"He's suffering from mild head injury. No worries dahil magiging maayos din siya. Rest lang ang kaylangan niya at magbibigay mamaya ang nurse ng pain reliever for the headache."
"Makakalabas na po ba siya kapag nagising na?"
"Yes, pero kaylangan n'yo siyang i-monitor at home. Then, kapag may naramdaman siyang sakit or malalang pagkahilo ipunta n'yo ulit siya rito sa hospital."
"Thank you po, by the way, doc, saan po ako p'wedeng magbayad ng bill?"
"Sasamahan na lang kita."
Iminulat ko ang mga mata. Medyo sumakit ang ulo ko nang pinilit kong tignan ang mga nagsasalitang 'yon.
Si Fern.
Pagkaalis nila ay pinagmasdan ko ang paligid. Nasa emergency room ako. Walang nakakabit na apparatus sa akin tanging benda lang sa ulo ko.
Bahagya kong pinakiramdaman ang sarili. Kanina lang ako nahihilo nang pagmulat ng mata, pero ngayon wala na akong nararamdaman.
Naupo ako at hinintay na lang si Fern. Nagtagal pa ang paghihintay ko nang ilang minuto. Napansin ko naman na ang pagdating niya. Nakasimangot siya habang nakatingin sa wallet niya. Napatingin siya sa 'kin. Napalitan ng awa ang nakasimangot niyang mukha kanina. Marahan pa siyang umupo sa kama ko.
"Sorry," saad niya.
"Bakit?"
"Kung hindi kita pinapunta roon hindi ka magkakagan'yan. Nakausap ko si Haru kanina at sinabi niya lahat ng nangyari."
"Alam ba niyang nandito ako?"
"Hindi ko sinabi," sagot niya.
Napanatag naman ako. "Babayaran kita mamaya."
"Huh?"
"Ikaw nagbayad ng bill 'di ba?"
"Naku! It's okay! Hindi naman malaking halaga."
"Kahit na."
"Ay! H'wag makulit, magpahinga ka na lang." Pinanliitan niya ako ng mga mata.
I sighed. "Sige babawi na lang ako sa 'yo."
"Hahaha! Nauntog ka talaga 'no? Bumabait ka 'e!"
"Tch! Tawanan mo pa ako kasalanan mo na nga 'to."
"Kaya nga ako na nagbayad ng bill," atungal niya. Hindi naman ako umimik. "Gusto mo na bang umuwi? Mas makakapagpahinga ka sa bahay niyo."
I shook my head. "Hindi pahinga ang tawag do'n kapag inuwi mo ako sa amin."
She arched her eyebrow. "Ano'ng tawag?"
"Gulo."
"Ah! Kasi pagagalitan ka," saad niya na ikinatango ko naman.
Marahan akong luminga sa paligid. "Anong oras na?"
"9:30 p.m na, buti na lang sabado bukas."
Medyo matagal pala akong nawalan ng malay. Pero pakiramdam ko natutulog lang ako. Nananaginip pa nga ako.
"Tatawagan ko dad mo akin na number," sabi ni Fern. Nang hindi ako umimik ay siya na ang kumuha sa phone ko. "Open mo," utos niya.
Kinuha ko 'yon at saka nagpunta sa settings.
"Buti walang tao noong makarating ako sa waiting shed. Kung may mga tao lang doon baka ninakaw 'yong phone mo," pagk'wento niya.
"Hindi ba p'wedeng tulungan muna nila ako bago nakawin phone ko?"

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...