15

237 29 23
                                        

"Nagpaalam ka ba sa boyfriend mo na si Ryu date mo?" tanong ko kay ate.

"Ofcourse!"

"Pumayag?"

"Yup!"

Naupo ako sa sofa, seryoso lang akong nakatingin sa screen ng phone ko. Naghahanap kasi ako sa online ng p'wedeng bilhin na coat. Tumabi sa akin si ate at sumilip sa phone ko.

"H'wag ka nang maghanap d'yan," saad niya.

"Bakit?"

"Binilhan ka ni mom ng susuotin mo."

Bumili siya? Hindi ko naman sinabing bilhan niya ako!

I raised an eyebrow. "Sa tingin mo ba susuotin ko 'yon?"

"Mas mahal 'yong binili niya para sa 'yo kaysa sa 'kin."

Tumayo pa siya at saka napatakbo sa k'warto niya. Hinintay ko na lang siya habang malalim ang iniisip.

Bago 'yon ah. Naalala ako ni mom?  Tch!

"Look, Arden!" sigaw ni ate. Kitang-kita ko naman na nahihirapan siya sa mga dala. Paano ba naman kasi sinama rin niya 'yong sa kanya. Pagkarating sa sala ay ibinaba niya sa harap ko ang mga damit. Ipinakita niya ang isang dress, pure black 'yon. Walang masyadong detalye dahil simple lang.

"Iyan ba 'yong susuotin mo sa unang party niyo?" tanong ko. Tumango naman agad siya. Ipinatong din niya ang isang gown sa katawan. Combination ng gray at white ang kulay ng gown. Sobrang haba, kapag sinuot siguradong hindi niya mailalakad nang maayos. Pa-tube 'yon at plain gray ang itaas na bahagi. Ang waist naman ng gown ay pinapalibutan ng mga puting bulaklak. Unti-unting nag-fe-fade ang kulay non pababa.

"Sa graduation ball ko 'to! Ang mahal nga, muntik na mabutas bulsa ni dad," saad niya.

"Hindi nawawalan ng pera 'yon," sabi ko naman.

Kinuha niya ang sinasabi niyang binili ni mom para sa 'kin. White polo, grey coat and grey pants. Pinagmasdan ko nang maayos. Mukha namang kasya sa akin 'yon.

Inilapag ni ate ang mga 'yon sa binti ko. "Suotin mo 'yan."

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Arden, nagtagal kami dahil d'yan! Ilang store ang pinuntahan namin para mahanap 'yan. Ang mapili kasi ni mom. Kesyo ayaw mo raw 'yong ganitong kulay, 'yong ganitong coat, 'yong ganitong polo," litanya niya.

Napatingin ulit ako sa pinili ni mom. Aaminin kong nagustuhan ko ang binili niya. Hindi na lang ako tatanggi!

"Okay, sige." Tumayo ako at kinuha 'yon. "Iaayos ko lang 'to baka umiyak ka," nakangising usal.

She smiled. "Go! Pero wait!"

"Ano?"

"Ipaalala mo kay Fern 'yong usapan namin."

Napakunot ang noo ko. "Usapan?"

"Dito siya matutulog sa bisperas ng party n'yo! Kasi ako ang mag-aayos sa kanya," masayang sagot ni ate.

Agad akong tumalikod at dumiretso sa paglalakad.

Dito siya matutulog? Taena!

"Hoy, Arden! Basta sabihin mo kay Fern ah!" sigaw pa ni ate.

Pagkapasok ko sa k'warto ay inilapag ko sa kama ang susuotin ko. Napatitig ako roon pero si Fern ang nasa isip ko.

Rito siya matutulog?

Makakasama ko siya ng isang araw?

Sa bahay pa namin?

Tang ina! Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon