Prologue

661 28 0
                                        

"Make a move, Arden," malawak ang ngiting sabi ni Ryu. Nanliit ang mga mata ko nang makita ang napakagandang babaeng itinuturo nila.

"18 ka na, dapat mabinyagan ka na," saad naman ni Haru.

"G na, Arden!"

Narito kami sa bar, nag-ce-celebrate ng 18th birthday ko. Hindi alam ng pamilya ko ang tungkol dito. Ang buong akala nila ay nasa restaurant lang kami.

"What are you doing?" tanong ni Ryu. Nakatitig lang kasi ako sa babaeng itinuturo nila.

I rolled my eyes.  "I don't think she's single."

"Hindi 'yan, bro," ani ni Haru.

Haru and Ryu are my bestfriends. Mas matanda sila sa akin, Haru is 19 years old while Ryu is 20. Solid ang samahan naming tatlo dahil halos magkakapareho kami ng gusto. Pero sa aming tatlo, ako lang ang wala pang nagagalaw. In simple words, I'm virgin.

Wala na akong nagawa pa nang itinulak ako nina Ryu at Haru palapit sa babae.

"Hi, beautiful." I smile as I reached out her hand.

Nakipagkamay naman agad siya. "I'm Olivia."

"Arden," I said.

Kumindat pa si Ryu habang papalayo sila ni Haru.

"Do you want something to eat?" malumanay na tanong ko.

Napangiti siya. "Ikaw? Ano'ng gusto mong kainin?"

"You," ani ko sabay pagkindat.

Kagat labi siyang lumapit sa akin. Natawa ako nang bigla na lang niya akong amoyin. "You smell good, by the way how old are you?"

"18," diretsong sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya na tila ba hindi makapaniwala.

Tch! Honestly, palagi akong napagkakamalang 20 years old and above, dahil din siguro sa manly features ko.

"Bata ka pa pala," she casually said.

"Ayaw mo ng bata?"

"Yup, mas gusto ko ng kaedad ko."

I rolled my eyes in annoyance. "How old are you?"

"21."

Sumenyas ako kina Haru at Ryu nang makitang nakatingin sila sa akin. Dali-dali naman silang pumunta sa kinaroroonan namin. Nagulat pa si Ryu nang itulak ko siya palapit kay Olivia. "What the fuck, bro?" inis niyang usal.

"Kagatin mo," wika ko. Napanganga naman si Olivia sa sinabi kong 'yon. "Ayaw niya sa bata, mas gusto ka niya," dagdag ko pa.

Tumawa naman ang dalawa sa sinabi ko. Hinila ko na lang paalis si Haru. Iniwan namin sina Olivia at Ryu roon.

"Easy, Arden," saad ni Haru.

"Hindi ko naman siya type, she's not beautiful."

I feel deeply insulted by what she said. Ano naman kung bata ako? Kaya ko nga siyang paiyakin sa kama, tch!

"Birthday na birthday mo highblood ka." Pinigilan pa niyang matawa sa reaksyon ko.

Um-order ako ng beer at do'n na lang itinuon ang pansin ko. Nagulat naman si Haru nang lagukin ko nang minsanan ang beer. "Hell, bro! Baka maamoy ka ng parents mo. Yare kami," nag-aalala nitong usal.

Nahinto ako. "Hindi ako uuwi, bukas na lang," walang ganang saad ko.

"Saan ka matutulog?"

"Sa inyo," mabilis kong sagot.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon