21

178 28 14
                                        

"Take a good care, Arden, kung may kaylangan ka don't hesitate to call me," bilin ni dad.

Nagulat pa ako nang may inabot siya sa akin na 5,000 pesos. Nakatingin lang ako roon. "Dad, may pera naman na ako," pagtanggi ko.

"No, take this."

"Dad."

Napabuntong hininga siya. "Tanggapin mo."

Wala na akong nagawa pa, kinuha ko ang inaabot niyang pera. Masyado naman ata niya akong ginagastusan ngayon. Nakokonsensya tuloy ako na baka wala na siyang tinitira para sa sarili niya.

"I'll repay you soon, Dad," saad ko.

"Matapos mo lang ang accountancy ayos na sa akin 'yon."

Kung dati wala akong balak na pagbutihan ang pag-aaral ng kurso na gusto niya. Ngayon naman ay ginaganahan na ako. Sa tingin ko hindi na dahil kay Fern kaya ko mas pagbubutihin. Mag-aaral na ako nang maayos para mapasaya ko ang pamilya ko. Kitang-kita ko naman kung gaano sila kasaya sa mga achievements ko.

Nagpaalam na si dad sa akin habang ako ay naupo muna sa gilid ng terminal. Hinihintay ko si Fern, hindi siya sumabay sa amin ni dad dahil late raw siyang nagising.

Nagmessage na siya sa 'kin na malapit na sa terminal. Humingi pa ng tawad dahil hindi siya nakasunod sa planong oras. Wala akong planong magalit, sympre si Fern 'yon!

Ilang minuto lang ang hinintay ko nang makita na ang pagdating niya. Sinalubong ko siya habang pababa ng taxi. Backpack lang ang dala niya kaya wala akong p'wedeng buhatin.

"Sorry, Arden! Si Haru kasi pinuyat ako," saad niya.

Haru na naman!

"Ano ba'ng ginawa n'yo?"

"Nakipag-video call, tinour ako sa hotel nila," tumatawang sagot.

"Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko kagabi. . . ." Pahina nang pahina ang boses ko.

"Ano?"

"Ang sabi ko dahil late ka ikaw ang magbabayad sa bus!"

"Oy! Isang libo lang dala ko hahaha!"

"Baka kapag nasa Nueva Ecija na tayo makipag-video call ka lang buong araw kay Haru," sabi ko pa.

Humawak siya sa braso ko at hinila ako pasakay ng bus. "Sympre hindi ako makikipag-usap sa kanya buong araw. Pupunta nga tayo roon para magbakasyon!"

"Tch! Maniwala sa 'yo, si Haru matatanggihan mo?"

"Tatanggihan ko para kay Arden," masigla niyang sabi.

Natahimik ako sa sinabi niya.

Shit!

Puta!

Takte!

Bwisit!

Kinikilig ako!

Tama na!

Ayoko na, Fern!

"Hoy, halika na," paggising niya sa diwa ko. Nakatayo lang kasi ako sa harapan niya habang siya ay nakaupo na. Naupo na lang din ako, nasa gilid siya ng bintana habang tuwang-tuwang nakasilip sa labas. Kinuha ko ang bag namin at inilagay 'yon sa luggage rack.

Habang naghihintay ng pasahero ay inayos ko ang earphone ko. Tuwing ganitong nagbabyahe kasi ako ay mas gusto kong nakikinig ng music. Nakita naman ni Fern ang ginagawa ko.

"Ako rin," sabi nito.

Nag-share kami ng earphone naghanap naman ako ng magandang kantang patugtugin.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon