30

199 30 8
                                    

I decided to go back home. Ayoko nang patagalin pa ang pagtira kila Ryu. Nahihiya na ako sa mga magulang niya. And I want to fix things between my parents. Ituturing ko pa rin na parang tunay na kadugo si Mom Martha. Siya ang kinalakihan kong ina kaya ayokong maramdaman niyang malayo ang loob ko sa kanya.

I got home safely, but before I enter the house I took a deep breath. Pinakalma ko ang sarili. Desidido na akong magpakita sa kanila. Tahimik kong pinihit ang saradora ng pinto. Nang tuluyan na itong bumukas ay nanibago ako sa bahay. Walang tao sa sala kaya nagtuloy ako sa pagpasok. Inilapag ko ang mga gamit sa couch. Naglakad-lakad din ako sa paligid. Hinanap ko ang presensya nila sa buong bahay.

Pagkarating ko sa kusina ay doon ko nakita si mom. Naghahanda siya ng pagkain kaya hindi niya agad ako napansin. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya. Nakatalikod siya sa akin. So I decided to hug her from behind. Ikinagulat niya 'yon at para siyang naging bato sa kinatatayuan.

"Mom, sorry po," nangingilid ang mga luhang saad ko.

Hindi siya nakaimik. Nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Hanggang maramdaman ko ang bahagyang pag-angat ng balikat niya.

Umiiyak siya.

"Sorry po talaga, akala ko wala ka talagang pakialam sa 'kin, Mom. Pinaniwala ko ang sarili kong wala kang kwentang ina."

Doon na siya humarap sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos-haplos ito. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha niya sa pisngi.

"Arden, sa wakas umuwi ka na. Salamat anak!" Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "A-ako ang patawarin mo. Tama ka . . . n-naman na hindi ako naging mabuting ina sa 'yo," gumagaralgal ang boses na sabi.

Agresibo akong umiling-iling. "Naiintindihan na po kita kung bakit may pag-aalinlangan ka pagdating sa 'kin. Pero alam kong mahal mo ako mom kahit hindi mo ako kadugo."

Yumakap siya sa 'kin and she patted my back. "Oo, anak, mahal na mahal kita. Babawi ako sa 'yo. Ipaparamdam kong tunay kitang anak. Basta anak h'wag ka nang umalis, dito ka nalang ah. Miss na miss ka na namin. Nag-aalala kami sa 'yo araw-araw, lalo na ang dad mo. Hindi na siya nakakain nang maayos noong umalis ka. Palagi siyang walang gana. Kaya anak, patawarin mo rin ang dad mo sa mga nagawa niya sa 'yo."

Naiintindihan ko si dad kung bakit lagi niya akong pinagagalitan. Pagdidisiplina ang ginagawa niyang 'yon. Ayaw niyang magaya ako sa kanya. Ayaw niyang magkamali rin ako tulad ng mga ginawa niya noon. Gusto niyang mapaayos ang buhay ko.

Tuwang-tuwa sina ate at mom sa pagbabalik ko sa bahay. Noong tumawag ako kay ate at sinabing umuwi na ako ay nagskip siya sa trabaho. Nagalit nga si mom sa kanya pero hindi siya nakinig. Mahal na mahal talaga ako ng ate ko. Kaya niyang baliwalain ang trabaho para sa 'kin.

"Don't worry, hindi ka na patutulugin ni dad sa labas ng bahay," natatawang sabi ni ate.

Kumakain kaming tatlo sa likod bahay. Nasa loob kami ng maze rattan.

"Seryoso ba?"

"Oo! Umiiyak nga siya noon sa amin ni mom. Ganito sabi niya." Tumikhim pa si ate bago ituloy ang sasabihin. "Si A-arden, kahit p-palagi ko siyang pinapagalitan, mahal na mahal ko 'yon. Pag-uwi niya hinding-hindi ko na siya pagsasaraduhan ng pinto. Hikhik Huhuhuhu," panggagaya niya kay dad. Natawa si mom kay ate gayon din ako.

"Sinabi talaga niya 'yon?" hindi pa rin kumbinsidong tanong ko.

"Hindi ba, Mom, sinabi ni dad!"

Tumango naman si mom. "Palaging gan'yan ang sinasabi ng dad mo."

Hindi ko ipinakita sa kanila ang labis na tuwa. Nanatili akong kalmado at parang hindi apektado.

"Kaya ikaw! H'wag ka nang aalis!" singhal ni ate.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon