23

193 24 24
                                        

Isang linggo ang tinagal namin kila Fern bago pumunta sa Baguio. Sa UV Express kami sumakay ni Fern, para mas komportable. 3 hours mahigit daw ang byahe, hindi ako natulog nanatiling dilat ang mga mata ko. Ngayon lang kasi ako makakapunta sa Baguio kaya susulitin ko na.

Nagsend ako kay ate ng mga pictures namin ni Fern. Nakipag-video call pa siya sa 'kin bago siya mag-exam. Sabi niya ay lucky charm daw niya ako. Hinayaan ko na lang na magdrama siya. Sinabi ko na sa kanya ang lahat nang magagandang salitang magpapagana sa kanya sa pag-e-exam. Tulad nang pasasalubungan ko siya ng mga souvenir at pagkain sa Baguio basta galingan niya sa exam. Todo suporta rin si Fern sa kanya.

Napako ang tingin ko sa labas habang bumabyahe kami. As usual si Fern ang nasa gilid ng bintana. Ka-video call niya ngayon si Haru, hindi ako pinapakita ni Fern dahil hindi nga alam ni Haru na kasama niya ako. Kalahating oras na silang nag-uusap, at parang hindi sila nagsasawa sa isa't isa.

Tch!

"Oh sige, babye na, mag-iingat ka r'yan ah!" pagpapaalam ni Fern. Hindi ko marinig ang sinasabi ni Haru dahil nakaearphone si Fern. Tumawa siya. "Hahaha! Pasalubong ko, maraming Korean foods. Sige sige bye bye!"

Pinagmasdan ko lang si Fern.

"Ano? Oy! H'wag dito hahahaha!"

Ano kayang pinag-uusapan ng dalawang 'to?

"Nahihiya ako." Humina ang boses ni Fern. "Maraming tao, nakakahiya." Tumingin pa siya sa 'kin, binigyan ko naman siya nang nagtatakang tingin. "Gusto mo talagang marinig? Saka na lang wala pa tayong label," sabi ni Fern.

May ideya na ako!

"Ang kulit, Haru, hahaha! Baliw i-end ko na—" Nahinto si Fern at biglang nailayo ang phone sa mukha niya. Sinulyapan niya ako habang nagpipigil ng kilig.

Taena hanggang dito thirdwheel ako!

"Okay! I love you too," sabi ni Fern sabay end ng tawag.

Hindi ako natutuwa.

Taena hindi ako natutuwa.

Hindi talaga ako natutuwa!

Narinig ko pa talaga!

Pasimple akong umusog palayo kay Fern. Pilit kong inaabala ang sarili para hindi ako maapektuhan ng sinabi niya kay Haru.

Ang corny nila.

Napaka corny!

Pero ang totoo n'yan,

Nagseselos ako!

Kakasira ng mood!

Sumulyap ako kay Fern, nakangiti siya habang ang paningin ay nasa labas ng bintana. Pumapadyak-padyak din ang paa niya kaya pinigilan ko 'yon. Dahil nakapantalon naman siya ay hinawakan ko ang binti niya para matigil sa makulit na pagkilos.

"Bakit?"

"Para kang sira ulo r'yan," sabi ko.

Hinampas niya ang braso ko kaya naialis ko ang kamay sa binti niya. "Kinikilig ako!"

"Nag I love you lang kinilig ka na?"

"Hindi mo kasi ako gets! Alam mo 'yong parang may sumasayaw na bulati sa tiyan. Gano'n 'yong nararamdaman ko ngayon."

"Butterflies in the stomach," saad ko.

"Oo! Ganoon nga 'yon. Bakit hindi mo pa ba naramdaman 'yon?"

Nararamdaman ko 'yon sa 'yo, Fern.

"Hindi pa," pagsisinungaling ko.

"Siguro wala kang puso?"

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon