Nasa library kami ni Fern, kaharap namin ang mga makakapal na libro. Binabasa niya ang mga 'yon tapos isinusulat sa notes ang mga importanteng impormasyon.
"Wait ka lang d'yan," saad niya sa 'kin. Pinapanood ko lang siya habang nagsusulat. Nanliliit ang mga matang pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya.
She's good-looking, I found her dark brown eyes, irresistible. She has a round face with a pointed chin. Her hair was black and it crashed over her shoulders. She had slender eyebrows and thick eyelashes. Her dainty nose compliments her heart-shaped lips. They were kissable.
Hindi nakapagtatakang nagustuhan siya ni Haru. Appearance pa lang busog ka na. Unti-unti akong napangisi nang bumaba ang tingin ko sa katawan niya. She also had a shapely figure. Pero hindi siya ganoon kaputi. She was tanned.
"Ano'ng height mo?" biglang tanong ko. Well, I have a strong curiosity about that.
"5'6," sagot niya.
"Hindi p'wede 'yon! 5'7 ako 'e!"
Ibinato niya sa 'kin ang notebook niya sabay paglinga sa paligid. "Nasa library tayo."
"Basta hindi p'wede 'yon, baka 5'5 ka lang?"
She arched her eyebrow. "Ano namang problema mo sa height ko?"
"Malapit mo na akong maabutan," sagot ko naman.
"Tsk, tatangkad ka pa kaya h'wag kang OA. Pero mas matangkad si Haru sa 'yo 'di ba?" tanong niya habang nakangiti pa.
Interesado sa kaibigan ko!
Napangisi ako. "Oo, alagang vitamin J 'yon."
Kumunot ang noo niya. "Bastos ka."
"Huh? So you know what I mean?"
"Oo, hindi ako pinanganak kahapon."
"Tch! Kung gano'n kaylan ka pinanganak?"
"Bakit ko sasabihin?"
"Para makapunta kami ni Haru sa birthday mo."
Ibinalik niya ang paningin sa ginagawa. Hindi na lang ako umangal pa. Nang matapos niya ang pag-te-take notes ay inilapag niya 'yon sa harap ko. "Itong mga terms na 'to kaylangan mong imemorize. Importante 'yang mga 'yan, sure lalabas sa exam."
Binasa ko 'yon isa-isa. "Tapos?"
"Intindihin mo ang ibig sabihin. Bibigyan kita 10 minutes para isaulo. Tapos i-discuss mo sa 'kin isa-isa," seryoso niyang sabi.
Napasimangot ako habang nakatingin sa notebook.
Tinatamad ako!
"Start ka na," saad niya.
Tumalikod ako sa kanya at sinimulan ang pagsasaulo. Ang daliri ko ang ginagamit kong gabay para makapag-memorize nang maayos. Tapos pilit kong ini-imagine ang notebook sa isip ko. Sinusubukan ko kasi 'yong sinabi ni ate na mas matatandaan ko raw ang ni-re-review ko kapag saulo ko 'yong arrangement ng topics sa notebook.
Nagtagal nga ako ng 10 minutes. Pagkatapos ng ibinigay niyang oras ay pinaharap na niya ako sa kanya. "I-recite mo na sa 'kin."
I sighed. "Language, it is . . . a system . . . conventional spoken . . ." Napahinto ako dahil hindi ko na matandaan. Kagat labing sinesenyas ni Fern ang kamay sa 'kin. Ang ibig ata niyang sabihin ay ituloy ko lang. "Ulit from the top nalito ako," atungal ko.
"Okay go."
"Language, it is a system of conventional spoken, manual . . . or written symbols," saad ko.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
