking up Bachelor of Science in Accountancy. Same university din kami pero madalang kaming magkita. Malayo kasi ang building ng first year sa fourth year college. Si ate lang ang may gusto ng accountancy. Kaya nang sinabi ni dad na 'yon ang kuhanin niyang course ay tuwang-tuwa siya. Habang ako ay pilit lang. Certified Public Accountant ang dad ko at si mom ay housewife. Hindi naman kami sobrang mayaman. Para sa akin average lang kami. Itong ate ko lang ang laging nagmamayabang na mayaman kami.
"Baka sayawan mo lang boyfriend mo," saad ko.
Imbes na pagalitan ako sa sinabi ay tuwang-tuwa pa siya. "If gusto niya ede sige! Magaling naman akong sumayaw 'di ba."
Napatawa ako. "Magaling your ass."
"Hoy! Bastos ka!"
"Tch, isip mo lang madumi." Walang sabi akong umalis sa harapan niya. Nagpunta ako sa kusina para kumain sana. Kaso nakita ko sina dad at mom doon. Nag-uusap silang dalawa kaya hindi na lang ako tumuloy.
Pabalik na sana ako ng k'warto nang tumawag si Ryu.
"Yes?"
"Tara, Arden," he said.
"Saan?"
"Inom tayo!"
Napangiti ako at dali-daling nagbihis. Hindi ako nagpakita sa ate ko at kina mom at dad. Dahil wala naman akong sariling kotse, kahit gabi na ay nag-commute na lang ako. Pagkarating ko sa night club ay nakita ko agad ang kaibigan ko.
"Akala ko hindi ka na pupunta," ani Ryu.
"Walang tatanggi sa alak," sabi ko sabay pagtawa. Nag-fist bump pa kami nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. Nakita ko namang um-order na siya ng alak at pulutan.
Luminga-linga ako sa paligid. "Nasaan si Haru?"
He replied, "Ayaw niyang sumama, may assessment daw sila bukas."
"Okay."
"Pero, bro, tutulungan mo ba siya ro'n kay Fern?"
"Yup."
"Sure ka?"
"Oo, ano naman kung tulungan ko siya? Simple lang naman pinagagawa niya."
"Baka naman kasi kapag kinaibigan mo 'yon mahulog ka," he said.
"Anong mahulog?"
"Ma-fall in love!"
Napatawa ako. "Hindi 'yon, bro."
"Sure ka r'yan ah?"
"Oo, 100 percent sure," kumbinsi ko sa kanya.
Iniba na lang namin ang usapan. Wala akong planong umuwi ngayon. Wala akong pakialam kung hanapin ako ng mga magulang ko. Hindi rin ako papasok bukas, bahala na.
"Dahan-dahan, Arden, baka hindi ka makauwi n'yan," pigil na sabi sa akin ni Ryu.
Umiling ako. "Hindi ako uuwi."
"What? Saan ka matutulog?"
"Sa inyo, p'wede naman ako ro'n 'di ba?"
Wala na siyang nagawa pa. Nagtagal pa kami sa club, nakatatlong bote na ako ng beer. Habang si Ryu ay pinipigilan ang sariling uminom nang marami. Sa totoo lang hindi naman mahigpit ang mga magulang ni Ryu. Ayos nga lang sa kanilang umuuwi siya ng lasing. Imbes na pagalitan ay sinusuportahan pa ng mga magulang. Iniisip ko na sana gano'n din parents ko.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
