"From Bachelor of Science in Accountancy, Arzela Claverya," pagtawag kay ate sa stage.
Masayang sinamahan nina mom at dad si ate papunta sa stage. Sumabay ako sa palakpakan ng mga tao. Napatayo pa ako nang makitang ibinigay na kay ate ang diploma at medalya niya.
Graduate na ang ate ko! Proud na proud ako sa kanya. Kahit madalas akong mainis d'yan, mahal na mahal ko 'yan!
"Shocks! Ang ganda ni Ate Arzela," sabi ni Fern. Nasa tabi ko siya ngayon, sinama namin siya dahil panay ang pangungulit ni Ate Arzela na isama siya. Marami namang kaibigan si ate pero mas nag-e-enjoy ata siyang kasama si Fern.
"Yes, she's beautiful," nakangiti kong saad.
"Excited na tuloy akong grumaduate!"
"H'wag muna, natatakot pa akong mag-take ng licensure exam."
"Kaya natin 'yon, sabay tayong mag-re-review para sabay din na pumasa," saad niya.
"Sabay din magtatrabaho."
"Yieee at sabay din magkakapera!"
"Sana sabay din magkapamilya, 'yong tayong dalawa. . . ." bulong ko sa sarili.
Hindi ko pinarinig ang sinabi ko sa kanya. Hindi naman na niya ako pinansin pa. Itinuon na lang nito ang pansin sa stage.
Pagkatapos ng party namin ay hindi ko na nakausap si Haru. Pagod na akong hulaan kung ano'ng nagawa kong mali sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya!
Si Ryu naman nasa Japan na kasama ang pamilya niya. Tinapos lang niya ang academic recognition namin bago umalis. Magbabakasyon lang naman sila roon, bigla nga akong nainggit. Gusto ko rin magbakasyon sa ibang bansa kaso mukhang walang budjet ang mga magulang ko. Buti na lang may 100k pa ako, p'wede kong ipanggala 'yon. Si Fern nga ang balak kong ayain, at pinag-iisipan ko pa kung saan kami p'wedeng pumunta.
Ang nagsabit sa 'kin ng medalya noong academic recognition ko ay si mom. Hindi nakapunta si dad dahil may importante siyang inasikaso sa trabaho. Si Tita Tessa naman ang sumama kay Fern. Hindi nakapasok si Ryu sa dean's lister pero gayon pa man nagpunta siya sa recognition. Gusto raw niyang panoorin kami ni Haru na umakyat sa stage habang sinasabitan ng medalya. Hindi naman siya malungkot, tuwang-tuwa pa nga siya sa achievement namin ni Haru.
Kinaibigan ko si Ryu hindi lang dahil magkasundo kami pagdating sa bisyo. Kinaibigan ko siya dahil hindi siya mayabang at tuwing kasama ko siya wala akong nararamdaman na kompetisyon. Iyong mga kaibigan ko kasi noong high school inggitero, insecure at mga plastik. Noong hindi ko nakayanan ang presensya nila, iniwan ko sila. Wala nga silang bisyo pero masama naman ang ugali. Masama rin naman ang ugali ko pero hindi ako mapagpanggap. Kontento na ako sa mga kaibigan ko ngayon. Kaso itong si Haru nasisiraan pa ng ulo. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya. Taena niya, hindi man lang ako binati noong recognition!
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga iniisip ko.
Natapos na ang graduation ni ate, nag picture taking muna kami bago umalis. Hindi pa muna kami umuwi dahil may celebration pa. Sa isang restaurant na lang kami kumain.
•••
3 days later. . . .
I'm here at the backyard, nagpapalipas ng oras. Wala akong magawa dahil wala si Ryu. Hindi ko naman maistorbo si ate dahil abala siya sa pag-re-review. Sana lang talaga maipasa niya ang exam. Excited na akong magkaroon ng ate na CPA.
"Arden!"
Nanatili akong nakahiga sa damuhan. Si ate lang naman ang tumatawag sa 'kin kaya wala akong ganang sagutin.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...