14

215 30 21
                                        

"May pupuntahan kayo ni Haru?" tanong ko kay Fern. Nagsusuklay siya ng buhok habang nakaharap sa salamin.

"Oo, sama ka ba?"

"Saan?"

"Kakain lang kami," sagot niya. Huminto siya sa pagsusuklay at humarap sa akin. "Sama ka?" nakangiti na niyang tanong.

"Hindi na, gagala kami ni Ryu."

"Baka girl hunting 'yan ah!"

"Ano namang masama roon? Single naman ako," nakangisi kong usal.

Tumingin siya sa babaeng itinuro ko kanina. "Type mo siya 'di ba, try mong ligawan."

"Feeling ko hindi magaling humalik 'yan— aray!" Napahawak ako sa batok ko nang hampasin niya 'yon.

"Bibig mo!"

"Sorry na, madam," saad ko habang hinahaplos ang batok ko.

"Halika! Samahan mo na lang ako."

"Saan?"

"Sa rooftop, dalian natin bago mag next subject!"

Wala na akong nagawa nang hilain niya ako. Nagpadala na lang ako sa kanya. Tumatakbo kaming nagpunta sa rooftop ng building. Hindi ko alam ang gagawin namin dito pero bahala na. Kasama ko naman siya kaya siguradong mag-e-enjoy ako!

Nang makarating kami sa rooftop ay sinalubong ni Fern ang hangin. Nakataas ang magkabilang kamay niya. Habang nakapikit ay nilanghap niya ang hangin. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. Para rin siyang batang tumalon-talon sabay harap sa akin.

"Ganda rito 'di ba?" malawak ang ngiting tanong niya.

Pinakiramdaman ko rin ang hangin at ipinikit ang mga mata. "You're right."

"Ngayon ka lang ba nakapunta rito?"

"Yup, madalas kasing naka-lock 'yong gate papunta rito." Iminulat ko ang mga mata. Nakatitig lang siya sa 'kin. Umupo na lamang ako sa sahig habang nakatingala sa langit.

"Hiniram ko 'yong susi kay prof kaya nabuksan ko," ani niya at tinabihan ako sa pag-upo.

"Lakas mo naman pala sa mga prof."

"Sympre! Baka Fern 'to," taas noong sabi. Marahan akong nahiga sa sahig na ikinagulat ni Fern. "Hoy! Tayo! Madudumihan ka," she resisted.

Pero nanatili akong nakahiga. I took a deep breath and stifled a yawn. "Inaantok ako!"

She frowned. "H'wag ka r'yan matulog."

"Tabihan mo na lang kaya ako?"

"Iyon ang hindi ko gagawin!"

"Okay," saad ko na lang.

Natahimik kaming dalawa. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Nakaupo siya patalikod sa 'kin habang nakatingala sa langit.

"Gusto mo talaga si Haru?" I asked out of nowhere.

Itinabingi niya ang ulo para makita ako nang maayos. "Bakit mo natanong?"

"I'm just curious."

"Hmmmm, oo!" she said as she chuckled.

"Sasagutin mo na?"

She shook her head. "Hindi pa sympre."

"Kaylan mo balak?"

"Kung sure na ako sa kanya."

"Hindi ka pa ba sigurado sa kanya?"

She stifled a laugh. "Oo 'e!"

"Mabuti 'yon. . . ." I said in silence.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon