"Sasama siya kay Haru."
Iyon ang narinig ko habang palabas ng k'warto. Namataan ko sina Ryu at ate sa sala. Magkaharap sila habang nag-uusap. Unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan nila.
"Si Fern?" tanong ni ate.
"Oo."
"Pumayag ba ang parents niya?"
"Oo."
"Mabuti 'yon hindi na mahihirapan si Fern na maghanap ng trabaho."
"Mahihirapan 'yong kapatid mo," may kahinaang ani ni Ryu.
"Si Arden?"
"Oo, bakit may iba ka pa bang kapatid?"
"Ahahaha! Kinukumpirma lang! Saka bakit mahihirapan si Arden?"
Napabuntong-hininga si Ryu. "Alam mo naman siguro 'yong nangyari sa kanila ni Fern at alam mo rin na malulungkot 'yon kapag umalis si Fern."
"Sus! Naka-move on na si Arden. Wala na sa kanya 'yon. Kahit umalis si Fern hindi na niya dadamdamin."
"Ikaw ba si Arden? Bakit mas alam mo ang mararamdaman niya?"
"Ate niya ako! Kilala ko siya," pagtataray ni ate.
Kaysa manatiling nakatago sa kanila, nagpakita na ako. Naiangat nila ang paningin sa 'kin. Naupo naman ako sa tabi ni Ryu at inabala ang sarili gamit ang phone ko. Natahimik na silang dalawa. Wala ni isang nais na umimik.
Hanggang hindi na makayanan ni Ryu. "Sasama si Fern kay Haru."
Tumango ako pero ang atensyon ay nasa phone pa rin.
"Kaylan alis nila?" tanong ni ate.
"Pagkalabas ng result sa board exam," sagot ni Ryu.
"Sayang, makakatrabaho sana namin siya ni Arden. Pero maganda naman ang magiging trabaho niya sa Korea. Kaya masaya ako for her!"
Nag-usap pa silang dalawa habang ako ay pinilit na hindi makinig. Nakatanggap pa ako kay Fern ng message. Pinapapunta niya ako sa apartment nila bukas. Hindi ako tumanggi sa kanya. Gusto kong makasama si Fern. Susulitin ko na ang mga panahong nandito siya. Dahil kung talagang desidido na siya sa pagsama kay Haru, ilang taon ko siyang hindi makikita.
•••
Inilapag ko sa lamesa ang mga dala kong pagkain. Tinulungan pa ako ni Tita Feya sa mga 'yon. Si Tito Gino naman ay nakaupo lang sa sala habang nanonood. Next month ang uwi ng mga magulang ni Fern sa probinsya nila. Hinihintay din kasi nila ang resulta ng board exam.
"Pinapunta ka ni Fern?" tanong ni Tito Gino mula sa sala.
"Opo, Tito."
"Ang batang 'yon talaga. Pinapunta ka pero umalis," ani ni Tita Feya.
"Nasaan po ba siya, Tita?"
"Sinundo siya kanina ni Haru rito."
Tumango na lang ako. Mula sa k'warto ay lumabas si Liera. Dumiretso agad siya sa amin at nilantakan ang pagkain. Hinayaan ko na lang siya.
"Ngayon ka lang ulit nagpunta rito ah," sabi ni Liera.
"Ngayon lang ako pinapunta ni Fern."
"Ang bait mo naman! Pumupunta lang kapag may permiso. Si Haru kasi kahit hating gabi dumadalaw hahaha!"
Natawa rin si tita.
"Boyfriend naman siya ni Fern," saad ko.
"Kahit na! Naiinis ako sa kanya 'e! Bakit pa kasi umuwi 'yon dito?" b'welta ni Liera.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...