09

157 21 6
                                        

Mabilis na dumaan ang mga araw. Ngayon na ang huling paglilinis ko sa school. Sympre ginaganahan akong pumasok. Sa wakas matatapos na ang paghihirap ko.

"Arden, kain ka muna," saad ni ate.

Luminga ako sa paligid. "Nasaan sina mom at dad?"

"Umalis hindi ko alam . . . kung saan pupunta," sagot niya habang ngumunguya. Naupo na lang ako sa harap niya at kumain din.

Nagbabasa siya ng libro kaya sinilip ko kung ano 'yon. "Malapit na quarter exam n'yo?" tanong ko.

"Yes, and need ko mag-advance review para sa licensure examination."

"Ah, paano kapag pumasa ka sa exam?"

Ngumiti siya. "Ede ganap na CPA na ako."

"Mahirap ba 'yong exam?"

"Sabi ni dad madali lang, basta balikan ko 'yong pinag-aralan ko mula noong first year hanggang ngayong fourth," saad nito.

Sigurado akong bagsak ako d'yan sa exam na 'yan. Hindi nga ako nag-aaral ng mabuti ngayong first year. Kaya imposibleng matandaan ko pa lahat ng lesson kapag nag-take na ako ng licensure exam.

"Mag-shi-shift na ata ako," biglang saad ko na ikinagulat niya.

"Magagalit si dad."

"Wala naman akong natututunan sa accountancy!"

"Aba'y sikapin mong may matutunan. Sulit paghihirap mo, Arden kapag nakapasa ka sa licensure exam! Kahit papaano malaki sahod ng mga CPA," seryoso niyang sabi.

I sighed. "Aanhin ko 'yong malaking sahod kung hindi naman ako masaya sa ginagawa ko?"

"Kung gano'n saang trabaho ka sasaya?"

"Engineering," agad kong sagot. Mas sumeryoso siya at napapaisip pa. "Pero pagbibigyan ko si dad ngayon. Basta kapag naka-graduate na ako hindi na niya mapipigilan kung ano'ng gusto kong gawin," determinado kong sabi.

Inubos niya ang pagkain bago tumingin sa akin. "Mag-aaral ka ulit pagka-graduate mo?" tanong niya.

"Siguro kapag ginanahan ako."

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Akala ko ba gusto mo maging engineer?"

Tumayo ako. "Inisip ko kasing maganda rin maging porn star," biro ko.

Halos maibato na niya sa akin ang libro na hawak. Sinamaan niya ako ng tingin at parang gusto akong bangasan.

"Bastos ka talaga!"

"Hahahaha! Ayaw mo non mapapanood mo na ako sa porn hub."

"Langya ka! Hindi ako kaylanman nanood sa site na 'yon!"

"Sus, k'wento mo sa pagong, Ate," nakangisi kong saad sabay kuha ng bag ko. Masama lang ang tingin niya sa 'kin. "Pahingi rin pala pera, walang binigay si dad," dagdag ko pa.

Nanliit ang mga matang binuksan niya ang wallet. Binato pa niya ang isang daan sa akin.

"Taena, isang daan lang?"

"500 sana ibibigay ko sa 'yo kaso loko-loko ka!"

Nakanguso akong lumapit sa kanya. Lumuhod pa ako habang hawak ang kamay niya. "Ate, please, ilang araw na akong walang allowance. Pagod pa ako sa pagiging janitor ko sa school. Hindi ka ba naaawa sa 'kin?" pagmamakaawa ko.

Tinanggal niya ang kamay sa pagkakahawak ko at binatukan ako. Sinamaan ko siya ng tingin, tatawa-tawa naman siyang kumuha ng pera sa wallet.

Sabi ko na nga ba't hindi niya ako matitiis!

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon