2 years later. . . .
"S-sorry na-late ako," hinihingal na sabi ni Ryu palapit sa amin. Magulo ang suot niyang coat. Nagkalat na rin ang hibla ng buhok niya sa mukha.
"P'wede ba sa trabaho 'yang buhok mo?" tanong sa kanya ni Haru.
Inayos niya ang medyo may kahabaan niyang buhok. Itinali niya 'yon at humarap sa aming presentable. "Ako ang boss," biro niya.
"H'wag kang assuming empleyado ka lang," ani ko naman.
Nagsitawanan sina Haru at Fern. Si Ryu naman ay tinuktukan ang ulo ko.
Sa dalawang taong lumipas ay maraming nangyari. Si Ryu ay nakagraduate nang maayos. Akala nga namin ay hindi makakatapak sa stage. Finance officer siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan din ng mom at dad niya.
Si Haru naman ay kakagraduate lang. Kaya kami nagkita-kita ngayon ay para samahan siyang magtake ng admission test para sa law school na papasukan niya sa Korea. Kapag nakapasa ay sa Korea siya mag-aaral ng law. Ayaw man niya ay wala siyang nagawa. Dahil 'yon ang kagustuhan ng dad niya.
Kami naman ni Fern ay fourth year college na. Sineseryoso namin ang pag-aaral ngayon. Ang goal namin ay hindi lang makagraduate kung hindi makapasa rin sa licensure exam. Nagtutulungan kaming dalawa para matupad ang mga pangarap namin.
"Halina kayo," anyaya ni Fern. Tumayo ako sa kinauupuan at sinabayan si Ryu sa paglalakad. Magkahawak ang kamay na nagpauna sina Haru at Fern.
Dalawang taon na silang magkarelasyon. Malapit na nga ang third year anniversary nila.
Hinintay ko si Fern.
Hinintay kong maghiwalay silang dalawa.
Kaso . . .
Tang ina! Bakit ang tatag nila?
"Arden, pautang," bulong ni Ryu.
Sa kanya ko naibaling ang atensyon ko. "Nagtatrabaho ka pero wala kang pera?"
"Bibili kasi ako kotse."
"Oh, tapos?"
"Kulang sa datung." Nag-handsign pa siya na hugis pera.
"Estudyante pa lang ako, sorry ka!"
"100k lang kulang! Baka naman p'wede kang humirit kay Tito Roi." Nagpa-cute pa siya sa harapan ko. Nagmumukha nga lang siyang aso.
"Ayoko."
"Oh ede kay Arzela ako mangungutang!"
"Kung pauutangin ka, mahigpit sa pera 'yon," sabi ko.
"Segurista kayong mga Claverya," pabirong saad niya.
Tinawanan ko na lang siya. Pagkasakay namin sa kotse ni Haru ay natahimik na si Ryu. Gusto raw niyang magpahinga sa byahe. Medyo malayo kasi ang pupuntahan naming school kung saan mag-e-exam si Haru.
"Arden, hawakan mo 'yong ulo," sabi ni Fern paglingon niya sa amin. Napatingin ako kay Ryu na pagewang-gewang ang ulo.
"Dalawa ulo n'yan, saan gusto mong hawakan ko?" biro ko.
"Ang baboy mong talaga!"
"Biro lang," saad ko na lang sabay hawak sa ulo ni Ryu.
"Tang ina mo, Arden, narinig ko 'yon!" Napabitaw ako sa ulo ni Ryu nang magsalita siya. Mapungay ang mga matang humarap siya sa 'kin.
"Hahaha, biro lang naman!"
"Ulol hindi mo na bagay magbiro ng gan'yan ngayon! 'Di ba, Haru," ani ni Ryu.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
