29

197 32 18
                                    

Lumipas ang ilang mga linggo. Habang unti-unting dumaraan ang araw ay nagkakaroon ako ng pagkakataong ayusin ang sarili ko. I know that I'm healing because I feel better and stronger. Hindi ko naman pinapalamon nang sobra ang sarili ko sa problema.

Problema lang 'yan.

At . . .

Ako si Arden!

Mas malakas ako r'yan!

Baka Arden 'to!

Napangiti ako sa isiping 'yon. Napatingin naman ako kay Fern na nag-me-memorize. Nakatayo siya sa harapan ko. Pagewang-gewang ang katawan niya habang isa-isang hinahawakan ang daliri.

"Number one is transparency," sabi niya habang hawak ang unang daliri. "Number two, integrity."

"Three, trustworthiness!" pagsabat ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ang bwisit mo!"

"Four, loyalty," saad ko pa.

"Number five, equality!"

"Six, compassion."

"Number seven, respect!"

"Lawfulness, providing excellence, responsibility, reputation upholding, and accountability!" pagtapos ko.

Nakasimangot siyang umupo sa tabi ko. Diretso ang tingin niya sa akin habang ako ay taas noo lang. "Bakit naunahan mo pa ako mag-memorize?"

"Wala naman kasi akong magawa kila Ryu."

"Ah! Mabuti naman na nagsisipag ka!"

Ngumiti ako. "Hindi ko pa rin nakalilimutan 'yong pangako mo sa 'kin."

Nangunot ang noo niya kaya napangiwi ako.

H'wag niya sabihing nakalimutan na niya?

"Anong pangako?" Na-pa-peace sign pa siya sa akin.

"Kapag nakapasa ako ng licensure exam," pagpapaalala ko.

"Ahhh! Oo 'yong may ibibigay ako sa 'yo!"

Agresibo akong tumango-tango. "Promise mo 'yon."

"Oo naman! Kaya pagbutihan mo!"

"Yes, madam!"

Nakangiti niyang ibinalik ang tingin sa notes niya. Inabala niya ang sarili sa pag-re-review. Ako naman ay hindi na kaylangan pang makisali sa kanya. Dahil kagabi pa lang ay na-review ko na lahat.

Taena! Muntikan pa akong hindi makapag-focus. Dahil si Ryu nanonood ng porn sa tabi ko. Tawang-tawa pa nga siya sa pinapanood dahil hindi raw magaling 'yong lalaki. Sa totoo lang. Nakakasuka 'yong pinapanood niya!

Nakangiwi akong napayakap sa sarili ko.

"Arden! Fern!"

Napalingon kami ni Fern sa tumawag na 'yon. Nakita namin si Ryu na tumatakbo palapit sa amin. Nahulog pa niya ang sigarilyo dahil sa pagtakbo kaya binalikan niya ulit 'yon.

Napabuntong hininga si Fern. "Kaylan kaya ititigil ni Ryu 'yang bisyo niya?"

"Hindi raw ngayon at hindi rin bukas," natatawa kong sagot.

Nagsalubong ang kilay niya. "So kaylan?"

"Kapag nag-break na raw kayo ni Haru."

Napapikit-pikit siya at napahawak pa sa dibdib. Umarte siyang dinamdam niya ang sinabi ko. "Sige forever na siyang magbisyo!" saad niya.

Tch! Ayaw niyang maghiwalay silang dalawa. Ano ba'ng meron si Haru na wala ako? Mas g'wapo pa nga ako kay Haru! Bakit gustong-gusto ng mga babae ang mga Koreano?

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon