Freshman and Sophomore Night Pt. 2
"Alam kong excited na kayong maisayaw ang mga taong gusto n'yo. Pero bago pa man 'yon let's proceed to our Fun and Games!" saad ng host.
Nagsipalakpakan ang lahat habang ako ay walang ganang nakapalumbaba sa lamesa. Mas lumakas ang musika sa mga naglalakihang speaker. Napahawak pa nga ako sa dibdib ko dahil ramdam ko ang vibration ng tunog.
Inilabas ang mga props na gagamitin sa games.
Tch! Karamihan ng palaro nila ay nangangailangan ng dalawang tao, basically it's for couples.
"Our first game is the apple eating! We need 10 partners, kapag sinabing partners it should be two people baka may maki-thirdwheel pa!"
Natawa ang lahat sa sinabi ng host.
Ano namang masama sa pagiging thirdwheel?
"Required ang lahat makipag-participate, so guys come over!" masayang saad ng host.
Kanya-kanyang hilaan ang lahat, 'yong iba ay nagkakahiyaan pa. Napatingin naman ako kina Fern at Haru nang tumayo sila. Hinila ni Fern si Haru papunta sa spot ng games.
"Arden, sali tayo," suhestiyon ni Moymoy.
I raised an eyebrow. "Ang corny ng laro."
"Hindi naman ah! Ayaw mo non makakakain tayo ng mansanas?"
"May mansanas kami sa bahay," saad ko.
"Kill joy mo talaga! Aayain ko na lang si Clara," pagtukoy niya sa classmate namin. Nagpunta nga siya sa puwesto nila Clara para ayain ito. Napangisi ako nang umiling-iling si Clara pero panay ang pagpilit niya.
Tch! Goodluck sa 'yo!
Ibinalik ko ang tingin kina Haru at Fern. Pitong partners na ang nasa mini stage. Makikita ang pagkailang ni Haru habang si Fern ay tuwang-tuwa sa nagsasalitang host. Sa huli ay hindi nakumbinsi ni Moymoy si Clara. Hindi na rin siya nakapaghanap ng partner dahil kompleto na ang players.
"Oy si Fern 'yon, sino 'yong kasama niya?" tanong ni Moymoy.
"Manliligaw niya," sagot ko.
Hindi na nakaimik pa si Moymoy nahalata siguro niya ang lungkot sa boses ko. Itinuon na lang namin ang atensyon sa stage.
"This game played by two persons, the apple holder and the apple eater. So this is the mechanics of the game. The apple holder will hold the apple using any part of her/his face and the apple eater will eat the apple while their hands are behind their backs.
The first couple who has the most reduced apple size within two minutes will win the game," paliwanag ng host.Umayon naman ang lahat do'n. Pumuwesto ang players sa gitna ng mga mansanas na naka-hang sa isang horizontal pole. Ang nakakainis pa ay kitang-kita ko sina Haru at Fern.
"Sure ka panonoorin mo 'yan?" rinig kong tanong ni Moymoy.
"Hindi ko naman ikamamatay kung panonoorin ko," seryoso kong sagot.
"Okay, goodluck!" natatawa niyang usal kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign lang siya saka lumayo nang unti sa 'kin.
Si Haru ang apple holder at si Fern ang kakain non. Nang bumilang na ang host ay agad silang nagsimula. Napakuyom ang kamao ko sa ilalim ng lamesa nang magdikit sina Haru at Fern. Binalance ni Haru ang mansanas gamit ang pisngi niya habang si Fern ay sinimulan na ang pagkain.
Nagsalita si Haru dahilan para tumawa si Fern. Nahinto nito ang pagkain at pabirong sinuntok ang braso ni Haru. Nagbiruan pa sila, parang wala na nga silang pakialam sa laro. Bumigat pa ang pakiramdam ko nang hawakan ni Fern ang balikat ni Haru at mas nainis pa ako nang inihawak ni Haru ang kamay sa bewang ni Fern. Inilayo ko ang paningin sa kanila nang halos kaunti na lang ay magdidikit na ang mga mukha nila. Napatayo ako sa kinauupuan, nagpapalit-palit naman ang tingin ni Moymoy sa amin nila Fern.
![](https://img.wattpad.com/cover/276326270-288-k380698.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
Roman d'amourOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...